Chapter 02: SMU pt. 2
SAMANTHA
I heaved out a sigh as I felt myself getting sick because of the current dizziness I'm feeling.
Hindi ko alam kung bakit pero, kanina ko pa talaga nararamdaman ang pagkahilo sa second morning subject namin. Medyo sumasakit din ang ulo ko. I thought na kapag inuman ko lang ng tubig ay mawawala na agad ito, but I was wrong. Terribly wrong.
Dahil, hindi man lang nito nabawasan ang pagkahilong nararamdaman ko.
Shit. Don't tell me...
Agad akong napahawak sa ulo ko, I could already feel myself getting lightheaded. Parang umiikot na ang mundo ko. Napabuntong-hininga ako as I shrugged it off and continued to fix my stuff. I have to go to the infirmary.
"Sammy? Are you okay? Namumutla ka yata?" Tanong ni Annais, her hand on my shoulder.
I shook my head, "No... no, I'm fine. Medyo nahihilo lang, pero tolerable naman. Mawawala din 'to." I said and she nodded hesitantly.
"Uy! Tim! Mamaya ha?" Rinig kong tawag ng mga kaklase kong lalake bago lumabas ng room.
"Oo ba! Sige, kitakits nalang tayo mamaya." Napangiwi ako ng marinig ang sagot niya.
Pft! I rolled my eyes when I heard him. Fuck knows how much I don't like hearing his voice. Nakaka-irita. Akala niya siguro 'di ko makakalimutan ang ginawa niya? Tch! Goodluck nalang sa buhay niya dito.
"Hey Sammy? Pupunta muna kami nina Yanna sa lib, wanna come?" Aya naman ni Hershane sakin, getting my attention from fixing my stuff.
I looked at the five of them, "Kayong lahat talaga?" I asked
Tumango naman si Yanna, "Yup! Like duh? Hello? Sammy? Uso din magbasa ng advance sa lib para sa quiz ni Mr. Ilog bukas?" And then I remembered, may sinabi nga pala si Layla sakin kanina tungkol sa magiging long quiz namin sa subject ni Mr. Ilog bukas.
I nodded, "Umm siguro hahabol nalang ako sa inyo mamaya, may kailangan lang kasi akong puntahan." And they nodded.
"So, we go na? Bye Sammy!" Ani Yanna
"Bye Sam!" They said and I bid them farewell. I breathed out a sigh bago pinasok ang huling dalawang notes sa bag ko, sinara ito't agad nang naglakad patungo sa pinto ng room.
Pero bago ko pa man maitulak ang pinto ay may bigla nalang akong naramdamang kamay na mahigpit na humawak sa braso ko.
WTF?
Agad akong napalingon para tingnan kung sino ang taong humahawak sakin ngayon, only to be welcomed by his annoying smiling face.
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko.
"Sam... can we talk?" Anito, my brows furrowed.
TIMOTHY
"Oo ba! Sige, kitakits nalang tayo mamaya." At tinanguan ang mga ito.
Nagyaya kasi ang mga kaklase kong mag billiard mamaya sa bahay ng isa sa mga kaibigan nila, and I said yes. Lalabas na sana ako nang maalala ang pakay ko. Agad kong nilingon ang babaeng kinakausap ng mga kaibigan nito ngayon.
Narinig kong pupunta ang mga kaibigan niya sa library ng eskwelahan, I thought she was going with them when fortunately she declined. Nakita kong nagpaalam ang mga kaibigan nito, then she put her notes inside at naglakad na patungo sa pinto ng room.
Tangina! Nakalimutan ko pala! I need to talk to her...
Agad ko namang binilisan ang pagpasok ng mga gamit ko sa bag at agad na itong hinabol. I immediately grabbed her arm tight, napahinto ito sa ginawa ko't agad akong nilingon na nakakunot ang noo.
YOU ARE READING
Her Darkest Secrets || J.EB
Mystery / Thriller[HIGHEST ACHIEVEMENTS] • Eligible for Wattys 2020 • 1st in Gfriend fanfiction - You can tell that Samantha Mondero is the typical kind, intelligent, beautiful, talented, and innocent eldest daughter of a multi-billionaire businessman. Pero gaya nga...