Chapter 20: Lost

79 1 3
                                    

"Kapag nagmahal ka, kakambal niyan ang sakit. Ayos lang na padaplis daplis si pain.. Pero pag sumosobra na, then I think it's time to give yourself some love and let go.."

Chapter 20:

Audette's POV:

Kakausapin ko siya ngayon. Desidido na ako. As in. He needs to know about our baby..

Andito ako ngayon sa harap ng building na pinagtratrabahuhan ni Renz. I went it at dumiretso sa reception.

"Ms? Anjan po ba si Renz Monostero?"

Tinaasan ako ng kilay ng babaeng nasa desk. Ang taray ni ateng. Sayang nga lang walang ipagtataray sa katawan hehe joke lang po.

"Why?"

"Ah ano po, I need to tell him something important kase.."

"Kaano-ano ka ni Sir?"

Sir? Ganun ba kataas ang posisyon ni Renz dito? Ang galing naman ni Love hehe

"Girlfriend niya ako." sabay ngiti sakanya ng pagkatamis tamis

Tumaas nanaman yung kilay niya! Hala ubod ng taray si ateng naku , buti sana kung may karapatan siya magtaray :(

"Oh. Miss, teka lang . You mean to say girlfriend ka ni Sir Monostero? Oh my. You gotta be kidding me." hinead to foot niya ako

Aba. Well sorry na lang siya pero sino siya para ihead to foot ako.

"Look. Just call him. Tell him si Claudette."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagsimula na magdial sa telepono to call Renz.

"Hello po sir?.... May naghahanap po sainyo Claudette daw po.. Opo.. S-sorry po.. Okay po.. Yun din po sabi ko saka-.."

Pfft. Binabaan haha. Di ko matago ang ngisi ko.

"Oh ano? Sabi sayo eh. Girlfriend niya ako pahi--"

"Wala daw siyang kilalang Claudette."

Para akong nabuhusan ng malamg na tubig. What? Haha.. Now that's a joke.

"Saan ang office ng boyfriend ko?."

"Look walang kilala si Sir na Claudette now please go."

Hindi ako nagpatinag sakanya at tinignan ang directory and saw my boyfriend's last name. Sa top floor? Well okay, yun ang nakasabi sa directory so imposibleng magkamali yun.

Hindi ko na pinansin ang tawag saakin ng mga tao sa lobby at pumasok agad sa elevator hitting top floor button.

Nang makarating ako sa top floor ay parang may kung anong kumabog sa dibdib ko na hindi ko maexplain kung ano.

Ang ganda naman dito sa opisina ni Renz, puro mayayaman ata nandito eh, buti nakapasok si Rez dito hehe

Nakuha ko pang ngumiti habang naglalakad when I saw a big double door sa hallway, at hula ko doon opisina ni Renz since yun lang ang nagiisang pintuan sa buong floor.

Hawak hawak ko ang tummy ko kung nasaan ang baby ko, but there's this pain na nararamdaman ko sa may dibdib ko na parang pinipigilan akong buksan ang pintuan na yun

May naririnig ako tawa.. tawa ng babae, pati na rin ang tawa ng lalaki..

I mustered up all my courage and opened the damned door and how I wish hindi ko binuksan..

Every BITCH has a Story (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon