April, 2020
"Can I just get a water, please?" Order ni Gelli sa bartender, sabay upo sa isa sa mga stool. Hindi naman nagtagal nasa harapan na niya ang tubig. Nabawasan na ang laman ng club, dahil nagsiuwian na ang iba sa kanila. Alas-dose na rin kase. Kaya nga hindi na muna siya bumalik sa kanyang grupo, dahil tinatamaan na din siya ng pagod. Magpapahinga lang siya ng kaunti bago bumalik.
"That's a first. Just water for Miss Torres?" Biglang tanong ni Dylan na lumapit sa kanya. Tinignan niya ito, at tsaka nginitian. Umupo ito sa tabi niya.
"Magda-drive ako. Eh ikaw? May susundo ba sayo? Andami mo ng nainom."
"Meron. Ngayon Lang naman ito. Ang sarap uminom lalo na kung mga kaibigan mo kasama mo. Namiss ko yun."
"I know. Kahit gaano sila kabaliw, nakakamiss din pala ang mga unggoy na yun."
"Hala! Susumbong kita. Tinawag mo silang unggoy."
"Where do you think I got that?"
Nagkatinginan sila. Dahil they just both remembered the same thing that happened during high school. Sabay pa silang napatawa nang maalala yun.
"I missed this. I miss you." Ani ni Dylan, na mas kinangiti ni Gelli, coz she felt the same way.
_________________________________
December, 2009
"Mga unggoy!" Sigaw ni Dylan sa mga kaibigan na nasa taas ng puno ng mangga. Yun ang nadatnan nilang magsyota, nang tinawagan sila ni Tsina na magkita-kita.
"Yah! Sinong unggoy?" Angil ni Mick
"Grabe ka sa amin ha!"-Rain
"Oo nga! Sa gwapo ng kong ito? Si Mick pwede pa."-Nell
"Ulol! Pinaglihi kaya ako kay Richard Gomez."-Mick
"Richard Gomez? Baka kay Richie the Horse."-Sunny
"Ano ba kasi ginagawa niyo diyan sa taas ng puno? Kulang na lang magkutuan kayo diyan at mukha na kayong isang pamilya ng unggoy." Tanong ni Gelli.
"Eh sa kaya naming umakyat. At bakit ngayon lang kayo? 5pm usapan natin, anong oras na oh!" Reklamo ni Trina, na abala sa pagpitas ng bunga.
"Pasensiya na. May dinaan lang kami ni Dylan. Did we miss something?"
"Wala namang importante. Just this manga. Ang tamis."-James
"Uyyy penge! Pakibato na lang." Pakiusap niya
"Ano ka? Siniswerte? Ikaw na nga nasa honor list, at ikaw pa ang may boyfriend. Try mo ding maghirap. Umakyat ka din." -Trina
"Ayy grabe ka sa akin! Magsalita parang wala sa honor list, at kung kase sinagot mo na ang isa sa mga mangliligaw mo."
"Point taken. Pero hindi pa din kita bibigyan. Get it yourself. Akyat kayo, kase ang ganda dito. Kita mo ung buong barangay. And look matibay pa yang tree house. Nasa loob si Rica."
"Hi guys!" Bati ni Rica, na sumulip sa entrance ng tree house.
"Talaga? Matatag ba? Baka bumigay na yan. Di ba mga bata pa tayo nung nagawa yan?" Alanganing tanong ni Gelli.
BINABASA MO ANG
My First Love
RomanceThe first time you fall in love, it changes you forever and no matter how hard you, that feeling just never goes away. -Nicholas Sparks