{Chapter 09}

2.3K 33 0
                                    

Chapter 09: Aspire




TIMOTHY

'Breaking News! Ngayong umaga lang ay nakita ang tatlong sira-sirang itim na SUV at mga patay na katawan sa Locsin Highway. Kabilang nito ang son-in-law ng CEO ng Black Phoenix na si Mr. Sevilles na si, Gilbert Montalvo. Ang bunsong anak nitong si, Reinstag Sevilles. At ang CEO ng Mondero group of companies, Mondero Sugar Canes, at Mondero Inc. na si Mr. Matteo Mondero. Pinaniniwalaang ambush ang nangyaring, at kasalukuyang nawawala ang panganay nitong anak na si Samantha Mondero—'


Agad ko nang pinatay ang telebisyon at buong puwersang binato ang remote sa dingding na naging dahilan upang masira at mabasag ito.

I closed my eyes as I frustratingly clenched my hair. Hindi. Hindi 'to pwedeng mangyari. Hindi siya pwedeng mawala! Pero puta! Sinong gagong nilalang ang gumawa nito?!


"AAAAAAH!!!!! FUCK IT!!!!" Sigaw ko at galit na pinagsisipa ang boxing gloves na ginamit ko kanina.


Nandito ako ngayon sa loob ng underground training gym ng bahay. Matapos kong matanggap ang tawag ni Chief Dalloso kanina at ibinalita sakin ang ginawang pag-ambush sa pamilyang Mondero ng mga hindi nakikilalang mga tao ay para na akong sasabog sa galit.


First, I've only had a week and four days to complete this job. But now, Samantha's gone. Now tell me, how the hell can I finish this fucking mission kung nawawala ang primary suspect?!


Muli akong napasigaw sa inis at sunod-sunod na sinuntok ang punching bag na nasa gitna ng ring. I could still remember what my father said nang malaman niya ang tungkol dito.


Napasinghap ang lahat nang salubungin ako ni papa ng isang malakas na sampal, "WALA KA NANG NAGAWANG TAMA! FIVE WEEKS TIMOTEO, LIMANG LINGGO! PERO HINDI MO PA RIN NAGAWA NG TAMA!!" bulyaw sakin ni papa at sinampal ako sa kabilang pisngi.


"George! Please, tama na! Walang kasalanan si Timothy!" Pagsusumamo ni mama habang hawak-hawak ang bisig ni papa at pilit na inilalayo ito sa akin. Habang nakangisi namang nakapamulsa si Dawen sa likod nila mama at papa.


"ANO NALANG ANG SASABIHIN NG MGA AMIGO KO SA ORGANISASYON?! NA ISANG PALPAK ANG AKING ANAK?! TANDAAN MO TIMOTEO, WALA AKONG PALPAK NA ANAK! AYUSIN MO ITO TIMOTHY KNIGHT, KUNG AYAW MONG PALAYASIN KITA SA PAMAMAHAY KO!!" bulyaw ni papa bago ako talikuran. Agad namang sumunod sa kaniya si mama.


Napahawak ako sa namamanhid kong kaliwang pisngi habang tulalang nakayuko sa sahig. Napalingon naman ako nang biglang tumawa si Dawen. He smirked at me before turning his back at naglakad paalis. My hands clenched into a ball of fist as anger slowly conquers my heart.


Humanda ka Dawen. Sisiguraduhin kong mawawala ka sa organisasyon.


Sunod-sunod kong sinuntok at sinipa ang punching bag ng buong puwersa at galit na napasigaw. Hindi ko na inalintana ang napupunit at nagdurugo kong kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman.


Naging manhid na 'ko sa sakit. Nasanay na ako sa ganito. Ever since my father started to compare my achievements—and me— to my older brother, I was really hurt. Nasaktan ako hindi dahil sa mas nahihigitan ako ng kapatid ko kundi, ang katotohanang mas pinapaboran ni papa ang nakakatanda kong kapatid.


Yung tipong kahit kasalanan ni Dawen, pinapapasan niya sakin. Yung mga failure ni Dawen, sakin niya sinisisi. Malas daw ako sa pamilyang ito.


My father inflicted so much pain in me. Not just emotionally, but also mentally and physically. Bata pa lang ay napagtanto ko nang, wala akong ibang kaagapay sa mundo kundi ang sarili ko.


I started to learn on how to be numb, and on how to be strong. I started to control and be strict with myself. I started to harden my heart. To the point na kahit ano pang gawin o sabihin sakin ng ibang tao ay hindi na 'ko naaapektuhan. The only thing that matters is what I think and what I feel. Kaya kahit ilang beses ko pang suntukin at sipain ang punching bag na 'to ay hindi ko na alintana ang sakit. I'm already used to it.


I will find you Samantha Mondero. Itaga mo sa bato. Hindi ako papayag na mamayagpag na naman ang bandera ng nakatatanda kong kapatid.


Hahanapin kita Sam. Magtatagumpay ako sa misyon ko. I will find you. Just like how the sun chases after the moon, our paths will soon collide. And that's what the universe aspires. That is what I aspire.


Sisipain ko na sana ang punching bag nang bigla kong marinig ang nakaka-iritang boses ng nakatatanda kong kapatid, si Dawen.


"I knew you'd be here." Anito. I turned around to look at him and saw that he was already wearing his agent uniform habang nakapamulsa. Na para bang pinapamuka niya sakin na miyembro na siya ng org habang ako naman dito ay walang magawa dahil trainee pa lamang. I smirked at him bago bumalik sa pagsipa at pagsuntok sa punching bag.


"You do know that you're running out of time right?" Anito. My brows furrowed at what he said. Napahinto ako at napalingon sakanya. He was now sitting on one of the benches of the gym, right at the back of the ring.


"I mean. If you really want to find her then, ano pang ginagawa mo dito? You do realize that you only have a week and three days to prove your worth in the org, right?" Dagdag pa nito


"What do you need? Hindi ka mangingialam sa misyong 'to kung wala ka din namang makukuha." I said before walking down towards the edge of the ring.


He chuckled as he shook his head, "Bilib na talaga ako sayo Timmy. You know your big bro very well." Anito bago tumayo at nakapamulsang lumapit sa kinatatayuan ko.


"Do the mission, I will give you the authority to have my team with you along the way. But, under one condition." He said


"What."


"Let me in and let me lead the men." Anito. My brows creased.


Dawen is a very cunning man. Hindi siya gagawa ng mga bagay if it wouldn't advantage him. But I knew better.


"Okay." I said bago tumalikod sakanya at bumalik sa gitna ng ring.


"Great! See you in the org then." Anito bago naglakad paalis. I could feel how glad he was when I agreed on his condition. Napangisi na lamang ako. Sorry Dawen but, you have to go.


In the middle of punching and kicking, of venting my anger and frustrations out, ay bigla nalang tumunog ang phone ko. I immediately jumped out of the ring at sinagot ang tawag without looking at the caller's I.D.


"Yes." I said


"Tim. This is Chief Dalloso." Ani ng nasa kabilang linya.


Napapikit nalang ako, "Opo tiyo."


"Pumunta ka dito sa org. ngayon din. We have a lot of things to discuss, ASAP." Anito


Napabuntong hininga na lamang ako, "Sige po tiyo, I'll be there in fifteen minutes." I said and ended the call.


Heto na. Heto na ang sinasabi ni papa sakin kanina. Well, I don't have a choice but to face it. Kailangan ko 'tong harapin at panindigan. Sigurado akong makakatikim na naman ako ng kahihiyan sa org mamaya. Well, I can't blame them. Ako mismo. Ako mismo ang nag volunteer sa misyong ito. And now, I have to face my consequences.
.
.
.
UNNIETY

Her Darkest Secrets || J.EBWhere stories live. Discover now