Dumaan ang mga araw, para akong nakatapak sa alapaap.
Ang saya ng feeling, ang haba ng hair, at ang ganda-ganda ko talaga dahil di lang hanggang best friend ang papel ko ngayon sa buhay ni Vien Hendrix Veron.
Level-up na mga bes! May something na dahil every night ay may nangyayari sa amin at kung minsan ay ginagawa din namin sa umaga, tanghali o di kaya hapon iyong masarap na lambingan.
Di pa malinaw kung anong meron kami pero pinanghahawakan ko iyong lagi niyang sinasabing,
sa kanya lang daw ako!
Hindi ako bagay pero handa akong magpaangkin kung si Vien ang aangkin sakin. Kahit di niya sabihin ay sa kanya lang naman talaga ako, katawan at puso!
Ang landi lang pero nasimulan ko na kaya lulubusin ko na ito! Kay Vien lang ako kahit di ko alam kung akin rin ba siya. Pagawan ko siya ng titulo para sigurado.
Pero, nitong mga nakaraang araw ay walang napapabalitang bagong flavor of the week si Vien.
Masyado siyang busy sa akin kaya di nakapagtatakang walang ibang babaeng nauugnay sa kanya at sisiguraduhin kong patuloy na maging ganun hanggang sa susunod na mga araw.
Masaya akong nagpunta sa school gym upang daanan si Vien at magpaalam sa kanyang mauna ako sa pag-uwi dahil tumawag sakin iyong isa sa mga katulong namin, umuwi daw si Daddy.
Pagdating ko sa gym ay iyong mga teammates niya lang ang nadatnan ko.
"MC! Naunang umuwi si Vien, may importanteng itinawag iyong Mommy niya," salubong sakin nung isa sa mga teammates niya.
" Ok, salamat," sabi ko at nagpaalam na riin agad sa kanila.
"MC, uuwi ka na?" nakasalubong kong tanong ni Karl na isa rin sa mga teammates ni Vien.
MC, ang tawag nila sa akin dahil iyon ang kagustuhan ni Vien. Ayaw niya kasing may ibang lalaking tumawag sa aking Maria Clara, siya lang daw dapat.
" Oo, sige Karl...una na ako," nakangiti kong paalam.
"Ingat ka," nakangiti ring sabi ni Karl bago ako tuluyang nakalayo.
Ilang minuto rin ang byahe bago ako nakarating sa bahay namin.
Bago ako pumasok ay sinilip ko muna ang katabing naming bahay na bahay nina Vien.
Sarado ang malaki nilang gate kaya di ako sigurado kung nasa loob ba siya.
Napabaling ang atensiyon ko sa bahay namin nang may marinig akong nabasag na bagay.
Napabilis ang hakbang ko papasok sa loob upang alamin kung anong nangyari.
" How could you do that to me? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ng anak natin!!"
Nagitla ako nang tumambad sakin ang galit na galit na mukha ni Daddy habang dinuduro ang umiiyak na si Mommy.
Anong nangyayari? Unang beses na nakita kong nag-aaway ang mga magulang ko at ganito kagalit si Daddy.
Ni minsan ay di ko pa nakitang nagalit si Daddy at lalong-lalo na sa Mommy ko pa mismo nakatuon ang galit niya.
"M-Mark...please, huwag mong sabihin kay Clara," umiiyak na hiling ni Mommy.
Tuluyan akong napahinto sa akma kong paglapit sa kanila.
"Anong gusto mong mangyari Clarissa na mapatawad kita sa ginawa mo sa akin? Na kalimutang dinadala mo ngayon ang anak mo sa ibang lalaki?" namumulang sigaw ni Daddy.
Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki ang mga matangnapatitig kay Mommy na humagulhol na sa pag-iyak.
Buntis si Mommy, sa ibang lalaki? Paanong nangyari iyon?
BINABASA MO ANG
She's Maria Clara
RomanceShe's just his bestfriend but she loves him secretly. Ang tanong, siya nga lang ba ang may pagnanasa este pagmamahal? She's Maria Clara and this is her story... Cover by: @jm_brosas