chapter 4

13 12 0
                                    

chapter 4:

my aunties decided to get and bring us on manila.. nganga na naman kayo sa english ko no? haha.. dinala nila kami sa manila para paaralin at bigyan ng magandang kinabukasan. kami naman maganda at bata pa lang, eh pumayag agad..

syempre manila yun teh? matagal na naming pangarap na makasakay sa eroplano at makatuntong sa maunlad na syudad diba? pangarap ko kasing sumikat at maging artista dati gaya ng mga napapanood ko sa teleserye na kahit kailan, hindi natupad mga teh! saklap! para akong sinampal ng maraming papel na may nakasulat nang,

'hoy! hinding-hindi ka sisikat!'.. bastos talaga charots!



so ayun, nag usap-usap sila mama at tita ko. pati na rin sa lola ko na hindi pa sumang ayon sa una dahil nag aalinlangan syang baka may mangyaring masama.. pero dahil nasa amin ang desisyon ay wala na silang nagawa...




kaya after ilibing ni lolo ay gumora na kami papuntang manila.. swerte ko diba?.

at yun na nga, natagpuan ko na lang ang sarili kong kasama ang tita ko at ang anak nyang lalaki na pinsan ko naman, kuha mo? good. yung little sis ko naman ay nasa kabilang bahay. kasama nya ang isa ko pang tita. saya no? hindi kami magkasama.. pero okay lang kasi  nagkikita naman kami. hindi nga lang araw-araw kasi you know? basta ganun! wag mo na alamin, tsismosa to!


at syempre gaya ng ibang mga batang kasama ang mga tita nila eh hindi rin naging maganda ang takbo ng buhay ko sa piling nya. may mga oras na pagagalitan ka kasi nga hindi pa nakapagsaing ng maaga! gutom na daw kasi ang prinsipe ng buhay nya kaya ganun. o di naman kaya ay pagagalitan ka dahil bukod sa hilaw  pa ang kanin ay may mga oras na nasusunog naman, saktong mamatay ka na sa gutom oh?



hays kung alam mo lang tita sinadya ko yun para makaganti ako. tapos palihim ko rin yung nilagyan ng dura ko tapos yung tubig naman ay galing sa mga dumi na pinunas ko sa kamay at paa na sobrang baho haha charots! makaganti lang ba ganun?


there is also a time that..... that.....that..... aish! basta! yung kukurotin ka ng anak nyang tikling na sobrang payat pa kesa sakin. mas mukhang kawayan pa sya kumbaga. kurotin ba naman daw ako sa kamay paa,tiyan, tuhod, hita at kung saan-saan pang parte ng katawan ko hindi ka ba mapipikon? edi syempre hindi na ako nakapagtimpi ay ginantihan ko rin.




kinurot ko rin sya at ang kurimaw na bata, umatungal ba naman daw ng iyak tapos nagsumbong sa mama nya? aba, ang masaklap pa don ay gumawa pa sya ng kwento! kesho sinaktan ko daw sya, binugbog, blah blah blah!. at kung anu-ano pang kwento na wala namang katotohanan. sarap bigwasan no? ito namang nanay nya na over kung maniwala ay pinagalitan din ako. letshugas yan. ni wala nga syang ebidensya na sinaktan ko ang anak nya tapos ganyan agad? sarap talaga pag untogin ng mag-ina..



pero kahit ganun pa man, nagpapasalamat parin ako sa tita ko dahil inaruga nya ako at pinakain ng tama, binigyan ng karapatang mabuhay kahit minsan nakakainis sya. pero never ko syang kinamuhian in my entire life..




sabi nga ng isa ko pang tita, pasalamat daw ako dahil kinupkop nila ako at binigyan ng tirahan.. may pahabol pa sya.

.

"ang mga katulad nating may magaganda't gwapong lahi na habulin ng mga lalaki't babae ay dapat sinasamba."




hanuh daw?.



okay, if you say so tita..





kaya hindi na kataka-takang mataas ang kompyensa ko sa sarili.. eh sa maganda ako eh? bakit ba? may magagawa ka? kaya mong baguhin ang mukha ko? in your face!. tita ko na nga nagsasabi eh!. q
wag kang ano!





but then again... something's unexpected person is back.

this is me, this is real (COMPLETED)Where stories live. Discover now