Chapter 4

32 2 0
                                    

LUMIPAS ANG ILANG LINGGO. April pa lang abala na si Kuya sa mga requirements niya sa pag-enroll sa college. Kaya habang 'di pa enrollment, ini-enjoy muna namin ang summer vacation.

Ang ganda ng beach na 'to. Bawat kanto pwedeng kunan ng larawan na social media worthy.


Wala namang silbi ang mga kapatid ko kaya sariling sikap. Nagse-selfie ako gamit ang monopod ko.


Gusto kong batukan sarili ko kasi may tripod naman ako pero 'di ko nadala.


Mukha naman akong sira kung magse-selfie ako gamit ang DSLR, 'di ba? Kaya pagtiyatiyagaan ko na lang ang pagse-selfie gamit phone ko.


Pero ang hirap! Ang ganda ng view. Gusto ko may nagpi-picture sa'kin.


Since wala namang ginagawa si Dhesa bukod sa ngumuya nang ngumuya, siya na lang uutuin ko.


"Halika dito, Dhesa," lumapit siya sa'kin.


"Nakikita mo 'yon?" tinuro ko ang magandang tanawin na ang gandang gawing background sa pagpicture. Tumango naman siya. "Gagawin kitang model. Kukunan kita ng larawan doon basta kukunan mo rin ako ng larawan."



"Hmm, sige."


Juto-juto talaga si Dhesa hehe.


Sumama siya sa'kin. Siya ang unang kinunan ko ng larawan. Ang ganda talaga ng kapatid ko.


"Ako naman!" Bigay ko sa kanya ng camera.



"Tignan mo 'to," pinakita ko sa kanya ang mga larawan. "Dapat ganyan kaganda, ah?"




"Paano 'yan? Eh ikaw lang naman magpapapangit ng view, eh," ngumiwi siya sa'kin.


"Whatever, Dhesa," tinalikuran ko na siya



Tinawanan niya lang ako.



"Game!"


Ngumiti ako sa camera. Kung anu-anong pose ang ginawa ko. Naka-smile, kunwaring candid shot, fierce, bungisngis.



Lumapit na ako sa kanya para tignan ang mga kinuha niyang litrato. Pagkakuha ko ng camera, dumiretso na siya papunta sa cottage.



Ano 'to? Halos lahat blurred. Hindi ba 'to marunong magpicture ng maayos?! Kakainis!!!



Akmang tatawagin ko na si Dhesa sa inis nang matinag ako ng pamilyar na boses.



"Gusto mo, ako na lang photographer mo?" pagtingin ko kung saan nanggagaling ang boses, nagulat ako.


"Sinusundan mo ba ako?"



Ang kapal talaga ng mukha ko para tanungin 'yon. Paano kung may family bonding rin sila sa beach na 'to? Ang bibig mo talaga, Daniella, ibang klase, eh.



Ngumiti siya. Ayan na naman ang killer smile niya. Ang gandang tignan ng mga mata niya kahit repleksyon lang ng dagat ang nakikita ko dahil sa salamin niya.



"Kung 'yon ang sa tingin mo, edi oo," sagot niya.



Napanganga ako sa sagot niya. "Syempre, biro lang 'yon," tumawa siya.



"Hindi magandang biro 'yan, Koyang seminarian, ah," 'di ko na napigilan ang sariling kong tawagin siya sa kung ano ang tawag ko sa kanya sa isip ko. Buti na lang 'di ko siya tinawag na Kuyang may killer smile kasi baka ako lang naman ang kikiligin.



Love Triangle with GodWhere stories live. Discover now