Midday

138 2 0
                                    

Habang naguusap kami sa ng mga iilang bagay ay siya naman pagdating ni Craig mula sa opisina. Noong makita niya kaming dalawa na nag-uusap ay halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Parehas niya kaming tiningnan at ako naman ay yumuko lang habang nagpipigil ng paglabas ng aking mga luha.

"Elissa? Anong ginagawa mo dito?" ang gulat na tanong nito. "Kamusta kana?" ang nakangiti nitong sabi.

Umalis muna ako habang nag-uusap sila. Hindi ko kayang tiisin ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Pumunta ako sa garden upang magpahupa ng lungkot.


"Ano ba kasing problema mo Rolf? Hindi kita maintindihan! Bakit nagkakaganyan ka?" ang sigaw ni Craig habang sinusundan ako papasok ng kwarto ko. "Wala. Wala akong problema Craig" ang malamig kong tugon. "Tol, hayaan mo naman akong magpaliwanag. Magpapaliwanag ako" ang wika nito.

"Oh sure! Kelan ba ako tumaggi sa'yo? Pati nga buong katawan ko binigay ko sa'yo diba? Ano pa bang hindi ko nabibigay sa'yo? Parang wala na ata. Kasi lahat binibigay ko sa'yo Sige. Sabihin mo lahat ng sasabihin mo" ang sarkastiko kong sabi. Huminga siya ng malalim atsaka nagsalita.

"Kasintahan ko si Elissa noong nasa states pa ako. Kasamahan ko siya sa dorm na pinapasukan ko. Naging malapit kami sa isa't isa hanggang sa naging girlfriend ko siya. Ngunit noong pinauwi ako dito ni Lolo dahil nga sa mga responsibilidad ko ay hindi na kami nakakapag-usap. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala. Kaya hanggang ngayon umaasa akong magkakabalikan kami"

Isang masaganang luha ang pumatak mula sa aking mga mata kasabay ng pagbagksak ng pag-asang mamahalin niya din ako pabalik. Hindi ko na deserve ang mga ganitong bagay. Durog na durog na ako.

Mabilis kong kinuha ang aking mga damit at inilagay ito sa aking maleta. Marahil ito ang tamang gawin para hindi na lumala ang sitwasyon. Ayokong sumira ng isang relasyon. Kahit mahirap gagawin ko.

Patuloy kami sa pagtatalo hanggat sa muli itong sumigaw. "Bakit kaba nagagalit?! Bakit parang umasta ka isa kang kasintahang pinagtaksilan?! Ha?! Sabihin mo nga Rolf, mayroong bang tayo?! Wala naman hindi ba?! Tsaka hindi ba naging masaya naman ta'yo sa set-up natin?! Hind ba? Bakit kung umasta ka parang kasintahan kita?" ang sabi nito dahilan para mahinto ako sa paglalagay ng gamit sa aking maleta.

Durog na durog ang puso noong mga oras na iyon. Hindi ko na alam ang dahilan kung bakit ako naiiyak sa mga oras na iyon. Dahil ba sa may girlfriend na si Craig O Dahil sa parang naging isa akong parausan ng isang matinding pagnanasa at pangungilila.

"Sige nga sabihin mo sa akin? Para saan lahat ng ginagawa natin? Yung pagkain sa labas ng tayong dalawa lang, yung halik, yakapan, lambingan, at yung gabi gabi nating pagtatalik? Ha? Sige nga! Sabihin mo sa akin? Parausan lang ba ang tingin mo sa akin? Panakip butas ganon? Ha? Puntangina naman! Hindi ko na alam kung saan lulugar dyan sa bulok mong puso!" ang sigaw ko sa kanya.

"Kasalanan ko lahat tol pasensya na. Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto ng relasyon nating dalawa. Para lang tayong mga ligaw na kalul'wa at saktong sa'yo ko nakita ang pangungililang nararamdaman ko" bakas sa mukha ko ang matinding galit at pagsisisi.

Sabi na nga ba at sa huli, pagsisisihan ko ang mga bagay na ginagawa ko. Iba talaga maglaro ang tadhana. Masakit at nakakaloko.

"Tama na ito. Hindi ko na kayang makita ko pa ang pagmumukha mo. Naalala ko lang ang mga katangahan ko sa buhay. Nagsisisi akong ibinigay ko lahat sa'yo" ang doon ay iniwan ko siyang nakasalampak sa sahig at lumabas na ako ng mansyon bitbit ang mga masasakit na ala-ala.

Ngunit paglabas ko ng gate ay muling hinablot ni Craig ang braso ko at muling akong sinunggaban ng halik. Pilit ko siyang tinutulak ngunit sadyang mas malaki ang kanyang katawan at mas malakas.

Sa huli ay nagawa ko siyang itulak at isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kanya.

"Huwag ka nang lalapit sa akin. Madalas ang pagmamahal na hangad mo ay hindi mo mahahanap sa taong gusto mo, at ang gustuhin ang isang tao ay hindi sapat para makuha mo siya. Malamang totoo nga ang sabi nila. Tapusin na natin kung anong meron tayo. Kung meron mang tayo. Ang akala ko sapat nang iparamdam ko sa'yo ang pagmamahal, pag-aalaga at pag-aaruga para makita mo ang totoo kong nararamdaman. Nagkamali ata ako" ang umiiyak kong sabi habang nakatalikod sa kanya at naghihintay ng taxi na masasakyan.

"Kung pwede lang sanang maging estranghero nalang ulit tayo sa isa't isa" ang huling katang binitiwan ko sa kanya

Ilang sandali lamang ay dumating na ang taxing sasakyan ko. Doon ay binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tila nanghihina ang aking mga tuhod at sumisikip ang aking dibdib. Pakiramdam ko isa akong laruang kotse na itinapon na lamang pagkatapos pagsawaan at paglaruan. Pagkatapos akong gamitin.

Tila nakikiramay ang driver ng taxing sinasakyan ko at nagpatutog sa kanyang radyo.

Consequences
Camila Cabello

Dirty tissues, trust issues

Glasses on the sink, they didn't fix you

Lonely pillows on a strangers bed

Little voices on my head

Secret keeping, stop the bleeding

Lost a little weight because I wasn't eating

All the souls that that I can't listen to, to tell the truth

Loving you was young and wild and free

Loving you was cool, and hot, and sweet

Loving you was sunshine, safe and sound

A steady place to let down my defences

But loving had consequences

Hesitation, awkward conversation

Running on low expectation

Every siren that I was ignoring

I'm payin' for it

Loving you was young, and wild, and free

Loving you was cool, and hot and sweet

Loving you was sunshine, safe and sound

A steady place to let down my defences

But loving you had consequences

Loving you was dumb, and dark, and cheap

Loving you still takes shots at me

Found loving you was sunshine, but then it poured

And i lost so much more than my senses

'Cause loving you had consequences

Loving you

Patuloy kong binabaybay ang kahabaan ng kalsada. Walang tiyak na patutunguhan. Patuloy namang nagmamaneho si manong kahit na hindi alam kung saan ako dadalhin.

"Alam mo anak, hindi naman masamang sumuko at umiyak kung hindi mo na kaya ang sakit. Tandaan mong ang mga ulap ay umiiyak din kapag hindi na nila kayang dalhin ang mga ulan. Kapag humahaba na ang ating mga kuko, ito mismo ang ating pinuputol hindi ang ating mga kamay. Katulad nalang kapag may hindi pagkakaunawaang nagaganap, tapusin mo ang pagmamataas at hindi ang inyong relasyon. At kapag hindi mo na kaya at sa tingin mo ay nawala sa'yo ang buong mundo, lagi mong iisipin na ang mga puno ay nawawalan ng mga dahon taon-taon ngunit patuloy na tumatayo ng matatag at naghihintay para sa bagong araw na dadating" ang makahulugang bigkas ni Tatang

Nginitian ko siya bilang sagot. "Salamat tay" ang wika ko.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa isang lumang upuan sa isang parke. Tahimik na umiiyak at nilalabas lahat ng sama ng loob.

"Naala mo noong mga panahong hindi mo na kaya? Nagawa mo hindi ba? Kaya ngayon alam kong magagawa mo ulit" ang wika ko sa aking sarili. Pilit kong nilalabanan ang sakit na naramdaman ko sa mga oras na iyon.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon