chapter 5

15.8K 177 6
                                    

Namumula iyong mukha ko habang iniirapan ko si Vien na pasipol-sipol lang habang hawak-hawak iyong kamay ko at sinasabayan akong maglakad papunta sa first subject ko.

Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko ang kawalan ko ng suot na panty habang itong kasama ko naman ay tila tuwang-tuwa pa.

Naiinis ko muli siyang inirapan. Napasimangot ako nung mapansin kong di masyadong halata iyong basang bahagi ng suot niyang school pants uniform dahil sa uri ng tela nito.

Unfair talaga! Pareho naman kaming nabasa kanina down there pero ako lang iyong nahihirapan ngayon.

"Hey, stop being grumpy,"  malambing nitong anas nang nasa pintuan na kami ng first subject ko.

" Masisilipan ako nito,"  pabulong kong sabi.

"Papatayin ko ang maninilip sayo,"  seryoso nitong saad.

" Di ako komportable!" nagmamaktol kong sabi.

"Tingin mo ako komportable?"  taas-kilay nitong tanong.

Naeskandalo akong napatingin sa paligid nang walang pakundangan niyang ipinadama sa palad ko ang matigas at umuumbok niyang hinaharap.

'Vien!" gigil kong saway sa kanya at pilit binabawi ang kamay ko baka may makakita samin.

Gusto ko nang pagpawisan sa pinaggagawa ng lalaking ito.

Ang loko para pa siyang mas natutuwa sa pagkakataranta ko na baka may makapansin sa'min.

" Easy. Relax, late ka na kaya I'm sure ikaw na lang iyong pakalat,-kalat sa labas ng classroom. "

Bwesit! Late na nga pala ako! Pairap ko siyang tinalikuran at papasok na sana sa classroom nang pagigil niyang pinisil ang puwet ko!

Ang lokong ito! Nang lingunin ko siya ay nakangisi na siyang paatras na naglakad palayo sakin.

Pairap ako tuluyang pumasok sa classroom ko , good luck to me na lang!



BUONG klase naming lutang ako.
Buti na lang at di ako pinagalitan kanina nang pumasok akong late.

Kahit sina Jess at Dianne na mga kaklase ko ay nagtataka na rin sa kawalan ko sa focus.

Di rin ako komportable sa pagkakaupo dahil masyado akong conscious na baka konting galaw ko lang ay masilipan ako.

One inch above the knee iyong uniform naming skirt kaya tuwing umuupo ay nabibitad ito pataas kaya panay ang hila ko niyo pababa.

"Oy! Maria Clara, masakit ba tiyan mo?"  pabulong na tanong sakin ni Jess na siyang pinakamalapit sa kinauupuan ko.

"W-what?"  nauutal kong tanong.

Masyado pa namang matang-lawin itong kaibigan kong ito baka kung ano na ang napapansin nito.

" Kanina ka pa di mapakali diyan na parang natatae."

"G-gutom na kasi ako,": palusot ko.

Tinaasan lang ako nito ng kilay na para bang di naniniwala sa sagot ko.

" Maria Clara Servantiz!"

"Po!"  agad akong napatayo nang tawagin nung professor namin ang pangalan ko.

Naghagikhikan naman iyong mga kaklase ko.

" Yes Ms. Servantiz? I'm just checking the attendance,"  kunot-noong sabi ng professor namin.

Nagtataka siguro siya kung bakit ako napatayo.

Nahihiya naman akong napaupo habang naririnig ang tawanan ng mga kaklase ko.

She's Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon