Janel's POV
Nag-kukwentuhan kami sa sala at nagtanong din ang mama ni Clyde about sa buhay na meron ako.
"Feel at home, hija. I know someday or should I say... soon, makakasama kana namin ni Clyde dito sa bahay." She said while holding my both hands.
I made a confused face para iparating sa kanila na hindi ko maintindihan ang sitwasyon.
"What do you mean about..." hindi pa tapos ang sasabihin ko ay biglang sumagot ang ginang.
"I will be the most grateful mom kapag dumating na ang panahon kung saan magiging anak na din kita, Janel!" sagot niya.
"Ma! Wag mo namang biglain si Janel! Tignan mo at kitang kita sa mukha nya ang pagkabigla sa sinabi mo" pagsuway na sabi ni Clyde sa ginang sabay tingin sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata matapos kong marinig ang lahat ng sinabi ng mama niya.
Walang sagot ang mama ni Clyde. Binalot ng panandaliang katahimikan ang sala at hindi ako makatingin sa mag-ina.
"Ma'am, nakahain na po ang hapunan" pambasag ng isa nilang kasambahay sa nakabalot na katahimikan.
"Ohh! Ayun namn pala, Clyde, why don't you bring Janel sa dinning room para makapag dinner na tayo." tumingin ang ginang sa akin at tanging ngiti nalang ang naisagot ko.
Clyde's POV
Hindi ko alam bakit ganito ang kinikilos ni mama ngayon. Akala ko noon ay tanging gusto nya lang ay may maipakilala ako sa kanya. And I didn't expect na iniisip nya narin ang pagpapakasal namin ni Janel na sya namang malaking problema pag nalaman niya ang totoo.
"Ohh! Ayun namn pala, Clyde, why don't you bring Janel sa dinning room para makapag dinner na tayo." sabi ni mama.
I obeyed my mom at sumunod kaming dalawa ni Janel sa dinning table. Pero sa pagkakataong to, nauna si mama sa dinning room at bahagya kaming naiwan ni Janel sa sala.
"Clyde, what does your mom mean?! Ano nanaman bang kalokohan ang papasukin natin?!" Janel said while both of her hands were resting in her waist.
"Believe me, Janel. Hindi ko alam na pati ang tungkol doon ay iniisip na ni mama. She just said that gusto ka nyang makilala. Even I, nagulat ako na sinabi ni mama" I explained. Pero hindi rin nagtagal ay tinawag kami ni mama at wala na kaming nagawa kundi sumunod. Bago kami pumunta sa dinning room ay tinitigan ko si Janel.
"Please... Just for my mom, help me" -- I said.
_______________________
At the dinning room
There are a lot of foods. Napakadaming pinahanda ni mama. No doubt na talagang pinaghandaan nya ang gabing ito. Pero kahit ako, nag-aalangan na. Hindi dahil sa pagpapanggap lang ang lahat kundi dahil sa maaaring hilingin pa ni mama -- which is marriage. *sighed. I am not ready for that thing!
"Halina't maupo kayo. Clyde, bakit hindi mo alalayan ang nobya mo. Para namang hindi kayo magkasintahan *giggled." Pabirong sabi ni mama.
Nauna syang umupo at ganon na rin kami ni Janel. Pinagsilbihan ko si Janel gaya ng sabi ni mama. Hindi ko man palaging ginagawa sa kanya yon pero bakit nung oras na yun, iba ang naramdaman ko. Tila ba napakaluwag sa aking pakiramdam na gawin yon sa kanya kahit na alam kong pagpapanggap lang ang lahat.
"Salamat" tanging salita na narinig kong sinabi ni Janel. I just smiled at her at umupo na rin ako.
"Let's pray first."
BINABASA MO ANG
The Girl I Was Looking For
Teen FictionShe is Janel. Because of an accident, she bacame a strong girl who will do everything just to accomplish the things that she wants. Until she met this guy who seems familiar to her, pero kahit anong gawin niya ay hindi na magawang maalala ang lalak...