Bobo!
Tanga!
Stupida!
Marupok!
Malandi!
Piste!
Ganito ba talaga ang pag-ibig? Ang tagal matanggal sa sistema na kahit ilang taon ang lumipas ay para pa ring kahapon lang.Gusto kong ngumawa dahil sa katangahang ginawa ko.
Isipin mo, matapos ang limang taon ay nauwi agad sa kama ang una naming pagkikita ng lalaking kahit kailan ay di ko pwedeng mahalin.
Kahit na nandito pa rin siya sa puso ko ay di kami pwede.
Pilit kaming pinaghihiwalay ng mga pangyayari sa nakaraan.
Alam kong galit na galit siya sa Mommy ko dahil sa nangyari sa pamilya niya at imposibleng di niya naalala sa'kin ang sarili kong ina.
Pakiramdam ko nga, habang inaangkin niya ako ng paulit-ulit ay para na rin niya akong pinaparusahan sa kasalanan ng aking ina.
Magdamag niya ang pinaparausan kaya siguro naman, bayad na ako.
Nanginginig ang mga tuhod ko at napapangiwi ako bawat hakbang dahil ramdam ko ang hapdi na dulot ng kapusukan ni Vien.
Kahit nanlalata ang katawan ko at halos naubusan ako ng lakas ay kailangan kong umalis habang tulog pa siya.
Mag-uumaga na , di niya ako pwedeng magisnan.
Tama na iyong magdamag na pagpakasasa namin sa katawan ng bawat isa.
Painot-inot akong naglakad palabas ng suite na kinaroroonan namin habang sinasanay ang sarili ko sa hapdi ng pagkababae ko.
Papaliko na ako sa isang pasilyo nang mamataan ko ang pinakagwapong Ramirez na nakapamaywang kaharap ang isang maliit na babaeng nakasalamin ng makapal at nakasuot ng damit pangmanang.
"Hoy! Lalaking pangit! Maputi ka lang kaya huwag kang mag-feeling gwapo! Huwag mo akong ma-english-english dahil pag ako napikon sayo! Ubos ang lahi mo!!" galit na galit na sigaw ng babae.
Naaliw akong pinagmasdan ang pagsalubong ng kilay ni Tyron at ang pagdilim ang mukha niya habang kuyom ang kamaong tinitigan ng masama iyong babae.
Wow! May babae talagang immune sa charms ni Tyron Ramirez dahil imbes na humanga sa gwapong mukha nito kahit galit, ay umismid pa iyong babae at umirap.
" Paano ka nakapasok dito sa hotel?" dumadagundong na tanong ni Tyron sa babaeng di ko nakitaan ng takot sa mukha.
"Ay tanga! Di na nga gwapo may kabobohan pa. Kung paano ka nakapasok, ganun din ako!" naiiling na sagot ng babae at pahalukipkip na pinasadahan ng tingin ang nanginginig na sa galit na si Tyron.
" Di nababagay sa hotel na ito ang pangit na katulad mo!" mapanlait na sabi ni Tyron.
Ang talas talaga ng dila ng lalaking ito.
"Aysus! Kung makapangit naman ito, parang ang gwapo niya. Malabo ang mata mo? Alam mo bang sa probinsiya namin ay pinipilahan itong kagandahan ko," mayabang na sabi nung babae.
" E di umuwi ka doon sa probinsiya niyo! Walang taste ang mga lalaki doon!"
"Makalait ito, akala mo naman may taste siya eh iyong kasama mo namang babae kanina, puro boobs lang walang hitsura!"
"At least, may boobs...ikaw? Wala ka lahat!"
"Isampal ko kaya ito sa mukha mo!"
"Ang alin? Iyang hinaharap mong parang likod mo na rin?"
" Aba't hinahamon mo talaga ako!"
Napatakip ako ng bibig nang bigla ay mabilis na hinubad nung babae ang suot niyang malaking blouse.
BINABASA MO ANG
She's Maria Clara
RomanceShe's just his bestfriend but she loves him secretly. Ang tanong, siya nga lang ba ang may pagnanasa este pagmamahal? She's Maria Clara and this is her story... Cover by: @jm_brosas