chapter 1

25.4K 234 27
                                    

jm_brosas thank you sa cover😍 sa wakas nagamit ko na rin😊😘...

GUYS, FOLLOW N'YO PO SI jm_brosas and check out her stories... nakakatawa at nakakakilig po.💙

Thank you😊

ERRORS AHEAD!

Halos mabingi ako sa sigawan at tilian ng mga schoolmates ko dito sa loob ng school gym namin kung saan ay may practice game ang basketball team ng school namin.

Practice pa lang iyan pero parang magunaw na ang buong lugar sa sigawan at cheer ng mga nanood.

Iyong iba sa mga ito ay siguradong nag-cutting classes pa para mapanood ang MD basketball team o mas tamang sabihin ay ang mga naggwagwapuhang members ng team.

Kahit nga ako ay parang gusto nang maglaway sa mga muscles na nakadisplay.

Walang kakurap-kurap kong pinanood bawat pagtakbo at pagdribble lalo na ang pagshoot ng captain ball na si Vien Hendrix Veron.

Ang sarap talaga panoorin maglaro ng aking "pangarap".
Kahit basang-basa na ito ng pawis ay parang ang bango-bango parin nitong tingnan.

" Oy! Maria Clara! Wag masyadong pahalata, iyong laway mo tumutulo,"  nakangising saway sakin ni Jess.

Inirapan ko lang ito at pinagpatuloy ang panonood sa lalaking laging laman ng mga wet dreams ko.

"Maria Clara... Umayos ka muna diyan. Ang sama ng tingin sayo ni Cheska oh,"  singit naman ni Dianne.

Silang dalawa ni Jess ang pinakamatalik kong kaibigan na nakakaalam sa pagtingin at pagnanasa ko kay Vien Hendrix Veron.

"Ano naman ngayon? Di naman siya official girlfriend ah! Kalandian of the week lang siya noh"  masungit kong sabi.

" At ikaw naman ang official best friend! Maria Clara best friend ka ok, hindi girlfriend. "

Para naman akong nalugmok sa sinabi ni Jess. Iyon na nga eh, best friend lang ako! Saklap bes, bigti na dis.

Napabalik sa court ang atensiyon ko nang muli ay magsigawan ang mga nanonood.

Tapos na pala ang laru at iyong "pangarap" ko papunta sa akin.

Ang sarap ng pagkakangiti niya parang lalo akong inaakit.

"Clara," paanas nitong sabi at walang babalang bigla akong binuhat at inikot-ikot!

Juicecolored! Ang muscles mga bes, ramdam na ramdam ko!

" Vien!! Ibaba mo ako! Ang baho-baho mo! Kadiri ka!"  tumitili kong sabi pero echos lang!

Ang bango niya kaya, sarap dilaan ng pawisan niyang katawan! Ang landi ko!

Tawa lang ang sinagot nito at mas lalo pa akong idinikit sa pawisan niyang katawan habang pinapahid niya sa mukha ko ang pawisan niyang mukha.

Lord! Heaven na dis! Ang bango lang at ramdam ko iyong matitigas niyang muscles.

Pero dahil nga bestfriend lang ang role ko ay pilit akong nagpupumiglas upang makawala sa matitigas niyang bisig kahit gustung-gusto kong manatili doon habambuhay.

Dahil sa pag-iwas ng mukha ko ay sa leeg ko na lang niya isiniksik ang pawisan niyang mukha. Nakikiliti ako!

Lihim akong napasinghap nang pagigil niyang kinagat ang leeg ko. Sheeti, otso, nueve! Nag-iinit ang dugo ko!

She's Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon