First Light

144 3 0
                                    

"Sir Rolf, pinasasabi ni Don Pablo na ikaw na muna ang bahala sa apo niyang si Master Craig dahil mawawala siya ng ilang linggo dahil sa mga papeles na nilalakad niya" ang bungad na sabi sa akin ng tagapagsilbi silbi ni Don Pablo nang makababa ako galing sa aking silid.

Habang nag-uusap kami ay nakarinig kami ng malalakas na sigaw mula sa labas. "Asan ang susi ng mga sasakyan ko?!" ang malakas na sigaw mula sa labas. Alam kong si Master Craig iyon kaya dali dali akong lumabas para tingnan ang nangyayari.

"Ano pong problema Master Craig?" ang tanong ko rito. "Alam mo kung ano ang problema? Ikaw! Sa tuwing nakikita ko ang pangit mong mukha, nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay! Masyado kang pakialamero!" ang sigaw nito sa akin at pagkatapos ay umalis na sa harapan naming lahat. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Sinundan ko siya at kinausap.

"Master" ang pagtawag ko sa atensyon niya. "Ano nanaman?! Di ba sinabi ko sa'yo, ayaw kitang makita?! Ang sama ng mukha mo!" ang patuloy na pang-iinsulto nito sa akin.

Sobra na, hindi ko na kaya. Sobra na ang galit na nararamdaman ko.

Ngumiti ako at tumayo ng tuwid. "Sa tingin ko Master, mas mabuti nang magkaroon ng pangit na mukha kesa magkaroon ng pangit na ugali na gaya ng sa'yo. Tama ba?" ang matapang kong sabi habang hindi maalis ang ngiti sa aking labi na lalong nagpapa-inis sa kanya.

"Anong sinabi mo?! Ulitin mo nga?!" ang galit nitong sabi. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko nalang na mabilis niya akong sinuntok sa labi. Agad akong bumagsak sa lupa. Patuloy niya akong pinagsususuntok.

"ANG SABI KO MASAMA ANG UGALI MO! KUNG ALAM MO LANG KUNG PAANONG NAHIHIRAPAN SI DON PABLO DAHIL SA UGALI MO! WALA KANG KWENTANG TAO LALONG LALO NA ISA KANG WALANG KWENTANG APO!" ang lakas loob kong sabi. Tila nahimasmasan siya sa aking sinabi at hindi na niya naituloy ang suntok niya sa akin.

"Tama ka, wala akong kwentang tao" ang mahinahon niyang sabi sabay alis sa pagkakadagan sa akin. Tila ba ang mabangis na oso ay naging isang maamong tupa.

Tinulungan ako ng mga tagapagsilbi na tumayo. "Pasensya na sa ginawa ko" ang paghingi ko ng patawad sa mga tagapagsilbing nakita sa pag-aaway namin. "Tama lang ang ginawa mo Sir Rolf. Kami rin ay hindi na makatiis sa ugali ni Master Craig. Masyado siyang masungit at bugnutin" ang sabi naman nila. "Kahit na. Isa lang akong tagapagsilbi at siya pa din ang amo natin"

Tuloy tuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Siguro dito muna ako hanggang sa makapag-isip isip. Gabi na ng mapagpasiyahan kong bumaba para ipaghain siya ng makakain. Alam nyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko.

Pagkatapos magluto ay kumatok na ako sa kwarto niya ngunit walang nagsasalita kaya naman nagpasiya akong bukasan na ang pinto ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya, nakatalikod sa pinto.

"Master? Eto na ang hapunan mo" ang sabi ko. Sinusubukang kunin ang atensyon niya. Ngunit hindi siya nagsalita.

Lumapit ako sa kanya upang gisingin ngunit nung paghawak ko sa kanya ay grabe ang init ng katawan niya. Kaya naman dali dali akong kumuha ng bimpo at tubig para ipatong sa noo niya.

Sa pagpupunas ko sa katawan niya ay bigla siyang umungol ng mahina at tsaka nagising. "Anong ginagawa mo dito?" ang tanong niya. Bakas sa mukha niya na hindi maganda ang pakiramdam niya at pagkabigla dahil andito ako ngayon sa kwarto niya at inaalagaan siya pagkatapos ng away namin kanina.

"Master, nilalagnat ka kasi kaya pinupunasan ko ang katawan mo" ang sabi ko dahilan para bigla siyang bumangon. "H-ha?! Bakit mo pa pinunasan ang k-katawan ko?" ang sabi nito at biglang pinamulahan ng mukha. Alam ko na ang dahilan kaya medyo natawa ako ng bahagya.

NIGHTFALL [DXP 2018]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon