chapter 8

12 11 0
                                    

chapter 8:



so yun na nga, yun ang kwento ng sobrang epic na tito kong baliw haha!


kaso imbis na sya ang dalhin sa mental hospital, yung anak nya ang nadala..  nabaliw rin kasi ang anak nya na pinsan ko dahil sa kahayupan ng ama nya..


ayun, hindi nya natapos ang taon bilang senior high dahil nga nawala sa katinuan.. di nya siguro nakayanan ang problema ng pamilya kaya nabaliw na lang sya..



ilang araw syang nanatili sa mental hospital para bumalik sa ayos ang utak nya. dapat nga yung tito ko na lang ang dinala sa hospital kasama yung asawa nya na parehong may sayad din sa ulo para tumino naman minsan at para narin magamot ang utak nila pareho..



nakakatawa talaga na nakakainis ang kwento ng pamilya nila.. paano ba naman kasi?



obvious na ngang wala na sa katinuan ang anak nila eh pinagpilitan pang sinapian daw ng masamang engkanto!



ang masaklap pa eh nagdala pa sya ng isang albularyo sa hospital na walang ibang ginawa kundi ang magpa usok ng ensenso.. tapos alam nyo kung ano pang nakakatawa?



gumawa lang naman ng kwento, sabi pa nya...




"misis sinapian ng masamang elemento ang anak mo.. sa nakikita ng third eye ko, higante sya, payat tapos maitim! mukha syang tikbalang na walang puso! hindi daw sya aalis sa tabi ng anak mo! aagawin nya daw ang katawan ng anak mo kaya kailangan natin syang hampalusin ng sanga para lang mapaalis ang engkanto!"-


eto namang magulang na uto-uto ay gumora rin..


sinunod din nila ang utos ng pekeng albularyo.. hinambalos nila sa katawan ng pinsan ko ang sinasabing sanga sabay sabi ng...




"lumayas kang masamang engkanto ka sa katawan ng batang ito! inuutusan kita! umalis ka! lumayas ka!"-




at dahil nasasaktan na ang pinsan ko kaya sobrang galit na galit na sya ay sinipa nya ng pagkalakas-lakas ang tatlo sa mukha edi nagtalsikan silang lahat palabas ng kwarto?



tawa ako ng tawa habang kinikwento samin ang ng tita ko ang nangyari sa loob ng hospital.



takot na takot daw silang tatlo pati na yung albularyo sa nangyari..




"sobrang lakas ng pwersang sumanib sa kanya! hindi ko sya kayang gamutin! may ibang makakagamot sa kanya!"-




then, nagwalk out ang pekeng albularyo...





naiwan naman silang mag asaw don na hindi magawang lumapit sa anak dahil nga, hahawakan palang nila ang anak ay sisipain na sila nito palabas..





minsan pa daw, kapag sinusubuan sya tapos ayaw nyang kumain ay susuntukin nya sa mukha ang ina! sobrang epic lang! edi ang ending? nagkaroon ng malaking black eye sa magkabilang mata ang nanay nya..





tawa ako ng tawa... hays... hindi na nakapagtataka, pamilya baliw nga sila! haha! isang nanay na mangkukulam, tatay na walang ibang ginawa kundi ang mangbabae at isang anak na walang ibang ginawa kundi ang maglayas saka mabaliw.. see? familia crazy..





but i also felt pitty for them because of their situation.. their son doesn't deserve to be in mental hospital.. he doesn't deserve to live like a shit!..






and its all because of his parents.. its all of their fault.. they did not do their obligations as a parents.. they let their only child to be a naughty person and a spoiled one...

that's why i'm starting to believe in the word 'karma.'



i guess kinarma na nga talaga sila sa mga kasalanang nagawa nila at ang anak naman nila ang nagdurusa...



imagine? grade 12 na dapat ang anak nila ngayon pero ni isang beses, hindi nila napakompisal ang anak nila? hindi nga rin nila nagawang ipa-first communion, lalong-lalo na ipabinyag ang anak nila since birth! nakakaloka diba?! sinong hindi maloloka sa katotohanan na yun?!


hays! ang sakit talaga nila sa bangs my goodness!!

this is me, this is real (COMPLETED)Where stories live. Discover now