{Chapter 08}

146 9 0
                                    

UNNIETY: Nga pala. Rated SPG ang Chapter na 'to my universe. Karahasan at tema. Enjoy reading~



——

Chapter 08: The Downfall pt.2



THIRD PERSON

"Mission. Keep Samantha Mondero alive." Ani Gilbert habang matalim na nakatitig sa mga taong nakapalibot sa kanila ngayon na naka-itim na masskara.

Gilbert could never forget that day when he and Mr. Matteo Mondero met and made a deal. The old man was willing to gamble everything just to protect his remaining family. And Gilbert could never held that against a father who just wants to protect his children.


Patuloy sa pagpapalitan ng putok ang magkabilang panig. Gil, Ark, and Stag were already running out of bullets kaya halos hindi sila makakilos ng maayos. They need backup.

In the other hand, Juno ang Phil decided to get out of the car upang tulungan ang mga kasama. Ngunit, nakaligtaan nito ang mga snipers sa itaas. And one by one, nakita ni Sam kung paano bawian ng buhay ang dalawang bodyguards nito.

"Juno!"

"Phil!"

Sigaw ni Ark at Stag na nagpalingon kay Gilbert sa kaliwa. Nakita nito ang unti-unting pagbagsak ng matatalik na kaibigan, parehong may tama sa puso, at parehong unti-unti nang nababawian ng buhay.


Napasigaw naman si Sam nang may biglang bumukas sa pinto ng drivers seat at sinaksak sa lalamunan si Shawn. Gulat na napalingon si Shawn sa lalakeng naka-itim na masskara habang hawak-hawak nito ang punyal na nasa kaniyang lalamunan. Unti-unting nanghina ang binata hanggang sa malagutan ito ng hininga. Napahagulgol nalang si Sam habang yakap-yakap ng ama. She witnessed death for the fourth time. Namatay ng walang kalaban-laban ang binatilyong naging matalik na din na kaibigan ni Samantha.


Gulat naman na nakatingin si Matteo sa binatilyong nasa driver seat ngayon. Parang ang bilis ng mga pangyayari, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asang makawala sa mga kamay ng mga mamatay tao na ito. Wala na si Juno at si Phil, at ngayon naman si Shawn.

Mas lalong humigpit ang pagkakayap ni Matteo sa anak. Agad nitong kinuha mula sa isang tagong sisidlan sa ilalim ng kaniyang upoan ang isang baril. Handa na siyang madungisan ng dugo ang kaniyang mga kamay mailigtas lamang ang kaniyang anak.

"P-pa..." gulat na napatingin si Sam sa kaniyang ama na ngayon ay may hawak-hawak ng baril.

Sa kabilang banda naman, ay nasa loob na ng SUV ngayon sina Gil at Stag, hawak-hawak si Ark na may tama na ng baril sa sikmura.

"SHIT!" bulyaw ni Gilbert nang marinig ang nakakabinging tunog sa telepono. Hindi niya maabot ang linya ng kanilang headquarters upang humingi ng tulong.

"Gil, kailangan na nating umalis dito! Kailangan nating magamot si Ark!" Bulyaw ni Stag sa pinuno nitong nasa front seat na ngayon habang hawak-hawak ang ulo.

"Hindi ko matawagan ang SUV nila Sam, hindi ako sinasagot ni Shawn o ni Mr. Matteo." Anito, binalewala ang sinabi ng kaibigan.

"Gilbert! Makinig ka! Kailangan na nating umalis—"


"At talikuran ang misyon natin?! Talikuran ang mga kasama natin?! Pano ang mga Mondero?! Pano ang iba nating mga kasama, huh?!" Bulyaw ni Gil sa kaibigan


"Gil, makinig ka! Kung hindi tayo tatakas ngayon dito mamatay tayong tatlo! Pano nalang natin makukuha ang hustisya kina Kason, Haden, Phil, at ng iba pa kung mamamatay din naman tayo dito?! At pano natin matutulungang iligtas ang mga Mondero kung mamamatay lang din naman tayo dito?! Naiintindihan mo ba 'ko? Gilbert! Huh?! Kailangan tayo ngayon ng mga kasama natin, lalong lalo na ng mga Mondero!" Bulyaw ni Stag sa kasama, gusto niya itong suntukin sa muka upang matauhan pero hindi niya magawa dahil akay-akay nito si Ark na may tama sa sikmura.

Her Darkest Secrets || J.EBWhere stories live. Discover now