Chapter 12: Center
THIRD PERSON
"Putangina! Hindi 'to ang pinag-usapan natin Randy!" Bulyaw ni Seth at kinwelyohan ang lalakeng nasa harap nito.
Agad naman siyang tinulak ng lalake, "Oo! Hindi ito ang napag-usapan nating plano. Pero Seth! Mag-isip ka nga?! Kung hindi ko pinatay 'yun, kung hindi ko pinatay ang ama ng babaeng kinahihibangan mo! Sa tingin mo makukuha natin si Samantha?! Huh?!" Anito at muling tinulak ang pamangkin.
"Pero sinaktan mo siya! Physically! Ipinangako mo sakin Randy, you said you wouldn't lay a finger on her, na hindi mo siya sasaktan! Kaya pumayag ako sa kagustuhan mong ambushin ang sasakyan nila Sam kahit labag sa kalooban ko! Naniwala akong 'di mo siya sasaktan lalo na ang papa nito—" Bulyaw ni Seth but he was cut off
"And you were a fool to believe! Sige nga, Seth! Mag-isip ka nga ng mas maayos at 'makatarungang' plano para makuha natin si Sam, aber?!" Bulyaw ni Randy sa pamangkin.
"Do you really think he'll let us get away from this?! Na hahayaan niya lang tayong makatakas matapos nating patayin ang mga bodyguards at drivers nila?! Matapos nating sugatan at pahirapan ang anak niya?! Puta! Mag-isip ka nga ng maayos Seth!! We need to kill her father to get her! At kailangan namin siyang saktan so that she'd see us as a threat! Letting her witness her father's death was not enough, we have to inflict pain." Dagdag pa nito habang dinuduro ang noo ng pamangkin gamit ang isang baril.
"She's already had enough of pain! Pinatay mo na mismo sa harap niya ang papa niya! Isn't that enough—"
"No! That is not enough—"
"But she's not the killer!!" Bulyaw ni Seth. Rinig na rinig na sa labas ng opisina ni Randy ang pagtatalo nilang dalawa ng kaniyang pamangkin.
A chuckle escaped from Randy's lips at dinuro ang pamangkin gamit ang baril, "And you really believed that she's not the killer, huh?" Anito na nagpatigil kay Seth.
"You were there with your friends when the investigation happened. You should know better." Dagdag pa ni Randy
"Alam mo mismo sa sarili mo Seth, na si Samantha lang ang makakapagbigay ng hustisya sa pagkamatay ng tiyo Ryan mo! She's the only person left after that incident. At siya lang ang nakaka-alam sa buong pangyayari, hindi ako naniniwalang tinapos ni Ryan ang sarili dahil lang sa isang babaeng. Alam natin pareho na pera at impluwensya lang ang habol ni Ryan sa asawa ni Matteo. At alam mo din mismo sa sarili mo ang posibleng katotohanan as likod ng mga matatamis na ngiti no Samantha Mondero." Dagdag pa ni Randy matapos sindihan ang tobacco at hinarap ang tanawin sa labas ng bintana.
Buntong hiningang napayuko si Seth sa katotohanang sinabi ng tiyo Randy nito. His tiyo is right, si Samantha lang makakapag bigay ng hustisya sa tiyo Ryan nito.
Nang marinig ni Seth na lilipat na ng eskwelahan si Tim ay nagtaka ito because it was all of a sudden. Hindi niya malaman kung anong dahilan ng bigla nitong paglipat.
Hanggang sa isang araw, narinig nito ang usapan ni Tim at ng ama nito sa telepono. He was going to the boys' shower room at that time para magbihis dahil kakatapos lang nitong maglaro ng basketball. When he suddenly overheard Timothy in one of the dark hallways going to the janitor's closet talking to his dad.
Nalaman nitong kaya pala aalis si Tim sa Western College ay dahil may misyon itong dapat gawin at agad tapusin tungkol sa isang kilalang anak ng isang sikat at napakayaman at napaka maimpluwensyang tao na si, Samantha Mondero.
Narinig niya ang lahat. They planned to make Samantha confess about what really happened. They never believed in her. Seth's brows furrowed. He turned his back at agad na umalis sa lugar. Agad itong umuwi sa kanilang tahanan, he needs to talk to his uncle Randy.
Nang marating na ni Seth ang bahay ay agad nitong tinakbo ang hagdan patungo sa opisina ng tiyo. He reported everything he heard from Tim and its father. At dahil doon ay agad na nagdesisyon si Randy na ilipat si Seth sa SMU. Kailangan nilang maunahan ang mga Knights.
Nang mabalitaan ng iba pang mga kaibigan nina Timothy at Seth na lilipat ang mga ito sa SMU ay agad naman silang sumunod. For them, one for all and all for one is always a thing.
Minanmanan ni Seth ang lahat ng galaw ni Tim kahit pa nasa iba itong building. That was his mission, to watch over George Knight's son at unahan ito.
Kailangan din nila si Sam. Samantha was the last person alive in that room on that night. They need to know the truth from her bago sila maunahan ng mga pulis at militar. Dahil kapag nangyari iyon, for sure mahihirapan na silang kumilos upang alamin ang buong katotohanan kay Sam at sundan at paslangin ang taong pumaslang sa tito Ryan nito.
Seth heaved a sigh, "Nakontak mo na ba si Naui?" Tanong ni Randy na naging dahilan upang bumalik si Seth sa kaniyang huwisyo.
"Hindi pa." Sagot nito bago umupo sa itim na swivel chair na nasa kaniyang kaliwa.
"Call her. We need to know what's happening outside." Ani Randy at tumango naman si Seth, as if his uncle would see it.
"Kailangan nating malaman ang mga susunod na hakbang ni Adler." Randy devilishly grind bago ibinuga ang usok mula sa tobacco na hawak-hawak nito.
Seth looked up to the monitor in front of him. It was showing the footage of the room where Samantha was, nakita nitong nakayuko lamang ang dalaga habang umaalog ang balikat. Muling napapikit si Seth.
He wants justice for his tiyo pero kapalit din don ang kalayaan—at posibleng ang buhay din— ni Samantha.
Hindi niya kakayaning makitang mamatay ang matalik na kaibigan sa kamay mismo ng tiyo nito.
Pero, hindi naman siya makakapayag na mabuhay na hindi nabibigyan ng nararapat na hustisya ang tiyo Ryan nito.
Naguguluhan na siya. Hindi niya na alam kung ano ang dapat gawin.
Pero isang bagay lang ang tanging malinaw sa kaniya...
He has to do the right thing.
.
.
.
UNNIETY
YOU ARE READING
Her Darkest Secrets || J.EB
Mystery / Thriller[HIGHEST ACHIEVEMENTS] • Eligible for Wattys 2020 • 1st in Gfriend fanfiction - You can tell that Samantha Mondero is the typical kind, intelligent, beautiful, talented, and innocent eldest daughter of a multi-billionaire businessman. Pero gaya nga...