Nagmahal ka na ba?
Nang sobra-sobra?
Iyong pagmamahal na kahit di ka niya nakikita ay masaya ka pa ring tinatanaw siya... masaya ka pa ring naging bahagi ng buhay niya.
Mga alaala....iyon ang nagbibigay kulay sa buhay ng bawat tao.
Mga masasayang alaala na nagpapangiti sa atin sa gitna ng problema at iyong mga alaala sa buhay natin na ayaw na nating balikan.
Mga alaalang minsan ay pilit nating kinalimutan pero nakaukit pa rin sa ating puso't isipan.
Pero sadyang may mga bagay na kahit nakatatak na ay nakakaya pa ring burahin.
"Maria Clara... papadilim na, uwi na tayo."
Isang ngiti ang sinalubong ko sa taong kumakausap sakin.
Ang sabi nila simula nung magising ako mula sa dalawang taong pagkaka-coma ay malaking bahagi raw ng buhay ko ang lalaking ito.
Kahit anong pilit ko ay di ko maalala ang naging papel niya sa dati kong buhay.
Sabi nila, mahal ko raw ang taong ito.
Mahilig pala ako sa gwapo, iyon ang nasisiguro ko dahil di naman talagang maitatanggi ang kagwapuhang taglay ng isang Vien Hendrix Veron.
Di ko rin lubos maisip na mahal daw ako ng lalaking ito.
Marami silang naikwento sa'kin. Mula doon sa pagkakaibigan ng pamilya namin, ang nangyaring pagtataksil at maging ang pagkawala ng isang buhay.
Umabot din ang kwento nila hanggang sa paglayo ko at sa nangyaring aksidenti.
Nung magising ako ay ang masasabi kong pinakanakakatakot na nangyari sa akin.
Nagising ako sa isang silid na di pamilyar kasama ang mga taong di ko kilala.
Mas nakakagimbal pa ay maging sarili ko ay di ko kilala.
Ilang buwan na mula nung magising ako at hanggang ngayon ay di ko pa lubos matanggap sa sarili ko na isang malaking bahagi ng pagkatao ko ang pinangangambahan kong di na muling magbabalik pa.
"Come, Maria Clara...hinahanap na tayo ni baby Clarrence."
Clarrence..., isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
Siya ang nagbibigay sa'kin ng seguridad sa magulo kong mundo.
Siya ang masasabi kong kayamanang nagmula mismo sa akin, ang aking anak.
Ipinagbubuntis ko siya habang na-coma ako at nung isinilang ko siya ay ilang buwan pa muna bago ako tuluyang nagising.
"Gusto ko nang makita si Clarrence," nakangiti kong pahayag.
Isang masuyong ngiti ang binigay sakin ni Vien bago niya ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko.
" Hinihintay na niya tayo sa bahay," wika ni Vien at tuluyan na akong hinila papuntang sasakyan.
Simula nung magising ako at naging maayos iyong kalusugan ko ay lagi niya akong dinadala sa mga lugar na rati raw naming pinapasyalan sa paghahangad na may maalala ako sa nakaraan.
Gabi-gabi , ay nagigising ako dahil sarili kong hikbi.
Di ko alam kung ano ang dahilan ng mga luha at ng pighating gabi-gabing dumadalaw sa panaginip ko na tuwing nagigising ako ay di ko na rin naalala.
Gabi-gabi ring nagigisnan ko si Vien na sinasabayan ang pag-iyak ko.
Ang mga luha at hikbi niya ay mas lalong dumagdag sa nararamdaman kong paninikip ng dibdib.
BINABASA MO ANG
She's Maria Clara
RomanceShe's just his bestfriend but she loves him secretly. Ang tanong, siya nga lang ba ang may pagnanasa este pagmamahal? She's Maria Clara and this is her story... Cover by: @jm_brosas