Chapter 1

59 3 1
                                    


Peace be with you

"Hoy! Tinatawag ka ni Sister! Sumama ka sa choir!" sigaw sa'kin ni Cherry.

"'Wag ka nang sumama doon. Wala pa si Luna. Wala akong kasama," hinawakan ni Mori ang braso ko. Tumango na lang ako kay Cherry at nag-sign na mauna na siya.

Katatapos lang ng flag ceremony kaya didiretso na kami sa simbahan. First Friday of the month mass kasi ngayon. Sa likod na kami pumila ni Mori. Mga 2nd year ata makakatabi namin.

"Karl, pagitnaan mo 'yong dalawang 3rd year," ako at si Mori ang tinutukoy ni Ma'am Joanne.

Gumitna na si Karl sa'ming dalawa ni Mori.

"Ayiee," panunukso sa'kin ni Mori.

"Nakatabi na niya 'yong crush niya," pigilan niyo ako, mamumura ko 'tong si Mori. Nasa simbahan pa naman kami.

Naka-poker face lang si Karl. Tinitignan ko naman ng masama si Mori.


Dapat pala sumama ako sa choir. 'Di ko na lang pinansin si Mori. Lumingon ako. Nasa pinakalikod ng simbahan umupo si Luna dahil late na naman siya. Dapat talaga apat kami ngayon. Mori, Luna, Rigelle at ako. Si Luna, laging late.. Kung hindi naman late ay absent. Ganoon rin si Mori. Himala nga at maaga siya ngayon eh. Si Rigelle naman ang pinakamatalino at responsable sa'ming apat ngunit siya ang pinaka-vain. Wala siya ngayon kasi sinama siya sa Sci-Math quiz bee sa ibang school. Kahapon pa siyang wala.


Nakita ko namang naghahanda na 'yong mga readers, lay ministers, altar servers, seminarians at pari.


Magkaiba ang altar server at seminarista dito. 'Yong altar server, dito nag-aaral. 'Yong dalawang seminarian, sa minor seminary nag-aaral, doon sa kabilang bayan. Siguro kasama 'yon ng pari na magmimisa ngayon.

"Good morning, Barcelonian's," umayos na kami ng upo.

Pinakiusapan naman ni Mori na magpalitan kami ng pwesto ni Karl. Nasa dulo kasi si Mori. Napapagitnaan kami ni Karl. Pumayag naman si Karl kaya kahit nagkapalitan kami, magkatabi pa rin kami.

"'Di ba sabi mo, kaya mong hingin number ni Karl? Ba't 'di mo mahingi?" kinurot ko si Mori sa tagiliran. Um-aray naman siya at tumigil na.

"Our mass presider for today is Rev. Fr. Alfred Collet. Let us all stand and sing the entrance song."

Lumingon ulit ako sa likod. Nakatingin sa'kin 'yong isang seminarista. Iniwas ko 'yong tingin ko at tumingin sa harap. Naglalakad na sila papuntang altar.

"Taray, kahit 'di kasama sa choir, nagse-second voice," napatigil tuloy ako sa pagkanta.

"Ang pogi talaga ni Father Alfred, ano?" bulong sa akin ni Mori. Sa pagkakaalam ko, ex-boyfriend siya ni Ma'am Joanne.


Nagsimula na ang misa. Pinaupo na kami noong magbabasa na ng psalm. Tumayo ulit kami para sa Gospel Reading. Binasa na ni Father 'yong Gospel, pinaupo na kami para mag-homily na siya.


Nag-offertory na kaya tumayo ako papunta sa gitna para pumila papuntang altar. Kinuha ko 'yong sobre sa bulsa ko at naglakad kasama ang mga clubmates ko. Noong inabot ko na kay Father 'yong sobre, napatingin ako sa seminaristang nasa kaliwa niya. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako. 'Di naman kasi ako rude. Pagbalik, tumingin ako sa taas ng simbahan. Nandoon kasi 'yong choir. Hays. Kung sumama ata ako, 'di ko makakatabi si Karl.

Nagpatuloy 'yong misa hanggang sa mag-Peace be with you na.

"The peace of the Lord be with you always."

Love Triangle with GodWhere stories live. Discover now