MATAPOS ANG KASIYAHAN sa resort, 'di na kami ulit nagkita ni Harry.
'Di ko na alam kung ano ang gagawin dito sa bahay. Hindi na kasi nasundan ang pag-beach namin, eh. Ang sarap pa naman lumangoy nang lumangoy kasi sobrang init.
Panigurado mataas na naman ang bayarin dahil 24/7 ang aircon sa bawat kwarto dito sa bahay.
At isa lang ibig sabihin niyan. Warla to the max na naman ang nanay namin.
Nanonood ako ng TV nang may tumawag sa cellphone ko.
Si Cherry lang pala.
Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Hey, Dani. Simba tayo bukas?"
"Sure. Anong oras?"
"Alas otso ng umaga."
"Okay, sige."
"See you!"
At binaba na niya ang linya.
Ano na naman kaya ang chika nun sa'kin? Baka nag-break na sila ng boypren niyang seminarista?
Ah, baka namimiss lang ako.
Namimiss ko na mga kaibigan ko. Nakakainggit pa naman sila kasi nag-out of town sila with their families. Si Louise, pumuntang Ireland. Si Rigelle, pumuntang Baguio. Si Mori, pumuntang Japan. Tapos ako, dito sa bahay, nabubulok na. Ayaw kasi kaming isama ni Papa sa Dubai.
Siguro may babae 'yon doon.
Syempre joke lang.
Inayos ko muna ang damit kong gagamitin bukas sa pagsimba. Magja-jumper na lang ako.
Kinabukasan, pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para mag-almusal. Nakabihis na ako para magsimba.
"Saan ka pupunta, Ani?" Tanong sa'kin ni Dheno. Silang dalawa lang ni Dhesa ang tumatawag sa'king Ani. Short for Ate Dani. Nakasanayan na nila 'yan mula pagkabata.
"Magsisimba. Bakit?" Umupo na ako at kumuha ng kakainin ko.
"Sama ako, pwede?"
"Sure. Magbihis ka na lang," sabi ko.
Umakyat na siya papunta sa kwarto niya. 7:20 pa lang naman.
"Kayo?" Baling ko kay Dhesa at Kuya "Hindi ba kayo magsisimba?"
"Mamayang hapon na lang ako," sagot ni Kuya.
"How about you, Ma?"
"Mamayang hapon rin."
Nagkwentuhan muna kami nina Mama. Ganito kami lagi. Sabay-sabay kaming kakain. Breakfast, lunch at dinner.
Nang matapos na akong kumain, umakyat muna ako papunta sa kwarto para magsipilyo at ayusin ang sarili.
Nagli-lipstick na ako nang may kumatok sa pinto at diretso nang binuksan ito, "Let's go, Ani?"
"Alright," nag-spray muna ako ng pabango.
"Kunin mo kay Mama 'yong susi ng kotse. Ayokong mag-commute," utos ko sa kanya. "Salamat."
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Fiksi RemajaHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista