CHAPTER 12

31 10 2
                                    

Clyde's POV

Inabot na ako ng gabi sa building. Pauwi na sana ako ng marinig ko ang phone ko.

*ringggg! ringgg!*

I answered the phone call from Jacob

"Hello? is this Clyde? Pinsan ni Jacob?" narinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Yes, who is this?" tipid kong tanong

"Ohh, this is his friend. Tinawagan niya ako kanina at nagpasama siya." sabi ng babae

"Nasaan kayo ngayon? Nasaan si Jacob?"

"Yun na nga. Nandito kami sa isang bar. Lasing na lasing ang pinsan mo at hindi ko alam anong gagawin ko sa kanya. Please pick him up."

Dali dali akong lumabas ng building at nagpa-drive papunta sa bar na sinasabi ng babae. Alam ko ang bar na sinasabi niya dahil dun laging pmupunta ang pinsan ko pag broken hearted siya. An pinagtataka ko, maayos naman ang panunuyo niya kay Maecy, bakit siya pumunta doon?

Mabilis ang takbo ng sasakyan kaya agad kaming nakarating. Nakapagpalit na ako ng damit ko kanina sa opisina ni Tito Gab kaya hindi na ako mukhang studyante ngayon. I am wearing my casual wear. Pagpasok ko sa bar, nakita ko agad si Jacob na lasing na lasing at naka-upo siya sa tabi ng isang babae. Yung babaeng yun ang kaibigan niya na tumawag kanina.

Linapitan ko sila. Napag-alaman kong hindi pala pumasok ang pinsan ko. Maaga siyang umalis ng bahay kanina. akala ko may dadaanan siya.

"Hey, thanks for taking care of my cousin. Ako ng bahala sa kanya." pasasalamat kong sabi sa babaeng naka-upo sa tabi niya. Umalis na din ang babae at ako naman ay nagpatulong kay Manong Peter. Siya ang driver ni Tito Gabriel. Kahit matigas ang ulo ng pinsan kong ito, hindi ko siya kayang pabayaan na ganito ang sitwasyon.

Nang maisakay namin siya sa kotse ay tumuloy na rin kami sa pag-uwi. Maya maya ay bilang may sinasabi ang pinsan ko

"Maecyyy.. bakit... bakit moko pina..asa "

Mukhang alam ko na bakit ganito ang kalagayan ng pinsan ko ngayon. Hindi ko na siya kina-usap at hinayaan kona siyang magpahinga. Nnag makarating na kami sa bahay ay tinulungan ako ni Manong Peter sa pagbuhat kay Jacob papunta sa loob ng bahay. Alalang alala si mama nung nakita niya si Jacob

"Ano bang nangyari sa pinsan mo, Clyde?" alalang tanong ni mama

"Mukhang may problema nanaman siya sa nililigawan niya, Ma"

*geez! Bakit lagi nalang ganyan ang mga babaeng dumarating sa buhay namin? Nung una, ako iniwan ng girlfriend ko para sa iba tapos... yung babaeng matagal ko ng gustong mahanap... hindi ko parin makita. Napabuntong hininga nalang ako. *sighed

Nagbihis na ako at si mama naman ang nag-asikaso kay Jacob. Bumaba ako at pumunta sa kusina para kumain.

"Ma, kumain kana ba? Sabay na tayo dito." sabi ko kay mama

"Sige na, anak. Tapos na rin akong kumain. Aasikasuhin ko muna tong pinsan mo"

Kumain nalang akong mag-isa habang si mama nasa sala kasama si Jacob. Nagluto si mama ng Adobo. Specialty nya kase yung potaheng yun. Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto at naglaro ako ng xbox. Naalala ko noon, si Jacob ang lagi kong kalaro tuwing gabi. Nagkaganyan lang kasi talaga si Jacob mula nung iwan din siya nung first love niya. Ngayon naman kay Maecy. Hindi ko alam ang nanyari sa kanila. Hindi ko pa kasi nakakausap ang pinsan.

Naglaro ako hanggang sa dinalaw na ako ng antok. zzz zzz zzz

-----------------------------------------------------------------------------

The Girl I Was Looking ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon