Sunup

138 3 0
                                    

Mag-isa ako ditong naglalakad ngayon dito sa mall. Araw kasi ng pahinga ko ngayon e. Kaya naman ayos lang na lumabas ako ng mansyon.Mamimili  ako ng mga bago kong dati para na din kapag lumalabas ako kasama si Craig, maayos ako tingnan at hindi nahihiya dahil sa suot ko.

Habang nasa ganoong paghahanap ng mabibiling damit ay nakasalubong ko naman si Cheska, yung kaibigang babae ni Craig na nakakwentuhan ko. "Hey! Rolf! What are you doing here? Long time no see!" ang sabi nito at bumeso-beso pa sa akin. "Kamusta Cheska! Pasensya na dun sa nangyari last time ha? Hindi ko lang napigilan ang pag-inom e" ang nahihiya kong sabi.

"No, its okay. I know naman na may reason don" ang sabi nito sabay kindat, bagay na ipinagtaka ko. "H-ha?" ang reaksyon ko. "Alam mo, wala kang maitatago sa akin. Alam kong may nararamdaman ka sa kaibigan ko" ang sabi nito. Kinabahan naman ako sa kanyang mga sinasabi. "H-ha?" ang muli kong sabi. "Oh come on Rolf, I know you know what I mean" ang sabi nito atsaka muling kumindat.

"Okay fine fine, basta it's between the two of us nalang ha?" ang nahihiya kong sabi. "Saan ka nga pala pupunta? May bibilhin kaba dito? Tara samahan na kita" ang tanong nito.

"Mga bagong damit sana. Pero wala kasi akong alam sa fashion e" ang sabi ko sabay kamot sa aking batok. "Don't worry Rolf, I'll help you" ang sabi nito sabay hatak sa akin sa loob ng isang malapit na stall.

Siya ang namili ng aking mga damit at ako naman ay nakasunod lang sa kanya. "Try this Rolf, bagay 'to sa kulay mo" sabay abot sa akin ng isang long sleeve na sweater na kulay mustard at isang color light blue na ripped pants.

Sa paglalakad namin ay nakita namin ang isang stall ng bag sa loob ng mall. Ang "Executive" na pag mamay-ari ng pamilya Collins. Ito ang negosyong napayaman sa angkan nila. Sadyang nakapalaki ng kompanya nila dahil hindi lamang dito sa pilipinas sila nagsusupply ngunit maging sa ibang bansa. Kaya ganon nalang siguro ka-importante si Craig dahil siya ang magmamay-ari nito sa hinaharap.

Grabe ang agwat naming dalawa. Para siyang langit at ako naman ay isang hamak na lupa lamang at kahit kailan ay hinding hindi mag-aabot. Masakit ngunit iyon ang katotohanan. Napangiti na lamang ako sa aking mga naiisip.

Sumunod naman sa bilihan ng sapatos. Ganun pa din ang sitwasyon, siya ang pipili at ako ang tiga-hawak. "Here bagay 'to sa damit mo kanina" at abot sa akin ng color white na sapatos. Pagkatapos bilhin lahat ng kailangan at natapos na din ang pamimili namin.

"Grabe! Ang dami nating nabili!" ang masaya kong sabi. Bale 15 na paperbags ang bitbit ko."Ang saya mamili no? Hehehe" at ganon nalang ang gulat ko nang makita kong madami din palang siyang binili.

"Kain muna tayo, gutom na ko e" ang pag-aya ko sa kanya sa isang malapit na restaurant sa puwesto namin. "Sige gutom na din ako e" at dali dali kaming nagpunta doon at um-order.

"Kaya mong ubusin lahat ng yan?!" ang gulat kong sabi matapos kong makita lahat ng in-order niya. "Hehehehe" ang sabi nito sabay kamot sa kanyang batok. "Grabe, sa payat mong 'yan, kaya mong kainin lahat yan?!" ang sabi ko dito na kasalukuyang nilalantakan lahat ng pagkain na in-order niya. "Shempre nomon no" ang magkanda bulol na sabi nito habang punong puno ang kanyang bibig. Ako naman ay tawa ng tawa nang dahil sa kanya.

"So anong plano mo? Kelan mo balak sabihin?" ang pang-uusisa nito sa akin habang kumakain kami. "Wag na siguro. Alam mo naman diba? Hindi naman ata magandang tingnan. Amo ko pa din naman siya at ako mananatiling tagapagsilbi lang. Masakit. Oo. Pero mas masakit yung makikitang pinagtatawanan ako, lalo na siya dahil sa akin" ang malungkot kong sabi habang pinaglalaruan ang carbonara na nasa harap ko . Hindi ko tuloy maiwasang maluha lalo na kapag naiisip kong hanggang dun nalang kami. Siya ang amo at ako ang tagapagsilbi.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon