Dawn

612 4 0
                                    

DinosaurXPenguin Series present...

A story that will help you find out what is real
meaning of love.

NIGHTFALL

-
"Isang magandang umagaaaaaaaa!" ang masayang bati ko sa aking sarili. "Magsisimula na ang katapusan. Magsisimula na ang huling taon ko sa eskwela. Marahil ay magiging mahirap ito ngunit kakayanin! Para sa pamilya, sa pangarap at syempre sa buhay ko sa hinaharap" ang wika ko sa aking sarili.

Masigla akong bumangon sa pagkakahiga at nagsimula nang magbihis ng kasuotan kong pang-eskwela. Pagkatapos ay bumaba na ako sa silid kainan upang mag-almusal. Sigurado naman akong tapos na ang mga amo kong kumain kaya naman pwede na akong mag-almusal.

Tama kayo ng dinig. Isa akong anak dating tagapagsilbi dito sa mansyon. Sa totoo nga niyan, sila ang tumutulong sa akin upang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Civil Engineering. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa Akngan ng mga Collins. Utang ko sa kanila ang buhay na tinatamasa namin ngayon. Nakakapag aral ako, nakakakain ng tatlong beses isang araw, at higit sa lahat nakakaipon kami dahil sa laki ng sahod ng aming ina pati na rin ako.

"Madam?Aalis na ako" ang sigaw ko mula sa receiving area ng mansyon. Wala naman ang mga amo namin kaya ayos lang yun.

Bago pa ako makalabas ng mansyon ay siya namang pagdating ng isang magarang sasakyan sa mansyon. "Sino naman kaya ang isang 'to? Isang business partner? Malamang hindi dahil wala naman kaming inaasahang bisita" ang wika ko sa sarili ko.

Bumaba ang isang lalaking nakasuot ng kulay itim upang buksan ang isa pang pinto ng sasakyan. Bumungad sa akin ang isang amoy na talaga naman nakakamangha sa sobrang bango. Ang langhap ko sa pabango ang siya naman pagbaba ng isang lalaking tila isang anak ng diyos sa kakisigan. Ni hindi ka makakakita ng anumang kapintasan dito. Mula sa ayos ng buhok nito, hanggang sa tindig at kakisigan. Tiyak na magdidiwang ang kahit na sino na mahawakan niya.

"Magandang umaga sir, sino ho sila?" yumuko ako tanda ng isang magalang na pagbati at tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. "Who are you?! And what are you doing in my lolo's house?!" ang pasigaw nitong tanong. Halos kilabutan ako sa lalim at lalaking-lalaking boss niya. Idagdag pang apo pala ni Don Pablo ang lalaking nasa harap ko. "I-isa po ako sa mga tagapagsilbi dito sa mansyon" ang sabi ko at muling yumuko upang magpakita ng kababang loob.

"Get out of my way NOW!" ang inis nitong sabi. Agad naman akong tumabi sa daan. Nanatili akong nakayuko habang siya ay papasok at lumakad patungo sa pinto. Nakita ko kung paanong magbigay galang ang mga tauhan sa loob ng mansyon. Ano ba naman ang isang 'yon, saksakan ng sungit akala mo kung sino. Sayang ang gandang lalaki, nuknukan pala ng sama ng ugali.

Lumipas ang maghapon at mag aalas dose na nang mauwi ako galing sa eskwela. Nakakapagod ang araw na ito para sa akin dahil nga sa huling taon na namin ay pinapatay kami sa mga dami ng gawaing ipinagagawa sa amin.

"Madam? Narito na ako" ang sabi ko nang makapasok ako sa silid namin. "Oh Rolf kumusta? Alam mo ba, nandiyan na pala si Master Craig? Napaka gwapong bata. Ako ang nag-alaga diyan nung bata pa siya, ang kaso ipinadala siya ng lolo niya sa America upang makapag-aral" ang sabi ni Madam habang nag-aayos ng mga damit namin. Ako naman ay nagtungo sa banyo upang magbihis ng uniporme naming mga tagapagsilbi.

Craig pala ang pangalan ng isang 'yon.

"Nagtanghalian kana ba Madam? Alam mo naman na bawal kang magpalipas ng gutom hindi ba?" ang tanong ko rito nang matapos ako sa pagbibihis. Simple lang naman ang uniporme namin dito sa loob ng mansyon. Black na slacks, white long sleeves na polo, pinatungan ng itim na vest at sinamahan ng isang black na bow tie. Sa madaling salita, mukha akong waiter sa uniporme namin.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon