chapter 2

16.7K 206 3
                                        

Pagdating sa bahay ay nakahanda na ang hapunan namin. Nasa business trip iyong parents niya at iyong parents ko naman ay nagbakasyon outside the country kaya kami lang dalawa ni Vien kasama iyong mga katulong.

"Di ka sasaglit sa bahay niyo?"  tanong ko sa kanya matapos naming maghapunan.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko. Naghahanda na ako para matulog habang siya naman ay mukhang tutuloy sa party ni Cheska.

" Nah ,di naman mawawala iyong bahay namin. Nasa kabila lang iyon oh,"  nakangisi nitong sabi at nagtanggal na ng damit sa katawan.

Normal lang samin ang ganito dahil simula bata ay ginagawa na namin ito pero di ko pa rin maiwasang pagmasdan ang perpekto niyang katawan. Nakakatulo-laway bes!

"Di ka pupuntang party?"  taka kong tanong nang agad itong sumampa sa tabi ko.

" Dito lang ako, wala kang kasama. Nood nalang tayo ng spongebob,"  malambing nitong sabi habang ini-on na ang flat screen tv dito sa kwarto ko gamit ang remote na inabot nito mula sa nightstand.

Lihim akong nagdiwang sa sinabi niya. Buti naman at di siya nagpadala doon sa Cheska "boobita" na iyon.

Mabilis akong pumasok ng banyo upang maglinis ng katawan para matulog.

Nakatapis lang ako ng towel habang lumabas ng banyo. Wala kasi akong dalang pamalit.

Pumasok ako ng walk-in closet at kumuha ng malaking t-shirt at sinuot iyon. Pinili ko ring isuot ang g-string panty ko na kabibili ko lang.

Paglabas ko ng walk-in closet ay engross na sa pinapanood si Vien. Walang kakurap-kurap na para bang maglalaho si Spongebob kung kukurap siya.

Napangiti akong tumabi sa kanya at nakinood din. Sino bang mag-aakalang ang pinaka-hot na estudyante ng MD University ay mahilig sa cartoons?

Pakahiga ko ay agad akong kinabig ni Vien payakap sa kanya. Oh! What a life! Heaven na dis!

"Vien.."

"Uhmm?"

"Girlfriend mo ba si Cheska?"

Imbes na sumagot ay natatawa lang si Vien na bumaling sakin at pinitik ang noo ko.

"Oy! Sagutin mo nga ang tanong ko,"  pangungulit ko sa kanya nang muli ay bumaling siya sa palabas.

Isang tawa lang ang sinagot niya at walang babala niya akong kinabig padapa sa katawan niya.

Mukhang may ideya na ako kung paano ako laging nagigising sa ibabaw ng katawan niya.

Napasinghap ako sa ayos namin.
Ramdam na ramdam ko ang matigas at malaking umbok niya na nakatutok mismo sa nakabukaka kong hiyas.

Shit! Ang sarap umindayog!

" Wala akong girlfriend. Ikaw lang..."  masuyo nitong sabi at hinalikan ako sa noo.

Parang gusto kong magtatalon sa narinig ko kahit iba ang kahulugan niya sa sinasabi niyang "girlfriend". Babaeng kaibigan lang ako, pak! Bigti na dis! Talon -bangin!

" Pero, may gusto sayo yon eh!"

"Wala akong gusto sa kanya."

"Pero, pinapansin mo siya kaya umaasa siya."

"E di hindi ko na siya papansinin kung ayaw mo,"  kibit-balikat nitong sabi sabay upo kasama ako kaya nakasaklang tuloy ako sa kandungan niya.

"Oy! Wala akong sinabing ayaw kong pansinin mo siya!" defensive ako, I know...kasi nga mahal ko, di ba?

"So, okay lang sayo na pansinin ko siya?"  nakangisi nitong tanong.

" Ewan ko sayo!"  nakairap kong sabi dahil ramdam kong inaasar na niya ako.

She's Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon