"Arrekupp!" ang salitang namitawi sa aking kwarto nang pilitin kong bumangon.
Hindi na ulit ako iinom. Grabe ang sakit ng ulo ko!
Isang buntong hininga ang aking inilabas. Malaya kong inalala ang mga pangyayari kagabi.
Flashback
"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nagpakalasing ka?! Ang sabi ko sa'yo diba, kung ayaw mong uminom wag mong pilitin!" ang galit na sabi nito habang nagmamaneho ng kotse pabalik ng mansyon. Ako naman ay nasa tabi niya ay hilong-hilo. "Hindi na po mauulit daddy" ang sarkastiko kong sabi.
"Ganun pala ang mga tipo mo ngayon? Hipon. Kain katawan tapon ulo. Pangit ng taste mo" ang kalmado nitong sabi habang tutok ang mata sa daan. "Paborito ko 'yon e. Lalo na kapag sinigang. Teka? Nagseselos kaba?" ang pangloloko ko dito dala na din ng kalasingan. "Bakit naman ako magseselos? Umayos ka nga!" ang reklamo nito.
"Yes sir!" ang sagot ko naman sabay saludo na animoy isang sundalo. Narinig ko siyang bumuntong hininga at hindi na muling nagsalita. Alam niya sigurong hindi na niya ako makakausap ng matino dahil sa kalagayan ko.
Pagkadating sa bahay agad niyang tinawag ang ibang tagapagsilbi sa mansyon upang kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. Agad niya akong inalalayan papunta sa kwarto at doon ay marahang nilinisan ang buong katawan. "Master Pogi" ang bulong ngunit sapat na upang marinig niya. "Hmmm" ang tugon nito. "Master Pogi" ang muli kong sambit. "Ano nga?" ang sabi nito habang pinipunasan ang aking mukha. "Ang pogi mo pala? Hehehe" ang sabi ko sabay ngisi. Nakita kong napangisi din siya.
Matapos niya akong bihisan ay niligpit niya ang mga gamit na ginamit niya at muling bumalik sa kwarto.
Ang huling kong natatandaan, may sinabi siya na hindi ko maintindihan at bigla siyang humalik sa aking noo.
Kaya naman nung gabing iyon ay nakatulog akong may ngiti sa labi.
End of flashback
Matapos kong balikan ang mga kaganapan kagabi ay agad akong bumangon upang asikasuhin si Craig. Alam kong masakit din ang ulo no'n. Bago pa ako makatayo ay napansin kong iba ang ayos na mga gamit at iba ang kulay ng kwarto. Pati 'tong kama na hinihigaan ko ay iba din.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang mula sa pintuan ng banyo ay lumabas ang hubad na katawan ng isang mala-diyos sa kakisigan. Tila nililok ang katawan niya ng isang magaling na iskulptor. Ang mga butil ng tubig na bumabagsak papunta sa kanyang malapad na dibdib pababa sa tiyan niyang walang kataba-taba at mga pandesal na nakakatam.
Grabe nakakaakit naman ang isang 'to. Tekaaaaa! Ano ba 'tong iniisip ko?! Erase! Erase!
"Enjoying the view huh?" ang maloko nitong tanong sinabayan niya pa ng malokong ngisi. "Ah, h-hindi kaya no!" ang pagtanggi ko.
"Tumatanggi kapa, halata naman sa pagtitig mo palang" ang pang aasar niya habang kumukuha ng mga damit niya. "Hindi nga!" ang sabi ko at hindi mapigilang pamulahan ng mukha. "Eh bakit namumula ka?" ang patuloy na pang-aalaska nito habang nagbibihis ng damit. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot. Napansin kong tumatawa ito.
"Saan ba kasi tayo pupunta?! Kanina pa tayo lakad ng lakad e" ang reklamo nito habang naglalakad kami dito sa park malapit sa amin. "Wag ka na ngang magreklamo! Sandali nalang" ang sabi ko naman dito.
Ilang sandali nalang ay narating din namin ang gusto kong puntahan. Tinanong niya kasi ako kung saan gusto kong pumunta e. Kaya eto dinala ko siya dito. Namimiss ko na kasi yung kwek-kwek dito. Masarap kaysa sa ibang natikman ko.

BINABASA MO ANG
NIGHTFALL [DXP 2018]
Romance"Fall in love with someone who wants you, who waits for you. Who understands you even in the madness; someone who helps you and guides you. Someone who is your support, your hope. Fall in love with someone who talks with you after a fight."