{EPILOGUE}

3K 41 12
                                    

EPILOGUE: THE KNIGHTS


I guess, not all knights succeeds on saving their princess. For I failed to save mine...

"Mr. Knight, here are the papers for tomorrow's board meeting." My secretary said as soon as she entered my office and puts the white folders down my desk.

"Thank you, Febby. You may go now." I said, tumango naman ito bago yumuko at umalis ng opisina ko.

I sighed as I stretched my back and arms then turned the iPad off. I closed my eyes as Ieaned on my chair's back rest. It's been fourteen years Samantha... fourteen long years.

Flashback...

Agad na nagsidatingan ang mga pulis kasama ang ibang mga medic matapos ang ilang minuto. They were shocked to see Randy's dead body. Agad namang dumalo sakin si chief Dalloso at Dawen nang makita akong tulala habang yakap-yakap pa rin ang patay na katawan ni Samantha.

Agad nila akong tinanong kung ano ang nangyari, pero hindi ako makapagsalita. I was too shocked. Dawen saw my bleeding back kung saan ako sinaksak ni Randy. Kaya agad niyang tinawag ang medic.

Naramdaman ko ang maiinit na palad ni tiyo sa kamay kong naka-akap kay Sam. Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata nang magtama ang aming mga paningin. His eyes then went down on Samantha's dead body. Agad na nagsibagsakan ang mga luha ko. As pain started to eat me. Wala na si Sam. Wala na siya...

And now I know what's the feeling of loosing  your most important and favorite pen. Devastatingly hurt...

Some medics immediately took Samantha's dead body from me while some of them tended my wounds.

Ang sabi ni tiyo sakin, matapos nilang hulihin ang mga tauhan ni Randy they were shocked to see Hershane in one of the rooms tied in a rope on the be, bruises all over her body, at punit-punit ang damit.

She said they harassed her matapos nitong tulungan na makuha nila si Samantha. They tied her up dahil binalak nitong pakawalan si Samantha noon.

Mom immediately hugged me nang maka-uwi ako sa bahay, I hugged her back. Nakita ko namang nakatayo lang si papa sa likod ni mama. I let go of mom as I stared at my father bago dire-diretsong naglakad papasok sa kuwarto ko.

Matapos ang isang linggo. Inilibing na si Samantha katabi ng labi ng papa nito sa private cemetery ng mga Mondero. Lahat ng mga estudyante ng SMU ay nandoon mismo sa araw ng libing. They all contributed their condolences, flowers, and candles on Samantha's grave. Nilingon ko naman ang pamilya ni Samantha, halos hindi na matigil sa kaka-iyak ang mga pinsan nito at si Mr. Adler Mondero. Napabaling naman ang tingin ko sa mga kaibigan ni Sam, they too were crying hard.

Noong araw ding 'yon inilibing si Seth sa probinsya nito. Alec, Kairos, Hamish, Clyve, Theodore, and I were there together with some of Seth's friends and family. Dalawang mga importanteng tao ang nawala sakin. I feel so numb.

Habang nasa isang rehabilitation center naman si Hershane. Madalas kasi itong maglaslas matapos malamang patay na si Sam. She blames herself for everything.

I left the organization. I couldn't keep the job that reminds me of my failure. I also left the country. Gusto kong magsimula ng bago. Sam might be not here to see me succeed but she's still in my heart. Forever...

End of Flashback...

Idinilat ko ang mga mata at tiningnan ang kaniyang litrato na nakalagay sa desk ng opisina ko. I remembered taking this when she was having fun with her family during the basketball game. Nagmuka pa 'kong baliw kakangiti habang ninanakawan siya ng mga litrato. Namimiss ko na ang pagtataray mo sakin Sam. Wish you were here to witness my success...

Her Darkest Secrets || J.EBWhere stories live. Discover now