Chapter 3: D-Day

22 1 0
                                    

April, 2020


"Sa wakas! Nagsama din ang paborito nating loveteam. Walang panama ang Kathniel, Lizquen at Jadine sa inyo. Dylli forever kami." Sabi kaagad ni Suuny nang makaupo si Gelli sa tabi ni Dylan.

"Para kayong mga baliw! Sinong loveteam? Si Aine at Dylan kaya loveteam natin noon. Diba sila palagi pambato natin sa mga pageants?" Sagot ni Gelli


"Nung una sila, pero nung naging kayo, you became the most unforgettable loveteam nung high school." Ani naman Trina.


"Oo nga! Andami niyo kayang drama noon. Para kaming nanonood ng teleserye, pero mas maganda, kasi live." Dagdag ni Rain.


"Anong mga drama?"sabay na tanong nina Gelli at Dylan, at nagkatinginan.


_____________________________________________

July, 2009

Kasalukuyang nasa loob ng classroom si Dylan, Rain, at James, naglilinis. Sila lang ang naiwan doon bilang parusa dahil ilang beses na nilang tinakbuhan ang cleaning duties nila. Nagsiuwian na ang iba nilang kagrupo.


"Pare, tanong ko lang anong nangyari sa inyo ni Aine?" Tanong ni Rain habang nagwa-walis

"Antagal na yan. Bakit inuungkat mo pa? Hindi kami nag-click." Sagot naman ni Dylan na nagpupunas.

"Paanong naging hindi nag-click? Eh bagay na bagay kayo. Don't get me wrong ha. Pero bakit si Gelli? Mas bagay naman kayo ni Aine." Dagdag naman ni James na nakatoka sa pag-aayos ng mga desk.


Bag!


Napalingon sila sa pinanggalingan ng tunog. Nabahala si Dylan nang makita si Gelli. Mukhang narinig nito ang usapan nila base na rin sa pinta ng itsura nito.


"I'm sorry. I...uhm didn't mean t-to...uhm Ok, bye!" Nagkandautal-utal na sabi ni Dylan, at tsaka kumaripas ito ng takbo. Leaving behind her things na nabitawan niya. Hindi man lang sila nabigyan ng time para mag-explain.


"Hala! Narinig ata tayo!" Bakas ang concern sa komento ni James


"Lagot k-"



Hindi na natapos ni Rain ang susunod na sasabihin dahil biglang na ring umalis si Dylan. Hindi na nila kailangan pang magtanong pa kung saan ito pupunta. They pretty much know kung anong mangyayari.


"You do realize tayong dalawa na lang ang magtatapos nito." A matter of fact na sabi ni Rain

"Damn! Oo nga." Then James paused. At parang may naisip. "It's okay. Dylan will owe us one."





Hingal na hingal si Gelli nang tumigil siya sa pagtakbo. Napadpad na naman siya sa likod ng lumang building. Inisip niya ang sinabi ni James. Tama naman ito. Pero bakit naiinis, no erase that, nasasaktan siya? Aine is perfect for him, so why would he pursue her? She's been in the cloud nine this past few days, it's all because of Dylan. Never nag-occur sa kanya yung tanong ni James. Bakit nga ba siya?


Nakarinig siya ang papalapit na steps, kaya naghanda siyang tumakbo ulit, pero may humawak sa braso niya. Napalingon siya, and it made her want to run away more nang makita kung sino ang pumipigil sa kanya. Si Dylan, at kagaya niya, hinihingal din ito.


"Wait up... Oh god... You're so fast!" Hingal na sabi nito.


She tried getting away from his grip, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.


"Can you please let me go?"


"No! I don't wanna let you go." Sa pagkakasabi nito parang may ibang ibig sabihin ito. "Tatakbo ka lang ulit. Let me just catch my breath first."


"Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin?"


"Why do you look upset? Dahil ba sa narinig mo?"


"I'm not upset. Imagination mo lang yan."


"Gelli, you can lie to yourself, but not to me. Now tell me, why are you upset?"



"Fine!" Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Then answer James' question. Bakit hindi si Aine? Tama siya. Mas bagay kayo. I saw how compatible you are. Bakit ako? Natsa-challenge ka lang ba? Bored ka? Or was it just a prank? A dare? Bak-"



"Dahil mahal kita! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo yun? Because it's you. At hindi kay Aine tumibok yung puso ko. I fell in love with you unexpectedly. Hindi ko rin inaasahan. All this years kaibigan lang ang tingin ko sayo, pero hindi ko alam kung bakit isang araw ikaw na yung mahal ko. Maybe because finally I saw how you care. You help without us knowing. You have this hard exterior, but inside is hiding a big heart."



"You don't know that."


"I know, because I have been watching you."


"Stalker much."


"I don't mind being one, kung ikaw lang naman ang panonoorin ko. Now, ikaw naman ang sumagot sa tanong ko. Bakit ka nagalit after hearing our conversation?"


"H-Hindi ko rin alam."


"I can think one reason. Jealousy."


"What? Nagseselos ako?"

He just shrugged.

"Hoy mister! Kung nagseselos ako, that means maha..." napatigil si Gelli. Parang may na-realize siya. At base na rin sa pagkakangiti ni Dylan, mukhang alam na rin nito ang ibig sabihin ng pagkainis niya.

"What was that?" Parang nang-aasar na tanong ng lalaki


"Nothing. Alis na ako. Bitawan mo na ako." Nunca siyang aamin. Everything looked so hazy right now. So she thought, right now is not the right time to confess.

"I said no. I won't ever let you go." Lumipat ang kamay nito sa pisngi niya. She can run away now, pero ayaw makinig ng katawan niya na kontrolado na ng puso niya. And she's being drawn into his eyes. Nangungusap ang mga mata nito. "It's your time to answer me. So kung nagseselos ka, means?"

"Uhm... bored ako?"


"Nagseselos ka dahil wala kang magawa? Wrong!"

"Dahil gutom ako."

"Try again."


"Dahil gusto k-k..." parang may bumibikig sa lalamunan niya. Hindi pa siya handa. Sobrang unexpected naman kasi. Kaninang gumising siya kanina, hindi pumasok sa isip niya na mangyayari ito ngayon.

"Answer me properly. If you can't, then titigil na ako sa panliligaw. Hindi na kita kukulitin. I'm gonna leave you alone."

"Dahil mahal kita." Sa wakas ay nasabi niya. The reason for the butterflies in her stomach. Yung irregular na pagtibok ng puso niya. Yung napapangiti na lang siya bigla. Yung nakokompleto ang araw niya kapag nakikita ito. Yung masaya dahil kasama niya ito. It's all because she loves him. And she smiled because of that realization.


"Yes! Finally! Sigurado ka na ba? Then does that mean pwede ko nang ipagmayabang na girlfriend kita?" Excited na sabi ni Dylan. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito.


Tumango lang si Gelli. She's too shy to say something. Ramdam niya na kahit hindi siya nagsasalamin, pulang-pula na ang pisngi niya.

"I love you too, Miss Angel Torres."

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon