Chapter 10: S.O.S
YANNA
"Hoy Yanna! Kanina ka pa palakad-lakad diyan ah! Nakakahilo ka na!" Reklamo ni Chanti
I bit my lip as I continued to walk back and forth. Hindi ko na mapigilang pangambahan ng masama.
Nandito kami ngayong magkakaibigan sa private resting area ni Samantha sa SMU. Dito kami madalas tumambay kapag hindi kami masyadong busy sa school acads and other events.
We just heard the news about the ambush on tito Matteo and Sam. Nakitang walang buhay si tito kasama ang ibang mga guwardiya nito, and now Sam's missing.
Just this morning, students in SMU contributed candles, flowers, ang prayers, sa harap ng painting portrait ni tito Matteo. We were there too, we contributed flowers, candles, and prayers for the owner of SMU.
Ang iba namang students ay nasa kabilang side kung nasaan nakasabit ang painting portrait ni Samantha. There were a lot of flowers, candles, and letters below the portrait. Wishing Samantha's safety and all.
Habang may mga estudyante at guro namang naglalagay ng cards at tarpaulin sa labas ng campus saying; "Justice for the Monderos!", and we were all there too to witness everything.
Nakita namin kung paano nawalan ng kulay at sigla ang buong S. Mondero University. Chaos began to ignite inside the campus. Marami nang estudyante ang nangangambang ipapasara ang university sa kadahilanang wala na ang mga tunay na nagmamay-ari ng eskwelahan.
Agad namang nagpatawag ng assembly si tito Adler sa gymnasium. Iminungkahi nito na patuloy pa rin ang pagtakbo ng SMU at ng lahat ng mga naiwang kompanya ni tito Matteo under his management. Ipagpapatuloy pa rin niya ito habang hinahanap si Sam.
"Eh kasi..." kinakabahan kong sabi, still pacing back and forth while biting my nails.
"Eh kasi... ano?" Tanong ni Annais sakin habang nakataas ang isang kilay. Napa buntong-hininga nalang ako at napapikit.
"Ano kasi..."
"What?" Ani naman ni Shane with creased eyebrows.
"Eh kasi..."
"Alam mo Yanna, kapag 'di ka pa magsasalita diyan talagang makakatikim ka na sakin ng batok, swear." Iritang wika ni Chanti habang nakahalukipkip at nginunguya ang isang bubblegum.
"Sabihin mo na kasi Yannie." Ani Layla
Napa buntong-hininga nalang ako ulit bago ko sila hinarap.
"We all know na sabay palagi sina tito at Samantha sa pag uwi right?" I said, nakita ko kung paano kumunot ang noo nila.
"Yanna, if this is about the ambush—" ani Annais ngunit agad ko siyang pinutol.
"I know I know, but you can't keep me from worrying. Alam kong nag text na si Sam that she's okay, but I just couldn't help to get worried! Pano kung siya naman ang tugisin ng mga 'yon?" I said, isa-isa silang yumuko at napa buntong-hininga.
Matapos umalingawngaw ng news tungkol sa pag-ambush sa sasakyan nila tito Matteo ay agad kaming naka tanggap ng text mula sa number ni Sam.
She said na nagpa-iwan daw ito sa isang convenient store at sinabing umuna na munang umuwi sina tito. She wasn't expecting those to happen. She said she immediately received text messages from her father and their bodyguards to hide from the public's eyes for a while at huwag magpapakita at magpapa-alam na buhay pa ito the moment they were ambushed. She was still waiting for the right timing na tumakas sa bansa at magpaka layo-layo muna hanggang humupa ang lahat. She even said na huwag daw kaming mag-ingay na buhay pa siya and keep it a secret. She said that she was safe and that we don't have to be worried. I was about to ask her if she already heard about her father but Shane stopped me. Baka daw ay mas mahirapan si Sam, kaya tumahimik nalang ako.
YOU ARE READING
Her Darkest Secrets || J.EB
Mystery / Thriller[HIGHEST ACHIEVEMENTS] • Eligible for Wattys 2020 • 1st in Gfriend fanfiction - You can tell that Samantha Mondero is the typical kind, intelligent, beautiful, talented, and innocent eldest daughter of a multi-billionaire businessman. Pero gaya nga...