Chapter 14: 2009

7 1 0
                                    

Nasa labas na ng bar ang magbabarkada, dahil oras na para magsiuwian sila. Actually, iilan na lang ang naiwan sa kanila dahil umuwi na ung iba. Mag-alas-dos na ng madaling araw kasi.

"Ang bilis ng oras! Akalain mo tapos na reunion."

"Oo nga eh! Kailan kaya ulit ito mangyayari?"

"Don't worry, this won't be the last."

"Sana nga. Pero ha, message message pa din tayo. And if kaya natin, kita-kita tayo."

"Oo naman."

"Oh siya! Sa mga sasabay sa akin, doon ako nag-park."

"Ganun ba? Sa other side nag-park si Xedric. Hihintayin ko na lang siya dito. Didn't you drink? Will you be okay?"

"Good boy na ata to, kaya hindi ako uminom. Lagot kay komander eh!"

"Member ka pala ng under de saya gang."

"Ganun talaga kapag nagmamahal. Member din kaya yang boyfriend. Tignan mo nga oh, sinundo ka pa. Akala ko ba magda-drive ka kaya hindi ka uminom, eh may driver ka naman pala."

Ngumiti lang si Gelli, at hindi na sinagot ito.

"Oh siya sige! Mauna na kami. Mag-ingat kayo, okay?" Niyakap siya nito, at umalis na. Pero parang may naalala ito, kaya lumingon ulit. "Hey, it's nice to see you guys being friends."

"Huh?"

"You and Dylan."

"I'm glad too." Sagot niya, at tsaka pa lang umalis ito kasama ang mga kaibigan.

"I heard my name." Kunwa'y may nagsalita sa tabi niya. Bumaling siya, and she saw Dylan.

"Masaya daw siya na naging mag-kaibigan pa rin tayo. Where's Anna?"

"Kinuha yung sasakyan. Xedric?"

"Same."

Natahimik silang pareho. Pero biglang napahagikgik si Gelli, na kinalingon ni Dylan.

"Something funny?"

"Naalala ko lang nung una kang nagtapat sa akin sa auditorium in front of the student body. That was embarrassing!"

"Hey! Stop remembering those kind of things. Save my masculinity."

"Ayoko nga! Kung hindi mo ginawa yun, you think mapapansin kita? So buti na lang ginawa mo yun. My high school became happier because of you. Thank you for being my first love."

"Thank you for being mine. We had a good run, didn't we?"

"Yes, we did." Ngumiti siya at tinapik ang balikat nito. "Nandiyan na ang sundo ko."

"Sige, mauna na kayo. Parating na rin yung sa akin. Ingat kayo!"

"Kayo din! Pasabi kay Anna, it was nice to meet her."

"I will!"

Gelli's POV

I gave him a smile, before ko siya tinalikuran. Habang naglalakad papalapit kay Xedric, biglang nag-flashback yung nangyari nung high school, from the first time naming magkita to the day na naghiwalay kami.

 

Napaisip ako. We had the right love at the wrong time. We were meant to meet each other, but not meant to be together. May ganun naman talaga di ba? Hindi ibig sabihin na mahal mo, sa iyo na siya. It hurts, at first, pero as time goes by, mawawala na yung sakit. What left was the memories. time will heal you. And along the way, you'll meet the person who's really for you.

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon