Lumipas ang ilang linggo, gano'n lagi ang routine namin. Uuwi siya ng Biyernes na hapon, kakain kami sa labas, ihahatid niya ako sa parking lot ng school, magkikita ulit kami ng Linggo, kakain sa labas, at babalik na siyang Seminaryo. Nasasanay na ako sa ganitong set up namin.
"Sabi ni Josef handa raw siyang umalis sa college seminary pagkagraduate natin," sabi ni Cherry habang hinihintay namin ang mga kasama namin sa choir.
"Oh? Edi magsasama na kayo palagi niyan," sabi ko. Matagal ko na ring hindi nakikita si Kuya Josef. Pumasok na kasi siya sa Major Seminary. Once a month na lang ang home visit nila. Unlike sa minor seminary na once a week ang home visit.
"Hindi rin, eh. Sa University na ako mag-aaral. Hindi na dito," saad niya. "Dito daw kasi niya ipagpapatuloy 'yung course niyang AB Philosophy."
"Ganun ba?" Tumayo ako para kunin yung form na nasa bag ko. "Ikaw ba, anong kukunin mong course pag-college?"
"Education," sagot niya. "Biology major sana. Kaso wala dito sa Barcelona College. Ikaw, nakapag-isip ka na ba?"
"Ahh, baka Philosophy or Political Science. Depende kung saan sina Rigelle."
Hindi na kami nakapagkwentuhan pa kasi dumating na ang mga kasama namin. Pati si Sir Jeric nandito na rin, kasunod niyang pumasok sa music room si Mori. Napilit ata 'to magsalmo ngayon.
"Himala?" sabi ko pagkalapit niya sa'kin. Hindi na kasi sumasama si Mori sa choir.
"Nakita ako ni Sr. Tin, eh," ngumiwi siya. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw na niyang sumama sa choir. Siya kasi kasama ko dito dati, noong hindi na siya nag-a-attend ng practice, saka ko na naging close si Cherry.
Nagpractice kami para sa 1st Friday Mass. Si Mori nga ang nagsalmo, may angelic voice talaga 'tong si Mori, like effortless ang boses niya na pagandahin kasi maganda na dati pa. Nang matapos na practice namin, hinintay ko muna si Mori na matapos kasi siya ang last na magpapractice. Hindi naman siya natagalan kasi nga maganda boses niya. Kapag kumakanta siya parang nagpi-play ng kanilang harp ang mga angels.
Matapos ang practice, dumiretso na kami sa patio. Sa harap lang ng simbahan. Dun kasi tumambay sina Luna.
Kasama pala nila si Jaypee. 'Yung kaklase naming ex-seminarian. Nagkukwentuhan sila kasama ang mga elementary students na hinihingan na naman nila ng piso. Hindi talaga sila tumitigil ng pangbuburaot sa mga bata. Napagalitan na nga mga kaklase namin kasi palaging nanghihingi ng piso sa mga elementary.
"Can you give ate Luna singko? Just 5 pesos," nagulat ako kasi hindi na pala piso. Singko na ang hinihingi. Mga buraot talaga sila. Napailing na lang ako. Lord, bakit ako nakabarkada na mga siraulo?
Ngumingiti ang bata na parang nahihiya. Tumatawa na ang mga kaibigan namin sa kaburaotan ni Luna.
"You can't give to ate Luna? Then give to Kuya Jaypee. Come on. I will buy you candy pop if you give me 20 pesos," pangungulit rin ni Jaypee. Hagalpak kaming tumawa.
Umiiling-iling lang ang bata. Kaya tawa kami nang tawa. Nang dumating na ang sundo ng bata umalis na rin siya agad at nagba-bye pa sa'min.
"Mga hayop kayo," sabi ko habang tumatawa pa rin. "Sa susunod kapatid naman ni Rigelle ang buburautan natin."
"'Wag kayong ano diyan. Tuturuan ko silang maging wais tulad ko," tinaas pa niya ang isang kilay at ngumisi. "Kapatid mo nga muntik na mauto sa piso, eh."
"Gaga, ang inosente ng kapatid ko nun!" pagtatanggol ko sa kapatid ko. Ang kapatid ko kasi hiningian ng piso ang sabi ba naman "Sorry, I only have 20 pesos."
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Novela JuvenilHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista
