Janel's POV
2 weeks nalang daw ang kakailanganin bago matapos ang mga papeles na inaasikaso ni Tita Sav para sa pag-alis namin papuntang Canada. I need to talk with Nicole para malaman na niya to.
I went to her house. Malapit lang naman dito yun and as expected, siya lang ang tao dun. Wala kase ang parents niya. Both of them are working. Pumasok ako sa bahay nila and started talking to her.
"Nics, pwede ba tayong mag-usap?" umpisa ko sa topic
"Oh ano ba yun, Janel? Parang napaka importante nyan ah. Pumunta kapa dito"
"Oo, Nics. Malapit na kase ang alis namin eh" pabulong kong sabi sa kanya. Dahil sigurado, mabibigla siya.
"Aalis ka?! Where are you going? Iiwan mo na din ako? " sabi ko na nga ba. Yun ang magiging reaksyon nya. May mga nanggigilid ng luha si Nicole.
"No. I won't leave you!!! Kukunin lang kami ng Tita ko sa Canada and after ng College or maybe after 2 years, I'll be back" napapaluha na din ako dahil hindi basta basta ang samahan namin ni Nicole.
"How could you!? Hindi mo man lang pinaalam saamin kaagad" biro niya sabay yakap saakin.
"Nicoooole! Hindi pa naman ako aalis eh. May time pa tayo for bonding. Wag kang umiyak jan!"
"May holiday this week, right?"
"Oo, I think sa tuesday or wednesday yun eh. You wanna go out? " anyaya ko sa kanya.
"Syempre! 2 weeks ka nalang dito sa Pinas eh!"
Yinakap ko siya like she is my sister. Sa totoo lang, dahil only child ako, siya lang ang nagparamdam sakin ng magpapahal ng tunay na kapatid. I feel guilty kase di ko agad pinaalam sa kanya ang balak ng family ko.
"Sure! Mark the holiday. Labas tayo!"
Hindi nako nagtagal at bumalik muna ako ng bahay dahil may mga kailangan pa akong tapusin don. Nagpaalam ako kay mama na may sasabihin lang ako kay Nicole kaya dapat makauwi din ako kaagad. At baka nag-aalala yun.
Palabas na ako ng bahay nina Nicole, nakasalubong ko si Clyde sa daan. He was riding a bike. Nakita niya ako pero like he wanted, walang pansinan. Hindi din naman ako affected. Buti nalang din kinukuha kami ni Tita Savannah. I can take it as an advantage para malayo ako sa lalaking yun. I don't wanna be close with him like he also wanted. Deretso lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako saamin. My mom cooked my favorite food, Adobo! Kapag si mama ang nagluto, sigurado the best yun.
"Oh, halikana dito Janel! Let's eat our lunch..." dali-dali akong pumunta sa kusina.
"Alam mo talaga kung paano ako patabain eh ma!"
"Hay nako! Kumain kana nga!." she giggled
Umupo na ako at kumain na. Sumabay na rin si mama sa lunch namin.
-----------------------------------------------------------------Pagkatapos kong kumain ay naligo ako. Maya maya kasi ay aalis kami kasama ang mga barkada ko pati na rin si Nicole. We planned a bonding time. And thankfully, walang drawing ngayon. Napagkasunduan namin na mag-camping. Para din daw maging mas close pa kami. And memories na din siguro dahil ilang linggo nalang aalis na ako.
Kinuha ko ang camping bag ni papa. Naka-stock lang naman yun sa kwarto nina mama kaya yun nalang ang ginamit ko. I packed the things na kakailanganin ko and then nagbihis na.
Nasa loob ako ng kwarto at hindi ko alam kung anong susuotin ko.
After choosing clothes, sa pantalon din ang bagsak ko. I chose black skinny jeans, tapos yung red blouse ko with matching earings. I just put a light makeup and liptint. Hindi ako nagl-lipstick. Mas gusto kong ginagamit yung liptint eh. Hindi ko rin kinakalimutan ang panyo ko. Nang matapos na ang lahat, I paired my outfit with my favorite shoes.
After a few more minutes, narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Dennis. He is one of my classmate, naging kaibigan na rin. Siya yung naging partner ni Nicole sa activity namin noon sa school. I still remember! *giggle
Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam na kay mama..
Pagsakay ko sa sasakyan, I was shocked nung makita ko si Clyde sa loob. He was so charming sa suot niya. Kasama pala siya because he is a friend of Dennis. Pero syempre may kasunduan kami. I didn't bother him. Walang pansinan.
Habang nasa biyahe kami, hindi naiwasan ni Nicole na buksan ang topic about sa pag-alis namin.
"Guys, we should spent our time with Janel. After 2 weeks nasa Canada na'to" sabay tingin sa akin.
"We still have a couple of days, ano ba! Wag kayong malungkot!" sabi ko sa kanila bago pa magpaiyakan sa biyahe.
Hindi ko maiwasan na tumingin kay Clyde. His face shows his reaction. Kitang kita ang pagkabigla sa nalaman niya.
Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng pantalon ko. "Ahh. Bat lagi nalang eto ang nadadampot ko sa drawer ko?" sabi ko utak ko.
Yung panyo kase na yun, hindi ko alam paano yun napunta saakin. I know si mama lahat bumili ng mga panyo sa drawer ko. Pero yung isang to, iba eh. I think may nakaiwan lang sa bahay tapos tinabi nalang ni mama...
Anyways, tuloy lang ang biyahe namin papunta sa Clark. At itong mga kasama ko ay natulog na. Kaya naman nakinig nalang ako ng music sa phone ko. I used my headset and my favorite music played.
Clyde's POV
Isinama ako ni Dennis sa trip na ito and I didn't know na kasama pala si Janel sa bonding. I thought ibang tropa ang kasama niya. Hindi na ako naka-back out kase nandun na. Ayaw ko namang iwanan si Dennis.
Pero laking gulat ko nung inilabas ni Janel yung panyo.
Ganon na ganon yung panyo na binigay ko dun sa babaeng na-meet ko noon sa park.
"No! Baka nagkataon lang na pareho sila"
Pilit kong iniisip na hindi siya yon. May hawig din siya dun sa babaeng yun. Hindi ko lang masyadong nakita talaga yung mukha nung babae sa park kase umiiyak siya that time. Plus the information pa na nakuha ko from them. Janel is going to Canada after 2 weeks.
I was shocked sa biglaang pag-alis nina Janel. Hindi ko yun nabalitaan agad. Kung hindi pa siguro ako sumama sa trip na 'to, hindi ko malalaman.
Kung si Janel yung babaeng yun, bakit hindi niya matandaan yung araw na umiiyak siya sa park tapos nag-meet kami ?
"Janel and the girl that I was looking for is not the same person." I kept repeating that in my mind. Hanggang sa nakatulog ako ng di ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
The Girl I Was Looking For
Teen FictionShe is Janel. Because of an accident, she bacame a strong girl who will do everything just to accomplish the things that she wants. Until she met this guy who seems familiar to her, pero kahit anong gawin niya ay hindi na magawang maalala ang lalak...