May kung anong nagpagising sa akin. Inaantok kong minulat ang aking mga mata.
Kasalukuyan akong nakahiga sa isang pamilyar na silid.
Nandito pala ako sa bahay namin? Umandar na naman ang pagkaloka-loka ko.
Anong nangyari? Teka, may nangyari ba? Kung meron man... 'di ko maalala pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Agad na nabaling ang pansin ko sa pagbukas ng pinto at pagpasok ng 'di ko kilalang tao.
Nangunot ang noo kong napatitig sa kanya. Gwapo siya. Tsk, ang landi ng utak ko.
Malungkot ang kanyang mga matang puno ng damdaming nakatitig sa akin.
"Sino ka?" bigla ay naalarma kong tanong nang akma siyang lalapit sa kinahihigaan ko.
Bumadha ang gulat sa kanyang mukha dahil sa tanong ko pero mabilis ding nawala iyon na para bang emahinasyon ko lang ang nakita ko.
Di ko na hinintay na sumagot siya at agad akong bumangon mula sa pagkakahiga.
Bago ko pa ulit siya komprontahin dahil sa pagpasok niya dito sa silid ko ay sabay na pumasok sina Mommy at Daddy.
" Mommy... may nakapasok po sa bahay natin!" agad kong sumbong sabay turo sa lalaking 'di man lang kakitaan nang pagkabahala dahil nahuli ko siya at nadatnan pa mismo nina Daddy.
Ganito na ba ang member ng akyat bahay gang ngayon? Manatiling kalmado sa oras ng pagkabuko? Hanep naman niyon!
"M-Maria... " naguguluhang usal ni Mommy habang palipat-lipat ng tingin sa'min no'ng lalaking tinuro ko.
Mabilis ko agad ibinaba ang nakaturo kong kamay at mabilis na umiling-iling.
" I swear, Mom... 'di ko siya kilala! Bigla na lang siya pumasok dito sa silid ko!" Agad kong dumepensa dahil baka kung ano pa ang iisipin ng mga magulang ko.
"Anak, si Vien iyan," malumanay na sabi ni Daddy.
" V-Vien?" napaisip kong tanong. Sinong Vien?
Agad akong napahampas sa noo ko nang maalala ko kung sino si Vien.
"Tama! May usapan pala kaming pumasok nang maaga sa school. Pasensiya ka na Vien, nakalimutan ko," naiiling kong paumanhin kay Vien.
Ngayon ko lang naalala ang mukha niya, tumatanda na yata ako... pati mukha ng best friend ko ay nakakalimutan ko na.
Nang muli kong sulyapan ang mukha niya ay tsaka pa tuluyang luminaw sa isip ko na siya nga talaga si Vien. Naalimpungatan lang yata ako kanina kaya nawaglit sa isip ko iyong mukha ng best friend ko na secret crush ko.
" It's o-okay," emosyonal sa sagot ni Vien. Napatitig ako sa kanya, dinibdib niya talaga na hindi ko agad siya namukhaan?
Nang mapansin niyang nakakunot ang noo ko habang sinusuri ang mukha niya ay mabilis siyang tumikhim at ngumiti sa'kin.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko dahil sa pagngiti niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay namumula iyong pisngi ko. Lagi talaga akong kinikilig sa bawat ngiti ni Vien.
Nabaling ang pansin ko kay Mommy nang makita ko ang lihim nitong pag-iyak at ang pang-aalo rito ni Daddy. Naguguluhan akong napalapit sa kanila ni Daddy.
"Mom? May problema po ba kayo?" nag-alala kong tanong at sinilip ang malungkot niyang mukha.
Lalong lumakas ang hikbi ni Mommy kaya lalo akong nag-alala. Nagtatanong ang mga matang napatitig ako kay Daddy. Wala akong nakikitang pagkataranta o matinding emosyon sa mukha nito na para bang pangkaraniwang pangyayari na lang itong nasaksihan niyang pag-iyak ni Mommy.
BINABASA MO ANG
She's Maria Clara
RomanceShe's just his bestfriend but she loves him secretly. Ang tanong, siya nga lang ba ang may pagnanasa este pagmamahal? She's Maria Clara and this is her story... Cover by: @jm_brosas