Chapter 9

18 1 0
                                    

HUWEBES NA. Isang araw na lang, sabado na. Home visit na ulit ni Harry. Magkikita na naman kami. Kaya pagkauwi ko sa bahay, agad kong dinampot ang phone ko. 'Di ko dinala sa school kasi baka i-confiscate ng teacher namin.




Oh, 6 messages from Harry Cruz. Namiss mo ako, Hawi?




Harry Cruz:
Good afternoon. Miss u, pretty.




Home visit na namin bukas. Baka maaga kami pauwiin. Foods ulit tayo.

Di ka pa nakakauwi? Haha

Bukas ah. Foods.

San mo gustong kumain bukas?

Text ka kung nakauwi ka na. Hehe





Pwede naman niyang hintayin reply ko. Dami nang tinext.


Daniella:
Good evening. Jgh. Sure, foods tayo tmrw. Basta libre mo hehe

Harry Cruz:
Oo naman. :) san mo gustong kumain?

Daniella:
Hmm. Ikaw na magdecide. Ikaw ang manlilibre e.

Harry Cruz:
Osige. :)

Daniella:
Basta ayoko sa mga pancitan. Sawang-sawa na akong ngayong week sa mga pancitan. Lahat ata ng pancitan nakainan na namin last week at ngaung week. Hahaha

Harry Cruz:
Sige. Tapsihan na lang. :)



Pati ba naman sa text may pa-smile? May killer smile na nga sa personal e.




Kung anu-ano pa ang pinag-usapan namin ni Harry hanggang sa napagdesisyunan naming matulog na. Kaya kinabukasan, dinala ko na phone ko sa school. Iniwan ko na lang sa locker ko para hindi ako ma-tempt na i-text si Harry lalo na't pareho kaming nasa klase.




Hapon na, kaming dalawa na lang ni Morgiane ang magkasama. Pero sabay-sabay naman kaming nagre-recess kasama na sina Rigelle at Luna. Ngunit minsan na rin na lang namin makasama si Luna kasi madalas na niyang kasama ang mga kaibigan niyang lalaki.




"Oh, nasa'n si Rigelle?" Tanong ni Mori kay Luna.




"Nandoon sa HS Pub Office. Nagpapakitang gilas kay Ma'am Joanne. Baka sakali daw maging EIC ng pub."



"Pabida rin talaga minsan si Rigelle." Komento ko.




"May ibibida rin naman siya," sabi ni Mori.

Love Triangle with GodWhere stories live. Discover now