Sunrise

209 5 0
                                    

Isang taon makalipas ang pagdating ni Master Craig dito sa mansyon ay wala pa ding nagbabago sa ugali at pakikitungo niya sa amin. Halos araw-araw  na ginawa ng Panginoong Diyos ay wala na siyang kundi ang sungitan, pagalitan, at kutyain ako. Immune na nga ako sa kasungitan niya e.

Sayang ang taglay na kagwapuhan ng isang 'to dahil sa ugaling pinapakita niya sa lahat.

Iyan ang mga katagang lumalabas sa aking bibig sa tuwing pagagalitan niya ako.

Isang hapon nga ay sa hindi inaasahan ay napasama sa mga nilalabhang damit ang kanyang mamahalin pantalon.

"Inutil ka talaga! Hindi mo man lang ba chinecheck ang mga nilalabahan nyong mga damit?!" ang galit na galit nitong sabi. "Pasensya na Master Craig. Hindi ko naman po kasalanan iyon. May mga basket po tayo para sa puting damit, de-color, pantalon at mga shorts. Baka po sa ibang basket nyo nailagay" ang pagdadahilan ko rito. "At anong gusto mong pabalasin? Ha?! Kasalanan ko pa kung bakit napunta ang pantalon ko doon?! Ang sabihin mo, inutil ka at tatanga-tanga! Sa tingin ko dapat mo nang ihanda ang mga damit nyo ng nanay mo dahil bukas na bukas din ay umalis na kayo!" ang sabi nito at umalis na sa aking harapan at iniwan akong luhaan.

Hindi ko na 'to kaya, hindi ko na kayang tiisin pa ang ugali ng isang 'to. Ako lang ang aalis hindi ang nanay ko. Wala nang ibang mag-aalaga kay Don Pablo bukod sa Madam ko kaya naman hindi siya pwedeng umalis.

Dali-dali akong tumungo sa kwarto ko na humihikbi dahil sa pag-iyak ko kanina. Ayaw ko nang makasalamuha ang taong 'yon.

"Oh Rolf, bakit ganyan ang itsura mo?" ang nag-aalalang tanong ni Ina. "Pasensya na ngunit sa tingin ko Madam, kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Hindi ko na kayang pakisamahan ang ugali ni Master" ang tuloy tuloy kong pagkilos habang inaayos ang mga damit at gamit ko. "Ano? Alam na ba ito ni Don Pablo? Mabibigla iyo sa iyong pag-alis" ang tanong ni Madam Victorina sa akin

"Kayo na lamang ang bahalang magpaliwanag kay Don Pablo. Aalis na ako Madam"

Nang gabi ring iyon ay umalis na ako sa Mansyon. Hindi na ako nakita ni Master Craig na umalis ng mansyon. Hindi ko na rin alam ang mga susunod pang mangyayari sa akin. Doon muna ako sa bahay na tinutuluyan namin sa Makati. Mula sa aking bulsa, ay kinuha ko roon ang mp3 player ko at tahimik na nakinig ng music.

Say Something
A great big world ft. Christina Aguilera

Say something, I'm giving up on you
I'll be the one, if you want me to
Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all

And I will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl

Say something, I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere, I would've followed you
Say something, I'm giving up on you

And I will swallow my pride
You're the one that I love
And I'm saying goodbye

Say something, I'm giving up on you
And I'm sorry that I couldn't get to you
And anywhere, I would have followed you
Oh-oh-oh-oh say something, I'm giving up on you

Say something, I'm giving up on you
Say something

Nang makarating ako sa bahay namin ay nagulat ako nang makita ko ang sasakyan ni Don Pablo sa harap ng bahay. "Don Pablo? Ano hing ginagawa nyo rito?" ang tanong ko nang makalapit ako sa sasakyan niya.

"Pasensya kana sa ugali ng Apo ko Rolf ha? Pumunta ako rito para sunduin ka" ang sabi ni Don Pablo. "Pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muling magsalita si Don Pablo. "Rolf alam ko mabuti kang tao, kitang kita ko 'yon sa tuwing kakaharap ka sakin at kakausapin. Napakagalang mong bata at Matalino. Alam ko rin na maaasahan ka at mapagkakatiwalaan. Kaya sana pagbigyan mo ako sa hiling ko sa'yo. Gusto kong ikaw ang maging personal na tagapagsilbi ng akin apo. Alam kong matutulungan mo siyang baguhin ang nakasanayan niyang ugali. Please Rolf, my apo really need you right now. Sana pagbigyan mo ang hiling ko sa'yo" ang mahabang paliwanag ni Don Pablo. Ayokong tanggihan ang alok ni Don Pablo. Ayoko rin makasama ang lalaking ayaw sa akin. Ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko sa bagay na alam kong sa huli ay masasaktan lang din ako. Hindi ako katulad ng mga bida sa mga teleserye na handang magtiis at magpakamartir para sa mga minamahal nila.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon