Habang nasa biyahe ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko.
Halos di ko na napansin ang mga nadaraanan namin dahil sa panlalabo ng mga mata ko sa kakaiyak.
Di ko alam kung paano kami katagal nagbiyahe basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na akay-akay ni Daddy papasok sa pamilyar na lugar.
Ang Ramirez Tower na pagmamay-ari ng pamilya ni Tito Igop.
Di na ako nagtanong kung bakit dito kami tumuloy imbes sa bahay namin dahil alam ko naman ang dahilan.
Nandoon ang lahat ng mga iniiwasan naming alaala sa dati naming bahay at katabi ng bahay na iyon ay nandoon ang pamilyang nawalan nang dahil sa nangyari.
"Mark..." isang malamyos na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan ni daddy.
"Rhea...where's Igop?" bati dito ni Daddy.
Naalala ko siya, isa siya sa mga kapatid na babae ni Tito Igop.
"Busy siya kaya ako ang pinapunta niya. Handa na ang tutuluyan ninyo," malumanay nitong sagot.
Habang naririnig ko ang lamyos ng boses niya ay di ko maiwasang makadama ng kapayapaan sa kabila ng pinagdaanan ko sa araw na ito.
" Salamat Rhea."
"Don't mention it. Itinuturing na kapamilya ang sinumang kaibigan ng isang Ramirez," magiliw nitong sabi.
" Hello dear, remember me?" nakangiti nitong baling sakin.
"Kumusta po kayo ,Tita Rhea?" mahina kong bati sa kanya.
" Ikaw dapat ang kinukumusta ko. Kumain ka na ba?"
Sa tanong niya ay bigla kong naalalang di pa pala kami naghapunan at kanina pa lumubog ang araw kaya siguradong nalipasan na ako ng gutom.
Dahil sa mga nangyari sa araw na ito ay pati oras di ko na napansin. Parang ang daming nangyari.
"Come, ipahahanda ko sa resident chef ang paborito mo," masuyo niyang aya sa akin sabay lahad ng kamay niya.
Maganda si Tita Rhea, halata sa features niya ang pagiging Ramirez at dahil siguro sa maganda niyang ngiti kaya para akong nahipotismong nagpaubaya sa kanya.
Di ko na napansin ang maluwag na paghinga ng Daddy ko na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Dinala ako ni Tita Rhea sa isang malawak at modernong dining room.
Panay ang kwento niya sa akin habang tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
Ilang saglit lang ay nakalatag na sa harapan namin ang maraming putahe ng pagkain.
Di ko alam kung paaano niya nalaman lahat ng paborito ko.
Habang nakatingin sa sinigang na hipon ay bigla kong naalala kung paanong laging si Vien ang naghihimay niyon sa akin.
Naluluha kong iniwas ang tingin ko doon para lang mapabaling sa chicken curry na paboritong lutuin ni Mommy para sa akin.
Tuluyan na akong nawalan ng gana kaya nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang basong may lamang tubig at iyon na lang ang ininom ko.
"Mahirap lang iyan sa simula pero pag-tumagal na ay mababawasan ang sakit hanggang sa tuluyang mawala," sabi ni Tita Rhea.
Nang sulyapan ko siya ay mapang-unawa siyang nakamasid sa akin.
" S-Sorry po," may bikig sa lalamunan kong sabi habang pilit na pinipigilang maiyak.
"Don't be sorry if you're not at fault. Don't be sorry because you're hurt," pangaral nito sakin.

BINABASA MO ANG
She's Maria Clara
RomanceShe's just his bestfriend but she loves him secretly. Ang tanong, siya nga lang ba ang may pagnanasa este pagmamahal? She's Maria Clara and this is her story... Cover by: @jm_brosas