Nagising ako nang pumreno nang malakas ang driver.
Nasa van kami ngayon papuntang coastal. Fiesta pala sa bayan na iyon. Umalis kami sa school nang alas otso. Ala una na, hindi pa rin kami nakakarating.
"Kuya, malayo pa ba?" Nababagot na tanong ni Miran.
Ang layo naman pala kasi nito. Akala ko dalawang oras lang ang biyahe e.
"Excited ka na bang mag-swimming, Miran?" Lumingon pa si Sister sa'min.
"Ako po, excited." Tinaas pa ni Luna ang kamay niya.
Tumawa lang si Sister sa'min. Apat lang kaming isinama. Si Luna, Jeremy, Miran at ako.
Napasinghap ako nang biglang lumiko ang sinasakyan namin sabay dirediretsong pababa. Akala ko katapusan na namin. 'Di man lang nagsabi si Kuya Driver. Nakakatakot ang daan pero magaganda ang tanawin.
Kinapa ko cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate sa bulsa ko. Tagal na niyang nakuha number ko pero ngayon pa lang siya nagtetext sa'kin.
Harry Cruz
Hi. Good aft.
Me
Hello. Same. :)
Harry Cruz
Musta, ganda?
Me
Maganda pa rin. Ikaw?
Harry Cruz
Ok naman. Gwapo pa rin. Miss na kita. Sayang, hindi ako makakasimba bukas sa bayan.
Me
Ako rin naman. :(
Harry Cruz
Miss mo rin ako?!
Me
Hindi! Hindi rin ako makakasimba bukas sa bayan.
Harry Cruz
KJ naman nito! Edi ako lang naka-miss sa'yo.
Me
Hehe di ka naman ka-miss miss.
Jk hahaha
Harry Cruz
Hindi kita bibigyan ng pasalubong.
Hindi ko siya ni-replyan kasi nakarating na kami sa bahay ng mga
"Welcome to Sacred Heart of Jesus Parish!" Bati sa'min ni Father. Niyakap niya si Sister Eloisa. Isa-isa kaming lumapit sa kanya at nagmano. Pero niyayakap niya kami.
"Thank you, Father Randy," nakangiting sabi ni Sister Eloise. "Medyo malayo pala talaga ang lugar na ito sa bayan, ano?"
"Malayo talaga. Pero may malaking barangay dito na maraming mga paninda kaya kahit hindi na pumunta ng bayan ay ayos lang," ani Father. "Ihahatid ko na kayo sa dining area. Katatapos lang ng iba pa naming bisita."
Oh, may kasama pa kami? Sinu-sino naman kaya 'yon?
"Tamang-tama, Father, gutom na rin po ako, e. Salamat po, ah," sabi ni Miran. Nagmamadali pa siya. Maski ako ay gutom na rin pero may hiya pa naman ako kesa kay Miran.
"Hindi ba kayo kumain sa biyahe?"
"Kumain rin po, father. Mga snacks lang, ganoon. Hindi mga totoong pagkain."
YOU ARE READING
Love Triangle with God
Teen FictionHow to make a good relationship? Love triangle! Where is God is always in the middle. -- Highest Rank #2 -seminarista
