"DANI!" TAWAG SA'KIN ni Rigelle. Miss na miss ata ako nito. Kasama na niya si Mori at Luna
"How's your summer, girls?" Tanong sa'min ni Luna.
"Don't ask me, please," pabiro akong tumalikod sa kanila. Lakas ng loob magtanong porket nag-out of town sila. Eh ako nabulok lang sa bahay.
"Come on, Daniella. May pasalubong naman kami sa'yo," sabi ni Mori. "Sabay-sabay na lang naming ibibigay sa'yo 'pag pumunta na kami sa bahay niyo."
"Let's go?" Aya sa'min ni Rigelle, "Mukhang first day na first day badtrip si Sir Chano."
Rinig na rinig namin ang malakas na boses ni Sir Chano, "High School and Elementary students. Please, form your line by section."
Hindi madali para sa mga guro ang magpaayos ng linya lalo pa't first day of school. Maraming estudyanteng nakukwentuhan, naglalaro at nantitrip.
"Students, please," lahat kami napaayos na ng linya. Nasa 2nd floor si Sister Eloise, may hawak-hawak na mikropono. Ewan ko ba, kapag si Sister ang narinig naming nagsalita, parang mga anghel na kami na sumusunod at ubod nang bait.
"Okay na ba?" Paninigurado ni Sister.
"Yes, Sister," sagot naming mga estudyante.
"Let's start the prayer," tumalikod na siya at bumaba na.
"Let us be aware of God's presence within and outside us," panimula ng prayer leader. "In the name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit. Amen."
"Proper prayer position, 4th year," lahat kami nagsipag-ayos ng tindig at kamay nang marinig namin ang boses ng principal.
"Morning Offering. Oh, Jesus, through the Immacuate Heart of Mary, I offer you my prayers, works, joys and sufferings for this day. In union with the Holy Sacrifice through out the world," sumasabay kami sa pagdasal hanggang sa ito ay matapos.
"Daniella! Cherry!" Tawag sa'min ni Sister na may hawak na gitara. Lumapit kami sa kanya.
"Alam niyo 'yong Sacred Heart, 'di ba?"
Nagkatinginan kami ni Cherry at sabay na sumagot, "Yes, sister."
"Kakantahin niyo 'yon bago mag-Sacred Heart Prayer," tumango kami kay Sister na ibig sabihin naiintindihan namin siya, "Kakantahin niyo naman ang Heart of Jesus Meek and Mild pagkatapos. Naiintindihan niyo ba?"
"Yes, Sister," naglakad na kami papunta sa unahan.
"Wait," lumingon kami ni Cherry. Inabot ni Sister 'yong kopya ng kanta.
"Thank you, Sister."
"Today is the Sacred Heart week," panimula ng prayer leader.
Binigay sa'kin ng prayer leader 'yong mikropono niya. 'Yong isa namang prayer leader ang humawak ng mikropono para sa gitara.
Tumingin kami kay Sister. Naghihintay ng sign kung magsisimula na kami.
Sinimulan na ni Cherry na mag-strum ng gitara.
"Everybody sing," panimula ko.
O, Sacred Heart
O, Love Divine
Do keep us near to Thee
And make our love
So like to Thine
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Fiksi RemajaHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista