First Light

138 2 0
                                    

Kinabukasan nagising akong masakit ang buong katawan ko lalo na yung bandang likuran ko. "Urgh! Bakit kasi masyadong malaki ang isang 'yon?! Para tuloy akong babaeng nawalan ng pagkabirhen" ang reklamo ko sa aking isip at doon ay binalikan ko ang mga tagpo namin dalawa ni Craig.

Natawa ako sa aking naisip ngunit sa kabilang banda ay kinikilig dahil masaya akong binigay sa kanya ang aking unang karanasan.

Pinilit kong bumangon ngunit masakit ang aking likuran at masama ang aking pakiramdam. "Parang magkakasakit pa ata ako" ang bulong ko sa sarili ko. "Huwag mo na kasing pilitin. Mabibinat ka niyan e" ang rinig kong sabi ni Craig habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Kailangan kong maghanda ng almusal mo at ni Don Pablo" ang wika ko bagamat bakas sa aking mukha na may sakit ako. "Ipapagawa ko nalang sa ibang tagapagsilbi. Ang mahalaga ngayon magpagaling ka ha?" ang nag-aalalang tugon nito.

Dahan dahan akong humiga ulit at ipinikit ang aking mga mata. Ramdam kong tumayo siya mula sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo at lumabas ng kwarto.

Bandang tanghali nang gising ako ni Craig upang kumain. Kaya naman tumayo ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. "Oh kumain ka muna. Ako nagluto niyan. Nagpaturo ako kay Madam Victorina" ang nakangiti niyang wika at halatang bilib na bilib sa sarili niya. Kaya naman tinikman ko ito at nagulat ako sa lasa nito.

"Lugaw ba 'to?" ang tanong ko. "Oo. Bakit? Masarap hano?" ang nakangiti niyang sabi. "Ang alat! Magkakasakit ako sa bato nito e" ang reklamo ko dito.

"Edi kung ayaw mo, wag kana kumain" ang wika nito na parang nagtatampong bata. "Aysuuus! Nagtampo nanaman ang baby" ang pang-aasar ko sa kanya.

Hanggang sa hapon na ay hindi pa din ako nito kinikibo. Hindi din siya pumapasok sa kwarto niya bagkus ay inuutusan lang nito ang ibang tagapagsilbi upang alagaan ako. Kaya naman nang sumapit ang gabi ay hindi na ako nakapag-pigil pa at lumabas ako ng kwarto ko upang kausapin siya. Tulog naman na ang mga tagapagsilbi kaya pwede ko siyang kausapin sa baba.

Nakita kong nakahiga siya sa may sofa. Nilapitan ko siya at doon nakita kong hirap siya sa paghiga sa maliit na sofa na yon.

"Uy! Wag kana magtampo. Please please please" ang paglalambing ko dito habang hinalik-halikan ko ang buo niyang mukha. Hindi ako kinibo nito bagkus ay tumalikod ito sa akin.

"Hay sige kung ayaw mo dun nalang ako sa lalaki ko matutulog ngayong gabi. Alam kong aalagaan niya ako at ipagluluto niya ako ng masarap na lugaw" ang pagpaparinig ko dito kahit na ang totoo ay wala naman akong ibang lalaki.

Nakita kong unti-unti siyang humaharap sa akin at mariin akong tinitigan.

Tahimik...

Wala siyang ibang sinabi bagkus ay tinititigan lang ako nito. "Oh bakit?" ang wika ko. "Sabi na nga ba mau iba kang lalaki e" ang nagtatampong tugon nito. "Mas gwapo ba sa akin yan?! Mas matangkad?! Mas mayaman?!" ang galit na tanong nito. "Oo. Grabe ang ganda ng katawan niya, tapos sobrang laki ng bahay nila. Grabe! Hindi ko maipaliwanag! Kaya dun nalang ako kung magtatampo ka sa akin!" ang banta ko sa kanya.

Nakita ko namang sumeryoso ang mukha nito at saka tumalikod. "Isara mo nalang yung pinto kung aalis ka" ang rinig kong sabi niya.

"Ano?! Hindi mo manlang ako pipigilan?! Grabe ka!" ang reklamo ko dito dahilan upang muli siyang humarap sa akin. "Oh? Akala ko ba aalis kana?" ang sabi nito at tila nang-aasar pa ang loko.

"Che! Sorry na kasi! Tsaka nagugutom na ako! Tara na sa kusina magluluto ako" ang sabi ko dito.

Dali-dali ko siyang hinila papunta sa kusina.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon