April, 2020
Naisip nina Mick, Dylan, Nell, Rain at James na tumambay muna sa likuran ng bar, kung saan dati na silang tumatambay. Malapit sa kanila ang bar, dahil palagi sila doon noong high school, hindi para maglasing, kundi mag-hangout lang. Hindi na sumama ang mga babae dahil bibigyan daw sila ng mga ito na magre-reminisce ng mga sikretong kalokohan nila.
"Ang laki ng pinagbago ni Faye. I mean ang laki!" Komento ni Mick, then he put his hands sa chest, gesturing na ung part na un ang lumaki. Lalaki sila kaya alam na nila. Nagtawanan sila.
"You really haven't change. Yan lang na naman napansin mo." Komento ni Rain
"Oo nga! May I remind you, may asawa at limang anak ka na! Lima! Kami dito hindi na maka-keep up sayo." Dagdag ni James.
"Ang babagal niyo kase. Mga pagong! Kung sino pa hindi nagka-syota sa high school, siya pa ung unang nagkapamilya." Mayabang na sagot ni Mick
"Actually susunod na ako." Ani ni Nell "Abby is pregnant. 3 months to be exact. Plano naming magpakasal after the birth."
"Really? Wow! Congrats! Paano yan? 2 down, three to go."- Rain
"Make that three down..." makahulugang sabi ni Dylan.
"What do you mean?" Curious na tanong nila.
May kinapa si Dylan sa back pocket nito at nagulat sila ng makita kung ano ang kinuha nito. They pretty much sure kung anong ibig sabihin nun.
"Why the hell do you put a ring in your pocket?" Tanong ni Mick
"Matagal ko nang binili to. I can't just find the right time to do it. I want it to be perfect. For her."
"I did my proposal out of the blue. Habang kumakain kami ng lomi sa may karinderya. While watching her eat, doon ko narealize na siya ang gustong makasama habang buhay. Without a ring, I proposed." Kwento ni Mick
"What's your point?"-Dylan
"Walang point. We think girls want a romantic, and big gestures, but that's not true. They just want to love and be loved. And as long as nafi-feel nila ang sincerity ng isang lalaki, they won't care if mag-propose ka sa Mars, or sa tabi-tabi lang. We tend to romanticize girls, but really, they are just simple human being. Kaya walang point yang problema mo. Perfect or not, all that matters is mahal niyo ang isa't -isa."
"Yeah, and I think sarili mo lang makakaalam ng right moment. You will just feel it." -Nell
"Pero tanong ko lang, sigurado ka na ba? Hindi ba masyadong mabilis?" Biglang tanong ni James
"I have been waiting for her for a long time. So I think it's time." Napangiti siya habang pinagmamasdan ang singsing. He just remembered everything. The reason why he loves her.
______________________________________________
November, 2009
"Love, wag mong kakalimutan sa Sabado ha! Birthday ni mama. Kahit anong mangyari, kailangan mong um-attend. Hindi ko kase alam kung anong pinakain mo dun, at gustong-gusto ka." Pagpapaalala ni Gelli sa nobyo. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa tambayan nilang magbabarkada.

BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThe first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you, that feeling just never goes away. -Nicholas Sparks