Daybreak

183 4 0
                                    

Simula na ng bagong araw ko hindi bilang isang simpleng tagapagsilbi ngunit isang personal na tagapagsilbi silbi ng apo ni Don Pablo.

Bago na din ang uniporme ko. Isang black tuxedo na ang suot ko imbis na isang black vest. Mas lumitaw ang kaputian ng balat ko dahil sa kulay nito.

Ang sabi sa akin ni Don Pablo, wala daw eksaktong oras ang pagbangon ni Master Craig. Kaya naman kailangan kong tantyahin ang oras ng pagluto ng agahan niya.

Alas 8 ng umaga nang makita kong bumaba na si Master Craig mula sa kwarto niya. "Magandang Umaga Master Craig" ang masigla kong bati sa kanya. Ni hindi manlang ako nito tiningnan o kaya naman ay nginitian. Sabagay, sanay na din naman akong ganon siya e. Pero yun ang kailangang baguhin. Yung ang una kong misyon. Ang pangitin ang Master Craig.

"What's for breakfast?" ang walang kagana gana niyang sabi. "Naghanda ako ng salad Master Craig. Alam kong inaalagaan mo ang katawan mo kaya naman naisip kong gawan ka ng salad for breakfast" ang magiliw kong sabi sa kanya. Siguro naman matutuwa siya sa ginawa ko. "Hmmm i want a heavy meal for my breakfast. Magluto kana" ang masungit na sabi nito.

Agad naman akong bumalik sa kusina upang magluto. Hind naman ako masyadong nahirapan kaya ilang sandali lang ay natapos ko na ang niluto ko. "Master, eto na ang breakfast mo. Tapsilog iyan. Siguradong matutuwa ka dito" ang nakangiti kong sabi bagamat nahirapan ako sa pagluluto nito. Tiis lang Rolf. Makakaya mo yan!

"May garlic?" ang masungit na sabi nito. "Opo master. May problema po ba?" ang tanong ko rito. "What?! Don't you know that I'm allergic with garlic?! May balak ka bang patayin ako?!" ang inis na sabi nito at malakas na tinabig ang plato dahilan upang magkalat ito sa lamesa. Sa sobrang pagkabigla at kaba ay madali kong punulot ang mga nagkalat na pagkain at nilis ang lamesa.

Bumalik akong dala dala ang isang usual heavy breakfast nating mga pinoy. Egg, Bacon and Hotdog with Fried Rice.

"Eto na sir" sabay lapag sa harap niya ng pagkain iniluto ko. "Nah, i hate eggs. Yung salad nalang kakainin ko" ang sabi nito sabay alis upang dalhin sa kwarto niya ang salad na unang ginawa ko. Iniwan niya akong naka nga nga. Nahuli ko pang ngumisi siya na tila na nang-iinis.

Pinagluto ako ng kung ano ano tapos hindi niya kakainin? Abat! Mukhang sinusubukan ata ako ng isang 'to. Huh! Tignan natin kung sino ang unang susuko.

Marami pa akong ginawa ngayong araw. Andyan yung magpapabili siya ng kung ano ano kahit hindi niya kailangan. Sobrang nakakagigil siya! Hindi na ako natutuwa sa ugali niya. Pero kahit ganon, naiisip ko pa ding magtimpi na lamang sa ugali niya. Siya pa din ang amo ko kaya naman hindi ko siya pwedeng bastusin kahit na sa loob loob ko ay gusto kong upakan ang pagmumukha ng damuhong iyon.

Lumipas ang ilang linggo at ganoon pa din ang sitwasyon naming dalawa. Bangayan dito, bangayan doon. Lait dito, lait doon. Napapadalas din ang paglabas niya ng masyon, at gumigimik kasama ang mga kaibigan niya. Madalas din ang pag-uuwi niya ng babae dito sa masyon kahit na ipinagbabawal ni Don Pablo ang bagay na iyon. Wala naman akong magawa dahil hindi ko siya maaaring sundan sa labas ng mansyon. Sa loob ng mansyon, ako ang personal na tagapagsilbi niya ngunit sa labas, isa lamang akong hamak na mababang uri ng tao na hindi niya kilala.

"Malalim naman yata ang iniisip mo Rolf" ang biglang sabi ni Nanay Ida habang nakaupo ako dito sa pool ng mansyon. Umalis kasi si Master Craig kaya wala akong halos ginagawa. Gumimik nanaman ang isang 'yong panigurado. Malamang ay uuwi iyong lasing o kaya naman may dalang babae.

"Wala po ito Nanay" ang pagsisinungaling ko. "Nako ikaw talagang bata ka! At talagang sa akin ka pa magsisinungaling? Si Master Craig ba iyang iniisip mo?" ang sabi ni Nanay Ida. Hindi talaga ako magaling pagdating sa pagsisinungaling haaay.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon