Chapter 3

26 1 0
                                    

GWAPONG-GWAPO sa sarili ang kuya ko habang nakaharap sa salamin.



"Sige na, gwapo ka na," tagal naman nito. "Pero ngayon lang kasi graduation mo."



"Sinusumpa ko, hindi ka ga-graduate!" binato niya sa'kin 'yong panyo niya.




"Bilisan mo na kasi," tinignan ko ang wristwatch ko, "Alas otso na. Eight thirty ang misa."




"Daniella, Danilo! Bumaba na kayo diyan," sigaw ni Mama.



Iniwan ko na si Kuya at dumiretso na sa kotse. Isasama nila ako sa baccalaureate mass para may taga-picture. 'Yong kambal kong kapatid ay naiwan dito sa bahay kasama si Papa.



Tahimik kaming bumiyahe hanggang makarating sa simbahan. Paglabas na paglabas ko ng kotse kung anu-ano na ang kinukunan ko ng larawan.



Si Mama ay abala sa pakikipag-usap sa iba ring mga magulang. Si Kuya naman panay ang pantitrip kasama ang mga kaibigan niya.



Magsisimula na ang mass. Pinapila na ang mga estudyanteng magtatapos kasama ang mga magulang nila. Isa-isa silang papasok sa simbahan e. Kinukunan ko naman ng larawan ang mga close kong kaklase ni Kuya at syempre pati na rin si Kuya.



Nang matapos na sila, huling pumasok sa simbahan ay ang mga lay ministers, readers, seminarians, pari at obispo.



Syempre, 'di sila nakaligtas sa pagkukuha ko ng larawan.




Ngunit isa lang napansin ko. Siya lang talaga ang ngiting-ngiti sa camera ko.



Sa pagkakaalala ko, siya 'yong seminaristang naka-eye to eye ko sa school, siya 'yong nakatabi ko noong pilgrimage at siya ang sumauli ng panyo ko.



Ngiting-ngiti, Koya, ah? Crush mo ako?



Pero dahil hindi naman ako masyadong rude, kahit magmukha akong assuming, nginitian ko siya.




Nag-bow naman ako nung nagkatinginan kami ng Bishop.



Nang magsawa ako sa kakakuha ng larawan, umakyat na ako para sumama sa choir. Nasa taas kasi ang choir e.



Matapos ang misa, agad-agad akong bumaba para kunan ng larawan ang kapatid ko kasama mga kaibigan niya.



Hindi lang ako kapatid. Personal Photographer din ako.




Tinapik ako sa balikat ni Sir Jeric, "Daniella, may salo-salo sa school, sumama ka muna."



"Sige po, Sir. Sabihan ko po muna si Mama. Baka po kasi hanapin ako, eh."


Tumango naman si Sir at dumiretso na sa school.



Nang magsawa na si Kuya sa kakangiti sa mga camera, nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna akong school para maki-chibog. Pinayagan naman nila ako dahil bibili pa si mama ng karagdagang kakainin sa bahay.



Pagpunta ko sa H.E. room, nandoon na ang mga kasama ko sa choir, mga guro, seminarista, lay ministers, mga pari at obispo.



"Good morning po," bati ko sa kanila sabay ngiti.



"Oh, Sweetheart, kumain ka na," yaya sa'kin ni Sister Eloise.



"Opo, Sister."



Kumuha ako ng pagkain. Pero konti lang. Tinatandaan ko kasi 'yong ice cream. Baka maubos na nila, 'di man lang ako makatikim.



"Kailan ang baccalaureate mass ng College, Sister?" tanong ng kasama ko sa choir.



Love Triangle with GodWhere stories live. Discover now