Chapter 6: Staying With You

15 1 0
                                    


April, 2020

"How about this? 2nd monthsary."



"Hmmm... Wala na bang mahirap-hirap diyan? A teddy bear."




"You do remember everything."



"They were happy moments, so why would I forget them?"



Nakangiting umiling-iling na lang si Gelli. Kanina pa sila nag-uusap ni Dylan. Napag-usapan na ata nila lahat, kaya ng walang maisip, ay napag-isipan nilang maglaro. He just had to tell her kung anon ang mga naging regalo nito nung mga naging events sa relationship nila.



"Eto meron akong isa. Christmas."



"Really, Gelli? A keychain na hugis susi na may heart sa dulo, at may kasamang pang love letter."




"Wrong." Nagtatakang tinignan siya nito. "My heart. You gave me back my heart."






________________________________________

December, 2009


"Iha, gusto mong pumasok muna? Doon ka na lang maghintay. Malamig dito." Nag-aalalang sabi ni Manang Fely. Eto ang katiwala sa bahay ng mga Montez, at nagpalaki at nag-aalaga kay Dylan. Si Dylan na lang kasi ang naiwan sa Pilipinas.



"Okay lang, manang. Dito na lang po ako. Nakakahiya naman po."



"Ano ka bang bata ka? Nobya ka ng alaga ko. Mas magagalit iyon kapag may masamang mangyari sayo. Ewan ko ba sa batang iyon. Sinabihan ko na palagi kang nandito at naghihintay, ayaw pa ring niyang kausapin ka. Pagpasensiyahan mo na iha. Marahil hindi lang niya alam kung paano umakto sa harapan mo, lalo na't ganito ang nangyari sa papa niya. Wag ka sanang mapagod sa kanya."



"Never po. Naiintindihan ko po siya kaya hindi po ako sumusuko."




Kalap na kalap na sa lugar nila ang nangyari kay Tito Red, ang ama ni Dylan. Naatake ito sa puso sa Seoul, at nasa coma ngayon. Dylan must have been feeling helpless, dahil she knows he wants to be with his dad right now, pero hindi pa pwede. Madami pa kasi ang kailangang asikasuhin bago siya makaalis.



"At nangako po ako sa kanya na hindi ako bibitaw kahit Anong mangyari. Kaya kahit pagod na pagod na ako, hindi ko po siya iiwan. Pero ibang usapan na po kung siya na po mismong bibitaw." At tsaka mapait na ngumiti.




"Dylan, tignan mo itong ginagawa mo sa nobya mo." Sabi ni manang, na hindi na pala nakatingin kay Gelli, kundi kung sino man ang nasa likuran niya. Lumingon siya, at bigla-bigla na lang siyang naiyak nang makita yung matagal na niyang hinihintay. It's just 1 week pero ang laki na ng pinayat nito. Napuno ng awa ang puso niya, pero hindi niya pinakita kasi alam niyang ayaw nito na kinakaawaan.


Nilapitan niya ito, at nginitian. She put her hand to his cheek, and gently caressed it.



"Gusto ko lang sabihin na andito Lang ako. We all are. Don't be a stranger. Namiss ka na nila. Lalo na ko. Miss na miss ko na ang boyfriend ko." She paused. Binitawan na niya ito, at tsaka lumayo. "Yun lang ung pinunta ko. Take care of yourself, okay?"



Ang dami niyang gustong sabihin dito, pero alam niyang nahihirapan pa rin ito. Kaya hahayaan niyang ito ang kusang lumapit sa kanila. Naiintindihan niya ung pakiramdam na kailangan munang mag-isa. And she also knows, one of this days, he'll come around, and when that day comes, she'll be there.




Tinalikuran na niya ito, at tsaka nagsimulang maglakad palayo dito. Mabigat ang bawat hakbang niya. She doesn't really wanna leave him. She just wanna stay, and say that everything's gonna be okay. But she can't. In this situation, its the last thing you wanna hear. Coz no one knows whats gonna happen.





Pero nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Oh how she missed his hug. Again, she felt home. He buried his head into her hair, and there he silently cried. Hinayaan niya lang ito. She can feel his pain, and it's breaking her heart to see him like this. Kung may magagawa Lang siya to ease his pain. Pero ito Lang muna ang kaya niyang ibigay. Her support, her love.




They stayed in that position for awhile, bago ito nagsalita. And what he said next made her world stop.



"Break up with me."

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon