"Kamusta na ang pakiramdam mo master? Maayos na ba?" ang tanong ko rito habang sabay kaming lumalakad papunta sa kusina. "Oo nga pala, ipinaghanda kita ng bulalo. Kagabi ko pa pinakuluan iyon. Kaya nga eto tanghali na ako nagising. Pasensya na" ang sabi ko rito. "Ahh kaya pala. Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman" ang nakangiti nitong sabi.
"Alam mo Master, sana lagi ka na lamang ganyan. Yung nakangiti. Mas maganda kasi tignan e. Mas lumalabas yung kagwapuhan nyo" ang sabi ko rito. "So na g-gwapuhan ka pala sa akin. Kaya pala gustong gusto ka ni Lolo e. Ang galing mo mangbola" ang biro naman nito.
Gwapo ka naman talaga dati pa, kung hindi mo lang ako sinungitan nung una tayong magkita
"Oo Master. Gwapo ka" ang biro ko dito.
Napuno ang umaga ko na puno ng tawa at saya. Unang beses 'to simula nung dumating siya dito sa mansyon. Naubos niya nga yung inihain ko sa kanyang pagkain e. Ang sabi ko pa nga baka mawala yung mga abs niya sa dami niyang kinain. Ang saya pala niyang kausap at kabiruan.
Ngayon, mas nakikilala ko na siya unti-unti. At mas lalo kong nagagawa ng mabuti ang trabaho ko nang hindi niya ako sinusungitan.
Nalaman din ni Don Pablo ang mga nangyari sa pagitan namin ni Master Craig. Syempre mas natuwa siya dahil magkasundo na kami ng apo niya.
"Craig, Apo ko. Natutuwa ako sa mga nangyayari. At dahil sa ginawa mo mas lalo kong napatunayan sa aking sarili na, hindi ako nagkamali na ikaw ang magmamana at magpapatuloy ng aking kompanya. Alam kong magagawa mo ng mabuti 'yon" ang sabi ni Don Pablo sa kanyang apo.
"Salamat Lolo. Alam ko naman na nandyan ka pa rin para alalayan ako sa paghawak sa kompanya natin. Hinding hindi kayo magsisisi sa desisyon nyo Lolo. Salamat din sa isang taong pilit na tinutulungan ako kahit hirap na siya " ang sabi nito dahil upang umiyak at yakapin ang lolo niya.
Umalis na ako sa loob ng opisina upang iwan muna ang mag-lolo para magkaroon sila ng oras para makapag-usap.
Ako naman, nagdesisyong maglakad lakad sa labas ng masyon. Sa paglalakad ko, nakita ko ang punong madalas na puntahan namin ni Ina nung bata pa ako. Sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan, naalala ko ang maliit na aklat ni Ina nabinigay niya sa akin bago siya magpaalam. Nakasulat lahat don ang mga pangaral, mga bilin at payo niya sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ha?"
"Ahhhh! Bakit kaba nanggugulat diyan?!" ang inis kong sabi. "HAHAHA Kung nakita mo lang kung anong itsura ng mukha mo kanina. HAHAHA Grabe nakakatawa ka!" ang sabi nito habang humahalakhak at nakahawak siya tyan.
Ayyysh! Grabe ang isang 'to!
"Che!" sabay irap sa kanya. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko. "Wala, naglalakadlakad lang. Nakita kita rito kaya, pinuntahan kita" ang sagot nito.
"Tara na? Nilalamig na ako e" pag-aya ko sa kanya. Maya-maya ay nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako. Nakaramdam ako ng ilang ngunit tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan. "Ayos na ba ito? Hindi naba malamig?" ang sabi nito tila nang-aakit kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Tara na nga! Baka kung ano pang susunod mong gagawin!" ang sabi ko. Nauna ako sa kanya kaya naman pilit niya akong hinahabol.
Pagkadating sa mansyon ay agad akong nagpa-init ng kanyang tubig na gagamitin sa pagligo. "Master Craig, handa ang pampaligo mo" ang sabi ko habang nakadungaw sa pintuan ng banyo. Siya naman ay prenteng nakaupo sa higaan. "Come here" seryosong sabi niya. "H-ha?! B-bakit?" ang utal naman na sabi ko.
"Basta. Lumapit ka dito" ang boses niya na tila nang-aakit
Bakit ba ang hilig niyang gamitin ang boses na 'yon? Nakakainis! Wala akong magawa kapag ginagamit niya 'yon! Gayuma sa akin 'yon kumbaga.
Sa paglapit ko, agad niya akong hinila at dinaganan dahilan upang maglapit ang aming mga mukha. "Paliguan mo ko" ang sabi niya at hindi mawala ang kaseryosohan ng mukha niya. Amoy na amoy ko ang mala strawberry na hininga at ang mainit na hininga nito.
Arghhh! Nakakaakit ka! Kung hindi lang siguro ako isang matinong tao baka kanina pa kita tinalian at... at... erase! erase!
Maya maya ay nakita ko siyang tumatawa hanggang sa mahulog siya sa lapag ay halos mamatay pa din siya kakatawa habang gumugulong gulong. "HAHAHA nakakatawa ka talaga kapag kinakabahan. Parang nalulukot ang mukha mo" ako naman ay nanatiling nakatingin sa tumatawang si Master Craig. Para siyang isang bata kung tumawa. Nakakatunaw ng puso dahil sa unti-unti ko siyang nababago. Ang sarap lang sa pakiramdam.
Nagtagal pa ang aming pag-uusap sa loob ng kanyang silid. Nagpupumilit kasi na mag-stay pa din ako sa kwarto. Alam ko namang sobra ang kapilyuhan n'on kaya alam ko ding may gagawin nanaman siyang di maganda.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama ko at doon ay paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga eksena namin kanina ni Master Craig. Yung yakap, yung eksenang sobrang lapit ng mukha namin.
Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ganito. Yun bang tila wala ng pagsidlan ng tuwa ang aking nararamdaman. Para akong lumilipad sa mga ulap.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Alam kong mali itong ginagawa ko dahil amo ko si Master at tagapagsilbi niya lang ako. Pero...
Hindi ko mapigilan. Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ngunit ang puso ko...
Pilit na tumitibok kasabay ng pagbigkas niya ng pangalang...
Craig Collins. Ang master ko.

BINABASA MO ANG
NIGHTFALL [DXP 2018]
Romansa"Fall in love with someone who wants you, who waits for you. Who understands you even in the madness; someone who helps you and guides you. Someone who is your support, your hope. Fall in love with someone who talks with you after a fight."