chapter 7

15.8K 200 20
                                    

Nahihiya ako.

Di ako makatingin kay Vien nang deretso.

Matapos ang nangyari sa amin ay di ko alam kung paano siya muling pakikitunguhan.

Ito na nga ba ang sinasabi kong ayokong magbago ang friendship level na mayroon kami dahil tiyak masisira ang mahigit sampung taon naming pagkakaibigan.

"Hey, what's wrong? May masakit ka bang nararamdaman?" may pag-alala sa boses na tanong sakin ni Vien at masuyong pinisil ang mga kamay ko.

Lalo tuloy ako di nakapagsalita dahil lalo ako nakaramdam ng pagkapahiya.

Kung kelan ako matapos bumukaka ay tsaka naman ako inatake ng hiya.

" Maria Clara, sweetheart, nagsisisi kaba sa nangyari?" malungkot nitong tanong habang matamang nakatitig sa mukha ko.

Mabilis akong umiling.

"Nahihiya kasi ako,"  mahina kong sabi at isiniksik ang mukha sa dibdib niya.

Nag-vibrate ang dibdib niya nang bahagya siyang tumawa.

" Huwag ka nang mahiya. Ang sarap mo kaya,"  malambing nitong sabi habang iniyakap ang mga braso sa baywang ko.

Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa sinabi niya pero mas tinawanan niya pa ako.

"What happened will never change you're standing in my life Maria Clara. You're still mine and because of what happened, you'll forever be mine,"  puno ng damdaming bulong sakin ni Vien at masuyo akong hinalikan sa ulo.

Mine?? Sa kanya ako pero akin ba siya?

Ano ang di magbabago? Ang pagiging best friend ko?

Saklap bes! Paasa ang abs ni Vien.

Di lang ang perlas ng silangan ko ang naramdaman kong masakit dahil pati ang puso ko ay bahagyang kumirot.

Napromote na ba ang pagiging best friend ko to more than best friend o friends with benefits na ang level namin ngayon?





" Oy ,Maria Clara...saan kayo nagpunta ni Vien kahapon?" nagdududang tanong sakin ni Dianne pagkapasok ko kinabukasan.

"Maghapon kayong hindi na bumalik sa klase,"  malisyosang sabat naman ni Jess.

" Umuwi lang kami. Nagkaproblema lang sa bahay," pagsisinungaling ko.

Alangan namang sabihin kong nilusob ng sundalo ni Vien ang kainosentihan ko.

Pangalan ko na lang ang inosenti sakin noh. Magpalit na rin kaya ako ng pangalan.

Natigil ang interrogation ng mga kaibigan ko nang biglang nagtilian ang mga kaklase namin.

Wala kaming klase ngayon dahil wala iyong isang instructor namin pero nag-iwan ito ng sit work kaya hindi rin kami pwedeng lumabas ng classroom.

"Oh shet, ang gwapo niya talaga,": natitilihang bulong ng babaeng pinakamalapit sa pwesto namin ng mga kaibigan ko.

" Hey,"  nakangiting bati sakin ni Vien na siyang dahilan ng tilian ng mga kaklase kong babae.

"Bakit ka nandito?",nag-iinit ang pisnging tanong ko.

" Bawal ba ako dito?"  nakataas ang kilay niyang tanong at basta nalang ako itinayo sa kinauupuan ko at siya ang naupo bago ako hinila paupo sa kandungan niya.

Kung noon ay normal lang sakin ang ganitong posisyon namin ngayon ay may halo na itong malisya lalo na at pagkaupong-pagkaupo ko ay narinig ko ang bahagyang pag-ungol ni Vien.

She's Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon