Cyde's POV
Umalis kami ng bandang 2pm and now it's already 3:30pm. Bahagya lang pala yung tulog ko. Binaling ko ang tingin ko sa mga kasama ko sa loob ng sasakyan and they are all sleeping. Tinanong ko si Dennis na siyang driver ng sinasakyan namin.
"Dude, malayo pa ba?" atat kong sa kanya.
"Malapit na tayo, dude.. Wait a bit more" sagot niya habang nakatingin sakin sa salamin.
Tulog na tulog ang mga kasama ko dito lalo na si Janel. Nakalagay parin ang headset sa magkabila niyang tenga. Gusto ko silang gisingin pero mas pinili kong huwag nalang. Like what Dennis said, malapit na din naman kami eh. I just took a nap para di rin ako ma-boring.
After about 30 mins...
"Guys! nandito na tayo!" nagising ako sa lakas ng boses ni Dennis.
Nagising na din sina Nicole, Janel at iba ko pang kasama.
"Napasarap yata ang tulog niyo!" Dennis giggled.
"Kailangan namin ng sapat na lakas para sa camping, Dennis" sagot ni Janel na mapungay parin ang mata. I saw her a bit cute nang papikit-pikit p ang mga mata nya.
"Wow! So mean. Hindi nyo man lang ako inalala na driver nyo" Dennis said sadly na para bang kinokonsensya kami.
"Wag ka ngang magdrama jan, Dennis. We know you have a lot of energy! Napaka-ingay mo nga sa classroom natin eh. Like, hindi ka nauubusan ng enerhiya jan." pabirong sagot ni Nicole sa kanya with matching smirk.
"Hay nakooo! Tumigil na kayo sa pagbabangayan. Kailangan na natin maghanap ng mga gagamitin natin para sa camping." I said coldly. I saw Janel na tumingin sa akin nung sinabi ko yon. I dodn't know anong tumatakbo sa utak ng babaeng yun.
Janel's POV
Nakarating na kami sa camping site and hindi tumigil sa bangayan sina Dennis at Nicole na para bang aso't pusa. Narinig ko ang sinabi ni Clyde -- "Hay nakooo! Tumigil na kayo sa pagbabangayan. Kailangan na natin maghanap ng mga gagamitin natin para sa camping." he said coldly.
Napatingin ko sa kanya and I saw him looked at me. Kung nakakamatay ang tingin niya non, baka patay na ako. I just realized na kahit pala cold ang lalaking yun ay may konting concern parin sa mga kasama niya.
"Tsk. nag-aalala ka ba talaga para sa amin, or you are just hungry Mr. Alvarez?" inis kong sabi sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang inis nung sinabi ko yun. Inisnob niya lang ako at tumuloy tuloy siya sa paglalakad.
Lumapit ako kay Nicole at sabay kaming naglakad pati ang iba pa naming kasama. Kasabay naman ni Dennis si Clyde.
Maya-maya ay nakarating din kaming sa camping site at hindi pa ganon kadilimkaya nakapaghanap pa kami ng mga kahoy para sa camp fire. Tulong tulong kaming kumuha ng mga pwedeng magamit. Kaming dalawa ni Nicole, we fixed the tent. Hindi naman ganun kahirap mag-ayos kaya we managed to build it. Habang ang iba naman naming kasama ay nag-ipon ng mga kahoy na gagamitin. Nag-baon kami ng mga snacks like marshmallows na hindi mawawala sa mga camping. Nailagay nadin nila yung mga hindi gaanong malaking mga kahoy na pwede naming upuan. We started making fire gamit ang fire steel na dala ni Nicole.
"Grabe! hindi pala ganon kadali ang gumawa ng apoy! Sakit na ng kamay ko" inis kong sabi dahil ilang minuto na kaming nandoon at hindi parin kami nakakabuo ng apoy. Until Dennis came at tinulungan niya kami.
After ing ilang minuto, we made a fire. Nilagyan namin ito ng mga kahoy hanggang sa lumaki ang apoy.
Iniwan ko sandali si Nicole para kunin ang mga pagkain na dala namin ng mapansin kong wala sa paligid si Clyde.
"Dennis, hindi ba't kasama nyo si Clyde?" nag-aalalang tanong ko kay Dennis.
"Kanina kasama namin siya pero bigla nalang siyang nawala. Baka najan lang yun sa tabi-tabi" sabay kamot sa batok niya.
Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya lalo na't nagdidilim na. Baka kung saan siya mapadpad at delikado na. Maya-maya pa ay nakita ko si Clyde na may buhat-buhat na mga kahoy mamalapit sa camping site namin. Wala syang damit apng-itaas! Tinanggal na niya ang suot niyang polo dahil sa sobrang init. "He has a charming appearance!" sabi ko sa sarili habang nakatingin sa kanya. Kitang kita ang hubog ng katawan niya mula sa muscles niya sa braso hangga sa kanyang six-packed abs!
"Pasensya na, natagalan ako sa pag-kuha ng mga kahoy." he said coldly habang ibinababa ang mga buhat niyang mga firewood. Kung hindi lang talaga cold ang lalaking ito ay maagal ko na siyang naging ideal man! But I promised to myself na hindi muna ako papasok sa mga mapupusok na relasyon.
"Bro, pina-alala mo kami. akala ko saan kana napunta!!" sabi ni Dennis habang tinutulungan niya si Clyde sa mga kahoy na dala niya.
Matapos naibaba ang mga kahoy at kaagad na kumuha ng tshirt si Clyde sa kanyang bag at isinuot ito. Isang plain white tshirt lang naman ang kinuha nya kaya medyo kita parin ang hunog ng katawa niya.
Later on that night, natapos na ang pag-aayos at handa ka kaming maghapunan sa madilim na lugar na yon. Tanging ang liwanang ng nagbabagang apoy sa camp fire ang nagsisilbing ilaw namin. Kumain kami pero hindi ganon karami ang nakain ko. Maya-maya pa ay inilabas ni Nicole ang mga snacks at mga marshmallows at dinala kung saan kami naka tambay. While we are eating, nagku-kwentuhan sila about sa mga past nila.
"Clyde, ikaw naman, bro! Ano na ba ang mga karanasan mo? Ilan na ba naging girlfriend mo?" birong sabi Dennis sa kanya habang may hawak na softdrinks sa kanang kamay.
Hindi kumibo si Clyde, nagulat nalang ako ng bigla siyang nagkwento tungkol sa nakaraan niya.
"Dahil bago lang din ako sa batch na'to. Wala pa kayong alan tungkol saakin. About sa girlfriend bro, I had. Isa lang She left me. Mag-iisang taon na non kami tapos kinuha siya ng dad niya at dinala sa London. That time, hindi ko matanggap. Sabi nya saakin, after ng studies niya ay babalik din siya dito. Pero nawalan kami ng connection. Hindi na sya nagparamdam. Hanggang sa nabalitaan ko na may bago na siyang boyfriend. Sobrang galit ko sa sarili ko non at lalo na sa kanya. Hindi ko yun pinakita sa mga taong nakapaligid sakin. I just pretended na hindi ako affected. Tapos isang araw, pumunta ako sa isang park. That was 3 years ago. May isang babae akong nakita na naka-upo sa bench at umiiyak. I found out na iniwan siya ng boyfriend niya para sa ibang babae. Sinamahan ko yung babaeng yun nung araw din yun. Pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan. Sandali kaming nagkasama non pero ayaw niyang ipaalam ang kanyang pangalan. Hindi ko rin masyadong nakita ng maayos yung mukha nya kase umiiyak siya. I left a handkerchief for her to use it (napatingin sya saakin at sa hawak kong panyo) after that, hindi na kami nagkita nung babaeng yun. Hindi narin ako nainvolve sa mga babae mula noon." -- Clyde
Tahimik kaming nakinig sa kwento ni Clyde. Hindi ko akalain na may ganoon pala siyang karanasan. Pero yun ba ang dahilan niya kung bakit sobrang cold niya sa mga babae.?
"Hindi mo ba hinanap yung babaeng yun bro?" tanong ni Dennis kay Clyde
"Masyadong malaki ang mundo para hanapin ko pa siya bro." tanging sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Girl I Was Looking For
Teen FictionShe is Janel. Because of an accident, she bacame a strong girl who will do everything just to accomplish the things that she wants. Until she met this guy who seems familiar to her, pero kahit anong gawin niya ay hindi na magawang maalala ang lalak...