High Noon

169 4 0
                                    

Pilit pa rin akong naglakad dito sa kahabaan ng highway. Ni hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga paa. Manhid na din kagaya ng puso ko.

Madilim at malamig ang gabing ito para sa akin. Halos parang ako nalang ata ang taong naglalakad dito. Bigla kong naalala si Craig. Kamusta na kaya sila ni Elissa? Baka ngayon ay masayang masaya na silang dalawa.

"Bakit parang kung umasta ka parang kasintahan kita?"

Paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga katagang iyan. Ang sakit. Ang sakit sakit na marinig iyan lalo na at galing sa kanya. Hindi ko alam na sobrang lunod na lunod na pala ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Hindi na niya ako kailangan. Nagseselos ako dahil natatakot akong mas mapapasaya niya si Craig higit sa pagpapasaya ko sa kanya.

Sana pwede akong bumalik sa nakaraan at baguhin ang iilang bagay sa buhay ko. Yung masaya lang. Walang problema.

Marahil hindi na ako makakabalik sa nakaraan para baguhin ang aking buhay, pero pwede naman akong magsimula kung nasaan ako ngayon at baguhin ang katapusan ng kwento ng buhay ko.

May iilang tao talagang kailangang umalis. Pero hindi naman ito ang katapusan ng kwento ng buhay ko. Ngunit ito na ang katapusan ng parte nila sa kwento ko.

Some of us thinks that holding on makes us strong; but sometimes it is letting go.

Siguro hindi ako sapat para sa kahit na sino.

Tila nakikiramay ang kalangitan na aking nararamdaman dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Kasabay noon ang pagbuhos din ng masaganang luha mula sa aking mga mata. Damang dama ko ang init mula dito at ang lamig ng simoy ng hangin.

Habang naglalakad ay isang kotseng ang biglang sumulpot mula sa aking harapan. Sobrang bilis ng pangyayari. "Ito na ata ang katapusan ng lahat" ang wika ko sa sarili ko at ipinikit ang aking mga mata.

Unti-unti kong nararamdaman ang mainit na dugo galing sa ulo ko. Unti-unti ring nagdidilim ang aking paligid hanggang sa wala na akong matandaan sa mga nangyari.

Darating talaga ang oras na magdedesisyon ka at pipili ka kung ililipat mo ba ang pahina o isasara na ang libro.

Ito na siguro ang tamang panahon para isara na ang libro para sa akin.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon