chapter 11

9.5K 187 25
                                    

Pagdating namin sa Iligan City ay agad kami sumabak sa debriefing kasama ang ilang mga sundalong magsilbing escort namin papasok sa mismong lugar ng kaguluhan.

Di natapos ang buong araw ay nasa mismong lungsod na kami ng lugar na halos wala nang natirang establishment dahil sa nagdaang mga engkwentro ng militar at mga terorista.

Pinayagan na ang mga sibilyang katulad namin na makapunta dito dahil kasalukuyan nang na-control ng militar ang buong lugar at natugis na nila ang mapaminsalang grupo ng mga terorista.

Agad na nagtayo ng mga temporary tents sa paligid ang mga kasamahan naming volunteers habang iyong iba naman ay kasama kong inihanda ang mga gamit namin para sa medical check-up na gaganapin ng mga volunteer doctors naming kasama.

Ilan din sa mga kasama namin ang nagsimula nang magbigay ng mga grocery items at relief goods sa iilang mga taga dito na nagsilapit sa kinaroroonan namin.

Ilang sandali lang ay dinagsa na kami ng mga tao, mapabata man o matanda, lahat sila ay biktima at survivor ng nangyaring kaguluhan.

Naging busy kaming lahat sa pag-aasikaso sa mga nagpunta.

Kasalukuyan akong nagpapakain ng isang bata na katatapos lang nagamot iyong sugat niya sa braso na dulot ng ligaw na bala nang may ilang mga malalaking vans ang namataan naming papalapit sa pwesto namin.

May mga kasama ding military escort ang mga delivery vans at mukhang tulong din para sa mga taga dito ang laman ng mga ito.

"Mukhang di lang tayo ang magbibigay ng tulong ah,"  narinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan kong nasa malapit.

"Galing gobyerno ba iyan?"

"Mukhang hindi, di ba logo ng VN-Lmtd iyang nasa mga vans?"

Lalong nakuha ang atensiyon ko dahil sa tinutukoy ng mga kasamahan ko sa kwentuhan nila.

VN-Lmtd.

Ang kompanyang iyon ay may koneksiyon sa isang taong kilala ko.

Bilang kompirmasyon ay isang pamilyar na babae ang bumaba mula sa isa sa mga sasakyang kasama ng mga delivery van.

Limang taon na ang lumipas pero parang wala pa rin siyang pinagbago.

Limang taon na ang lumipas pero bakit ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng minsan niyang pagtataksil.

Bakit nandito siya? Anong koneksiyon niya sa VN-Lmtd?

"Clara," may kislap ng katuwaan sa mga mata niyang bati sakin.

Sa lalim ng iniisip ko ay di ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.

" Kumusta ka na, anak?" muli ay tanong niya.

Di ko pa rin nagawang sumagot sa tanong niya dahil puno ng katanungan iyong utak ko.

"Ang tagal mong di umuwi. Namiss kita,"  may bikig sa lalamunang anas nito.

Pansin ko ang matinding pagpipigil niya na yakapin ako na ipinagpasalamat ko rin.

Di ko kasi alam kung paano ko siya pakikitunguhan matapos ang ilang taong paglayo ko.

Di ko nga alam na malalaman niya ang pagdating ko ng Pilipinas dahil kahit si Daddy ay di alam na dadating ako.

" May trabaho pa po ako. Excuse me po," pormal kong sabi at akmang tatalikuran siya nang mapansin ang pamilyar na lalaki sa likuran niya habang may kargang batang babae.

So, matapos ko palang umalis ng Pilipinas ay tuluyan na nga silang nagsama ni Tito Henry.

Ngayon, alam ko na kung ano ang koneksiyon niya sa VN-Lmtd o mas tamang sabihin ay sino .

She's Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon