Totoo nga ang sinabi ni Harry na kakain kami sa labas every Friday. At every Friday rin niya akong hinahatid sa parking lot na saktong laging naroroon si Kuya. Hindi na nakakunot-noo si Kuya kapag nakikita si Harry. Nagpapasalamat na lang siya.
Ngayon ay Nutrition Month Celebration ng school. Naka-assign ako sa pagdadala ng mga prutas. Inutusan ko si Kuya na dalhin na lang dito sa school. Hapon pa naman ang kainan. Pero alas tres na, wala pa rin si Kuya.
To: Daniboi
Wer ka na? Ung mga prutas po baka nakakalimutan mo.
Message Sent.
"Dapat kasi nagpaluto ka na lang. Eh 'yong mga kapatid mo ba ano ang dinala?" Tanong ni Luna. "Sina Rigelle nga isang putahe lang ang dinala para sa kanila ni Nigel."
"Wala namang magluluto sa'min." I sighed. Ano namang maaasahan ko sa Tatay kong nasa ibang bansa? Sa nanay kong nasa kanyang boutique & Tailoring Shop? Tuwing Sunday nga lang ako nakakatikim ng lutong-bahay na ulam, eh.
Magsasalita sana si Luna pero pinigilan ko siya kasi may tumatawag sa'kin. Si Kuya.
"Sa'n ka na? Magsisimula na kami."
"Binigay ko sa manliligaw mo 'yong pera pambili ng prutas." Kaswal niyang sabi.
"Ano?" Anong manliligaw? Sino?
"Sige, hintayin mo na lang. Nandiyan na 'yon. Bye."
Binaba na niya ang tawag. Napairap na lang ako sa kawalan.
Lumapit sa'kin si Dhesa. Pareho ko, nakakunot-noo siya.
"Ani, nasaan na ba si Kuya? Kami na lang ata ni Dheno ang walang dinala sa room, eh."
"Wait lang daw sabi ni Kuya. Chill. Darating din 'yon."
Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Teen FictionHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista
