Cockcrow

187 3 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan, mas lalo pang umiiting ang nararamdaman ko. Sa paglipas din naman ng panahon, mas nagiging malalim pa ang samahan namin ni Master Craig. Tawanan, biruan, at iba pa. Naging mas malalim ang aming pagkakaibigan.

Sa kabilang banda, ako naman ay mas lalong nahuhulog ang aking loob sa kanya. Mas lalo ko siyang minamahal.

Tutol man ang aking isip dahil alam kong mali at hindi katanggap-tanggap ngunit ang puso ko, ayaw niyang magpatalo. Sa tuwing makakausap kami, sa tuwing magpapakita siya ng isang dahilan para mas lalo akong mahulog, ang puso ko ay sobrang nagdidiwang sa kasihayan.

Sana lamang ay huwag ng umabot sa puntong masasaktan ako dahil sa ginagawa ko. At kung dumating man ang araw na iyon, aalis na lamang ako kasya ang masaktang ng labis.

"Kamusta na 'yan? Malapit kana ba? Gutom na gutom na ako e" ang pag-uusisa kasabay ng pag-akto nito na parang tutang nagmamakaawa. "'Wag ka nga pag pa-cute dyan, malapit na 'to. Konti nalang" ang sagot ko naman.

"Ikaw ang pinakamasarap magluto dito sa mansyon, alam mo ba 'yon? Kaya masaya ako kapag nagluluto ka. Hindi ko alam kung bakit pero, para hindi ko ata kayang mawala ka dito. Bukod sa wala nang magluluto para sakin, wala na din akong kaibigan dito sa mansyon" ang biglang sabi nito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinabi niya pero masaya ako. Kahit papano napapasaya ko siya. Ngitian ko lang siya at nagpatuloy na sa pagluluto.

Makalipas ng ilang minuto natapos din ako. Sa wakas.

"WOOOOW! Mukhang masarap!" ang sabi nito na tila isang batang ngayon lang nakakita ng eroplano. "Syempre masarap yan 'no! Ako kaya ang nagluto niyan" pagmamayabang ko dito. "Edi ikaw na! Yabang neto, 'wag ka mag-alala, matututo din akong magluto" ang sabi nito.

"Ano bang una mong gustong matutunang lutuin?" ang tanong ko rito habang pinagmamasdan kung paanong magdumi ang mukha siya sa sobrang kasibaan. "Hmmm siguro yung madali lang. Katulad ng nilaga" ang sagot nito habang abala sa pagkain.

"Ang dali naman no'n, 13 ako nung matutunan kong lutuin 'yon" ang pagmamayabang ko dahilan para mapatingin siya sa akin. "Yabang mo!" ang pagmamaktol nito at ako naman at tawa ng tawa dahil sa dungis niya. Nagkalat sa mukha niya ang sarsa ng menudo na niluto ko.

Habang kumakain naisipan kong kunin ang malinis na panyo sa bulsa ng tuxedo ko. Dahan dahan kong nilapit sa mukha niya ang panyo ko at nilinisan ang kanyang maduming mukha.

"Ang dumi ng mukha mo. Para kang bata" ang sabi ko habang payapang inaalis ang mga naiwang sarsa sa kanyang mukha. Malaya niya akong pinagmasadan habang ginagawa ko 'yon.

"Bakit?" ang tanong ko rito. "Wala. Ang ganda pala ng mga mata mo" ang seryoso nitong sagot. Hindi ako agad nakasagot at tila umurong ang mga dila ko. Mata sa mata.

Matagal kaming nagtitigan hanggang sa palapit na ng palapit ang mukha niya. Ako naman ay napapikit na lamang at naghihintay sa susunod na mangyayari. Palapit ng palapit ng palapit hanggang sa...

"Master Craig, pinapatawag ka ni Don Pablo. Sa office niya raw" ang biglang singit ng tagapagsilbi. Pareho kaming nagulat kaya naman nagmadali kaming inayos ang mga sarili. Mabilis siyang tumayo at nagpunta sa office ng Lolo niya. Ako naman ay nanatiling nakaupo.

Muntik na 'yun! Haaaaay! Kung nagkataon, first kiss ko 'yon.

Pagkatapos maka get-over sa nangyari, niligpit ko na ang pinagkainan ni Master Craig. Matapos 'yon ay napagpasiyahan kong linisan ang kwarto ni Master. Ilang araw na din nung huli 'yong nilinisan kaya naman alam kong puro nanaman iyon lata ng mga softdrinks, balat ng junkfoods tsaka mga maruruming damit. Kaya hindi nakapagtataka na ganito ang amoy dito. Amoy lalaki na amoy basurahan.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon