LUMIPAS ang isang linggo.
Harry Cruz:
Hey, pretty. Home visit namin ngayon. Maaga kaming pinauwi. Kita tayo?
Me:
Eh? Bakit?
Harry Cruz:
Home visit nga namin. Meaning, uwian namin.
Me:
Alam ko! Bakit gusto mong magkita tayo?
Harry Cruz:
Kailangan bang may dahilan pag magkikita?
Me:
Oo naman.
Harry Cruz:
Sige, ibibigay ko sa'yo 'yong dahilan. Not now.
Pero pwede nga tayong magkita?
Me:
Hindi, eh. Sabay kami ni Kuya uuwi ngayon. At saka, hindi ka ba nagsasawa? Gabi-gabi naman tayong magka-text, eh.
Harry Cruz:
Iba naman ung personal na nag-uusap. Anukaba.
Me:
Hahahaha ewan ko sau.
Mukha akong tangang tumatawa sa kate-text kay Harry. Hindi siya nawawalan ng topic. Lagi siyang may tanong sa'kin. Dahil tuwang-tuwa ako sa kanya, sinasagot ko naman lahat ng tanong niya.
"Hoy, Daniella! Anong nahithit mo, ah?!" Kunot-noong tanong sa'kin ng pinsan kong si Nigel.
"'La kang pake! Chupi!" Singhal ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako saka sumakay na sa motor niya. "Mag-iingat ka, cousin!" Pahabol ko. Pinaharurot na niya ang sinasakyan niya.
1 message received
Kuya Danilo:
Hintayin mo ako sa may patio. Doon ko pinark ung kotse. May bibilhin lang ako saglit. Isama mo na ung kambal.
I didn't reply na. Pinuntahan ko na lang 'yong kapatid ko sa school grounds. Kahit grade 6 na, nakikipaglaro pa rin sila.
Tinawag ko sila.
"Kuya is waiting for us outside. Hurry up," tinalikuran ko na sila. Napansin ko na lang na kasabay ko na sa paglalakad papuntang patio.
Naghintay lang kami ng ilang minuto. Parang ako lang ang bored na bored. 'Yong kambal naglalaro lang pogs.
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Novela JuvenilHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista
