Chapter 11: Now or Never

9 1 0
                                    


April,2020


"Paano ba yan? Patapos na ang kanta." komento ni Gelli, habang patuloy pa rin ang pagsayaw nila.



"Time's up! How is possible every time na kasama kita, parang ang bilis ng oras?"



"Coz it's fun to be with me. Kahit noon pa."



"Yeah, kahit nung tayo pa. It's always fun kapag kasama kita." He paused na parang nag-alangang ituloy ang sasabihin. "Gelli, may gusto akong itanong sayo." Nagbago ang tono nito. Naging seryoso ito.



"Sound so serious. Pinapakababa mo ko. Ano yun?"


"Will..."




__________________________________________________________________


September, 2022



"You look so nervous. Don't worry, she'll show up." Pagre-reassure ni Mick sa kaibigan.


"Alam ko! Ewan ko kung bakit kinakabahan ako." sagot naman ni Dylan. Magkahalong excitement at kaba ang maririnig mo sa boses nito.



"That's normal. Ganun din ako nung pinakasalan ko si Tin. Kaya naiintindihan kita."


"I just can't believe it, pare. Magiging asawa ko na siya. Andami naming pinagdaanan. Dalawang taon yung hinintay ko. At ngayon andito na kami. Kami pa rin sa huli."



Ngumiti na lang si Mick. He's happy for his friend. He deserve it. He deserve to be happy. Matagal din niyang hinintay ang panahon na ito. And he's happy, dahil sa wakas matutupad na ang pangarap nito, ang ikasal sa babaeng nakatadhana sa kanya.





*******************************************************************************************



"Hay, asan na ba yung bride? Don't tell me nagka-cold feet yun, at umalis na." kinakabahan na sabi ni Sunny. Nasa loob pa rin sila ng isang hotel room na nagsilbing dressing area ng bride. 



"Hoy tumigil ka! Hindi niya yun magagawa. Mahal na mahal niya kaya si Dylan. We saw how she takes care of him. Kaya impossible yang sinasabi mo." pagdi-disagree naman ni Trina.


"Alam ko naman yun, pero sa dami ng pinagdaanan nila, baka nagbago na ang isip niya."



"At kanina pa nagpaalam iyon na may pupuntahan saglit pero hanggang ngayon, wala pa siya. At kahit iyong ring bearer, hindi ko din mahanap." reklamo na din ni Rica, eto na rin kase ang naging wedding planner. Kaya tarantang-taranta na siya.




"Hindi mangyayari yang sinasabi mo, dahil ayun na siya oh!" sabay turo sa pintuan.


"GELLI!"



May, 2014


"So totoo nga? Hahanapin mo si Dylan sa Korea?" tanong ni Jenevieve sa kanya habang kumakain sila ng lunch kasama si Crystal. After college, they all decided to live in Manila na, kaya madali na lang sa kanila ang magkita-kita.


"Yeah."


" At paano mo siya hahanapin aber?" tanong naman ni Crystal.



"Sasamahan ako ni Emma. Alam niyo naman yun, ginawa na niyang second home ang Korea.  Tutulungan niya ako. I have his address."


"Gelli, limang taon na yung nakalipas. At sa loob ng limang taon na yun, wala kayong naging communication. How can u be so sure na nakatira pa rin siya sa address na yan?"



"I know. Pero I have to atleast try. Sinubukan kong kalimutan siya. For five years, I tried. Pero hindi ko magawa. Maybe it's a sign na hindi pa tapos yung sa amin. Kailangan kong gawin ito, kasi hanggang ngayon hindi pa ako maka-move on."



"So what are you gonna do if makita mo siya doon?"




"Hinding-hindi ko na siya papakawalan. I'm gonna tell him that I'm still in love with him. Its now or never."

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon